Issue No. 6

Alitangya

R.B. Abiva

Papawakas ang buhay 
Ng palay na dating bulas, 
Naghihintay ang sanyutang daliri 
Sa gilid ng bilao, 
At napuksa na ng isang metrong panabas 
At galun-galong lason
Ang nagtatayugang talahib. 
Sa aking alaala, 
Hudyat ng aking pagdating 
Ang nalalapit na pagkalipol. 
Ayon sa albularyo, 
Ako ay isang anyo ng bugtong: 
Butil ng munggo, 
Nang nangalipad, 
Aba, buwan ay nabulag!
Paglaon, naging singpusok ako 
Ng di mabilang na makata: 
Tinangka at nagtagumpay akong agawin 
Ang nakaputong na korona 
Ng liwanag sa rabaw ng siyudad. 
Nagdiwang ang mga naupos 
Na posteng muhon ng aliw, libog, 
At sibilisasyon: makapagpapahinga 
Na sila, pansamantala. 
Pero batid kong di ko malulunasan 
Ang sumpa ng pagpapagal. 
Kailan pa naging bago 
Ang hinaing at dalangin sa bawat gabí
Ng mga gaya ni Lourdes? 
Ang anak ng lupa 
Ay di gaya sa tulog 
Na mantika, o sa malamig 
At makintab na pilak. 
May panganib ang kataimtiman ng dilim: 
Sumasalubong at sumasagupa sa kaluluwa 
Ang hagupit ng umuusig na pighati. 
Hanggang kailan?
Hanggang kailan?

Pultaym na guro ng agham panlipunan, Filipino, malikhaing pagsulat, pananaliksik, at panitikan sa Manuel V. Gallego Foundation Colleges si R.B. Abiva. Awtor siya ng labinlimang libro ng mga tula, maikling kuwento, dagli, at nobela. Ang kanyang mga akda ay nalathala na sa Bannawag, Diliman Review, Liwayway, at sa mga publikasyon ng Sentro ng Wikang Filipino (SWF), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Cultural Center of the Philippines (CCP), at iba pa. Naging language coach at cultural researcher na rin sa mga pelikula.

Read more >

To the Person Who Said I Didn’t Look Trans Enough

Naro Alonzo

Should I explode like a transformer, transduce spine into transmission lines, 
            humblebrag transgressions done against this transient home?
Should I transfigure into Voltes V, translocate limbs into transhuman shapes 
            mess with my gene’s transcription, transmute each organic
            molecule into transistors, translate violence into trances?
Should I transfuse gender into my veins, transplant trafficked organs, 
            show my solutions: transposition of derived formulas?
Should I perform an audit of transactions, ORs of all
            I’ve transported with these knees and joints through life’s transits?
Should I transcend before you into rapture, tear out what transfixes you—
            become translucent, or let light in completely, transparent?

Naro is a tagahabi or psychosocial support provider for KERI: Caring for Activists. They are currently studying Clinical Psychology at the University of the Philippines Diliman.

Read more >

Liwanag ng London

Romalyn Ante

Mahal, maningning ang London.  
Ang River Thames sa tapat ng Westminster Palace
ay tila kalangitan sa gabi – nagkikintaban,
animo’y pinilakang balahibo ng mahiwagang adarna.

Ang mga sinaunang gusali, kay tatayog, kay lalapad.
Mga arkitekturang ladrilyo ay mamula-mula
at malabnaw na gatas – singgara ng mga bulaklak 
na bato sa ilalim ng dagat ng San Juan.

Mahal, walang bitak ang mga daan ng London.  
Ang mga pulang bus ay kay kikinis ng takbo,
at ang bintana’y walang isang ukit ng alikabok,
sumasalamin sa mga bilugang ilaw ng mga gusali.

