Unang buwan sa bagong taon wala nang koumunikasyon, ngayon magkaharap sa hapag-kainan kasama ang mga anak at apo. Ramdam ang mga bugso ng damdamin sa bawat kilos ng unang apo, kasama sa huling hapunan para sa taon-taong Visita Iglesia ng pamilya, nakita mo ang nakahigang kulay araw na mangga sa platito, hinawakan at tinimabang- timbang sa iyong kamay, “Kakainin ko na ito!”. Sa normal kong sagot, “Tingnan mo sa plato, May dalawang slice na natira ang ating apo.” Tumugon ang iyong mga mata sa lamutak na pisngi at malamang buto. Lunok-laway sa nag-iimbiitang sarap ng mangga mula sa Davao, habang unti-unti mong ibinabalik ang hawak at tumayo para laruin ang apo. Pamilya, sweet and sour generation gap, bunga death and resurrection