Ang labas ng Harrods na kumukupkop 
sa rebulto ni Princess Diana at Dodi 
na nagtatampisaw sa tansong agos
ay pagkarangya: saklob ng mga bumbilyang 

tila sansinukob na alitaptap – may mga bandera 
ng iba’t-ibang bansa, iniuugoy ng simoy 
ng nagtagpong Taglagas at Taglamig,
yaring simoy na tumutuyo sa gamot-pawis ko,

pinapalitan ng halimuyak ng matcha at sigarilyo,
at mga siksik na halakhak-kalye. Ngunit ang totoo, 
Mahal, madilim ang langit ng London. 
Malamang dahil makislap na ang lupa. Sabi ng iba,

walang panglaw ang ’di masisilaw ng London. 
Ngunit, nang tingalain ko ang Victoria Memorial, 
ay lumagpas ang aking tanaw sa ginintuang buka
ng mga pakpak-estatwa. Hinahanap ko ang liwanag

na tanglaw mo sa ating munting dampa – 
kung saan tayo nagbabangi ng mais
at namamapak ng mangga’t bagoong-isda –
iyong ating buwan na laging kinukubli 

ng mga ulap ng London.

Romalyn Ante is a Filipino-British, Wolverhampton-based, poet, essayist, and editor. She is the author of the debut collection Antiemetic for Homesickness (Chatto & Windus, 2020). She was recently awarded the Jerwood Compton Poetry Fellowship.

Read more >

Duwa nga verso kan Itawit

Hans Pieter L. Arao

Ya Gurut kan Albasu


Mari fukut ya lubban
nga balay, ngiyem tanakwan 
ta napanaw ya Vulan.
Gavva-gavvat nga nakkopan.

Alle nak pay nassussuk— 
Nakangisit ya futuk, 
awan gallit ya uluk,
ya baggik, dudut, ifuk.

Ju ya bilag kan aggig. 
Nalukag ngin, massirig. 
Ya pallehut, mellahig 
ngin. Alle makalasig

Ya agguyu na. Ngammin 
magguyu pay. Nabalin 
ya azzilam. Awan ngin 
ya dahun, nazza 
lammin.

Mak-cancion nak, paki-diyot kan albasu.
 
 

The Zebra Dove at Dawn

Translation of "Yra Gurut kan Albasu"
The lubban that is my home
is not a prison. Yet, it
feels different with the moon 
gone. Darkness, all of a sudden.

It seems that I, too, have been hiding—
My heart, black, I cannot see
the stripes that mark my body, 
my head, my tail, my feathers.

The sun has awakened now. 
There, from the edge, it
peeks. Everything can now be seen.
Its movement seems to infect

The rest. Everything else moves, 
too. The night has ended.
The gray has dispersed, so
the cold has also gone.

I sing to greet the dawn.
 
 

Kan Malangan

 
Maffut dambel, nekkahi ra. 
Marim alakan ya mabaw— 
napakaru kan ittera.

Alakan mu ya karne
senu makasinsim kan manteka 
ya bibig, masapinan ya sinay.

Palyanan mu, payyan mu peba 
ya pinggan, baka mofutan ka.
Aruwan mu ya manteka, ya sarsa,

Mantsan mu ya bibig, ya sinnun,
Se mamwan ya karuba nga nakakan ka. 
Mamutut ka. Alakan mu ya suput.

Marim mappasiran, napakaru mamba.
Ekspektan da ma, mantindyan da 
nga nabisinan tera.

Marim mappasiran. 
Ammu da nga so mataruk 
awan kanan teran.
 
 

At the Feast

Translation of "Kan Malangan"
The slow will lose, they said. 
Don’t bother with the rice— 
we have those in heaps.

Partake of the meat
that your lips might be greased,
your guts plied with something solid.

Make it quick, fill your plate 
or you might lose out.
Pour more of the oil, the sauce.

Stain your lips, your clothes,
so the neighbors know that you’ve eaten.
Pig out. Take the plastic bag—

Don’t be shy.
They know that by tomorrow 
we’ll have nothing more to eat.
           
           
*
           
           
Note: Lubban is a pomelo tree.

Hans Pieter L. Arao is currently pursuing an MFA in Creative Writing at the De La Salle University. His work has appeared in Philippines Graphic, The Sunday Times Magazine, and Points of Contact, the Philipine Collegian's literary folio.

Read more >

Tabang Mga Langit

John Dominic Arellano

Tabang mga langit, tabangi ninyo
ang tigulang nga nagpas-an ka binagtong
sa iya nga nagbugtot kag nagakudog nga likod.

Tabangi ninyo sya makatabok
sa malapad nga kalsada, sa highway 
nga kon sa diin ang mga salakyan nagalabay nga nagasutoy.

Tabangi ninyo sya makatabok
sa mga kurit nga puti, pakadto kay Pedxing
kay palubog na ang adlaw, paabot na ang ulan

para sya na man maakaplastar sang iya banig
kag sang iya nga mga binagtong
sa shed sa dalom sang masanag nga poste.

John Dominic Arellano is an entrepreneur based in Tacurong City, Sultan Kudarat. His work has appeared in Cotabato Literary Journal, Dagmay, and in his zines Hide and Seek (2018) and Kun Ako Matak-an Ako Mangin Isa Ka Maya (2022). He writes poems and short stories in Filipino, English, and the variant of Hiligaynon in Southcentral Mindanao.

Read more >

May Mga Bagay na Hindi Namamatay

Mina Bautista

Alam ko na iyan
kahit mabibilang pa lamang
ang edad sa mga daliri
ng kamay.
Ang aking bag, halimbawa
na ilang taon nang hindi napapalitan.
(Pampito ako sa walo,
inyo na sigurong maiintindihan.)
Isang araw, pinagtangkaan kong
patayin ang pobreng bag.
Buong tiyagang hiniwa ang telang
malakatad ang dating sa mapurol
at nangangalawang na cutter.
Sa wakas, ibibili na ako ng
bagong bag!
May mga bagay na hindi namamatay—
nalaman ko ito nang makita
ang mga sulsi ng ina sa
pobreng bag.

Si Sharmina Bautista ay isinilang sa bayan ng Calumpit sa Bulacan. Natuto siyang magbasa sa mga kwento't nobelang nakalathala sa Liwayway. Accountancy ang kursong tinapos niya sa kolehiyo, pero paminsan-minsan ay nagsusulat ng mga tulang siya lang din ang makakabasa.

Read more >

Sanaysay sa Pagkahimpil, bilang Kalbaryo

Christian Jil Benitez

Nasa pagkahimpil ang kalbaryo. Sabihin, ang daigdig: waring hindi kumikilos at pawang umuugong sa sarili nito. Kung paano ito umiikot at hindi papabago. Kung paanong sa pinakabalat nito, may mga batong hindi nababaligtad sa kabila ng pangangatal ng kinatitirikan ng mga ito. Ang mga batong sinasakluban ng kaligawan ng mga damo. At mula sa kasukalang ito, sabihin, isang dahon, sabihin, ang kanipisan ng dahong ito, sabihin, amorseko’t mga mumunting buto nito. Ang gayong pagyuko ng mga lunting ito sa hindi nakikita’t matukoy-tukoy. Ang katotohanan ng pagkilos ng mga bagay na ito mula kung saan mahihinuha ang isang kung anong puwersang tumatanggi na hindi mabigyan ng pansin. Iginigiit nitong mapagnilayan ang kaniyang sarili, tumatawag para man lamang mapansin—tumatawag parati ang hangin para ito man lamang ay mapansin. Itong napakahinay, bagaman ang sabihing nasa ibabaw ito ng mga damong-ligaw ay hindi rin ganoong tamang pagpapalagay: higit na angkop marahil ang sabihing ang hangin ay nasaanman, liban na lamang kung saan naroroon ang bagay-bagay, kung saan ito ay wala. Sa gayon, ito ang matatagpuan sa mga sulok na pinakakamunti-muntian, kung saan halos sinasaling na ng bato ang lupa, kung saan humihiwalay ang upak mula sa buko tuwing ang isang amorseko ay mapipitas, sadya man o hindi, mula sa dawag. At sa gayong pakikipagdaop nitong hangin sa kadawagan, ang palaisipan: kumikilos ba ang dawag o sadyang pinakikilos lamang—o ang gayon ngang pagdududang marapat lamang mabigkas, sa malaon na ring pagbabatay ng kasaysayan sa mga sandali ng paggalaw upang masabing may nangyayari sa bagay-bagay. Sapagkat sa katotohanan, kung ihahambing ang mga damong-ligaw sa mga bato’t sa daigdig na kinatitirikan ng mga ito, alinsunod na rin sa kanilang magkakatulad na wari hindi pagkilos, masusukat na nagdurusa rin lamang ang dawag hindi kaiba ng daigdig, ng mga bato: magnasa mang kumilos, mananatili pa rin ang lahat ng ito sa pagkahimpil, na kung saan naroon ang kalbaryo. Subalit hindi ba matatayang gayon din ang hangin, sa gana ng palagiang pagkilos nito; na hindi rin ba sa huli, maging ang unos, kung palaging magpapakaunos, ay hindi na rin mapakahuhulugan pang unos? Tulad ng liwanag, kung paano ito laging pumupuno: kung paanong para dito, isang malinaw na landas parati ang mula sa hangin tungo sa dawag, tungo sa mga bato, tungo sa daigdig na kinatitirikan ng mga bagay na ito. Kung paanong ang lahat ng ito, kung tutuusin, ay pawang usapin ng kinalaunan, na sa gana na rin ng bilis ng parehong liwanag, nangangahulugan samakatwid na ngayon. Kung gayon, kung hindi masasabing gumagalaw ang bato sapagkat parating nakahimpil, hindi rin ba gayon ang liwanag sa palagiang pagkasaanpaman nito? Sapagkat ang wari kawalang-himpil, sa huli, ay parehong pagkahimpil. Kung gayon, ano ang liwanag kung hindi rin ang hangin, ang dawag, ang bato, ang daigdig: tumbasan ng mga bagay na pare-parehong pagkahimpil, walang alinmang nakahihigit. Samakatwid, ang kalbaryo: sa kahimpilan, ang kasakitan, na higit pang totoo sa mga nagpapawari kilos samantalang tiyak din sa huli ang kahihiligang pagkahimpil. Kung paanong habang ang daigdig ay pasilangan, ang hangin ay maaari lamang sumalungat o umayon sa pagbaling na ito—at kung gayon, sa katunayan, wala rin talagang mangyayari: hindi ba’t gagalaw at gagalaw rin naman ang hangin, makita man ito o hindi? Ang kalbaryo, samakatwid, ang kawalang-silid para sa pagtanggi. Isang batong inihagis, titigil sa itaas sa halos hindi malilirip na sansaglit, at bababang muli. Ang gayong pagiging hindi maiiwasan nito, magnasa mang lumipad pasaanpamang ibang dako. O para sa mga naliligaw na damo: ang pumirme; sa hangin: ang tumigil; liwanag: bumaling papalayo mula sa mga bagay na nakatirik sa bukana ng dilim, kung hindi man maging katulad na ng dilim. Ang ubod samakatwid ng palaisipan sa lahat ng palaisipan: paano makatatakas ang mga bagay mula kalbaryo ng sariling pagkiling? Bagaman sa pagiging hindi pa rin nasasagot nito, kinalaunang nagiging palaisipan din ito tungkol sa parehong sarili nito: paano maiaadya ang parehong tanong mula sa pagiging hindi na tanong, gayong hindi masagot-sagot, animo bumabaling sa katulad na paghimpil, kung saan naroroon ang kalbaryo? Isang retorikang naggugumiit, isang walang kaibhang tinig, pawang pag-ugong, mga katulad na pag-uulit, nasang maidiin ang sarili, at iba pang katulad na mga wari pangyayaring hindi naman talaga mga pangyayari. Ano, kung gayon, sa mga susunod na sandali: marahil may bubulabog din sa katahimikan sapagkat, sabihin, kinalaunan, kung saan, may isang paa lamang ang maiaangat mula sa balat ng lupa, kung para din lamang maitapak dito muli. Kaluskos sa mga damo, hangin sa pagitan ng mga daliri, sa liwanag pagbabanlawin: noon din samakatwid ang paninibago ng mundong kinatitirikan ng bagay-bagay—ang gayon ngang pangyayari sa wakas, bagaman bago ito dumating, ang lahat ng pagkukuro hinggil sa nasabing sandali, ang tulang ito, ang pinakatulang ito, ay mananatili munang isang pagkahimpil, na hindi rin ba ang parehong hangin, parehong damong lunti, mga bato, ang daigdig. Walang nakahihigit.

Si Christian Jil Benitez ay isang makata at iskolar. Nagtuturo sa Pamantasang Ateneo de Manila, kung saan siya nakapagtapos ng AB-MA sa panitikang Filipino, kasalukuyan siyang nag-aaral ng panitikang pahambing sa antas doktorado sa Chulalongkorn University. Ang kaniyang unang aklat, Isang Dalumat ng Panahon, ay inilathala ng ADMU Press noong 2022.

Read more >

Two Poems

Jona Branzuela Bering

Inheritance

 
His mom called, asking
about his endoscopy this morning. 
The doctors found some sort 
of fungus in his esophagus. 
No polyps in the large intestine, 
like two dozens of siamesed chorizos
in the photo. Nothing threatening,
he reported. She survived three, 
her innards getting shorter each time. 
She got it from her father, he from his, 
this unwelcome guest that consumes
everything if left undetected. He could 
tell she felt thankful and terrible 
about the news, of this inheritance 
she had no control over, of him
undergoing the procedure every
other year. I thought of my own 
mother who handed me something
as well. Invisible. Heavy. And sharp 
enough to cut us through apart.

 
 

Visa Interview

 
I would 
not 

reply 

the consulate’s question 
with a canned answer,
brined in my brown tongue 
for months, by Kalawisan,
in the confines of my tiny room.


I would 
not 

say 

I am pursuing my studies 
with a blocked account of 10000 euros, 
to cover all expenses in a year, 
an amount that could be stretched 
for years on this side of the world.

Yes,
I am 

coming back to my desolate country,
among saltwater and dead bodies, 
where I belong. 

I would
tell him
the summer air 
was thick with the rancid 
smell of rotten tilapia. 
I would tell him, 
I am going to his country 

To fuck and 
to be fucked.

Jona Branzuela Bering is the author of Alang sa Nasaag (For the Lost), a poetry collection of her earlier works. She is the recipient of a Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature for her Cebuano fiction.

Read more >

Three Poems

Mark Anthony Cayanan

Foundation Day

 
Our history pried open by men cassocked, white, sweaty
                        and our daughter, days-dead, returned to us
            as herself: as this story made us for them 
true, we lay it into cobblestone and mortar. 
                        When the quake spared only the belfry 
            we rebuilt in each other the story instead:
this town was founded on good. Told by the great story
                        to endure with no end goodness
            we wound around the streets the marble and gilt 
blessing of the child savior, we dressed 
                        the patron saint of disappointing progeny
            in a robe worth more than our bodies
our devotion made us name our streets after 
                        the story’s authors and favorite virtues. 
            Our days they say were slow and irreparable
a fact of the town never escaping its fate as town. 
                        When our pink-faced masters severed the heathen 
            hands of our rebel, who while uttering a war cry 
raised the bishop’s staff, the story appeased us 
                        into shame, our shame cracking into malice 
            mildewed church pews of too many storms, his screams
of agony giving us our wrath—our wrath a fact we own
                        a pact through which we could
            retrieve ourselves. Intimately we know who we are 
to our enemy, and so hide every truer version of us 
                        in us. Because our story is their dire parable
            our birth is a lesson we keep sinning into 
and out of. Because withheld from us is 
                        their salvation, to this day we’d people their church: 
            though we vowed, once, to repay them their share 
of our dead—sepulchral town, the light 
                        invading our windows is cobwebbed light
            the air is musty and gathers about our feet 
like dust—we will carry our history the way time wears out 
                        our grudges, time will have us 
            forget which hatreds to celebrate, whom 
outside ourselves to hate:
 
 

Dramaticule: The Townsfolk

 
THE OLD PROPHET, takes on the appearance of the first prophet of the dead century.
CHORUS, of varying ages, clothes suggesting an imperviousness to excess.
 

CURTAIN

 

CHORAGOS

Sometimes we take a tricycle around town just to be able to do something. From end to end, the town is twenty-seven minutes. We get to plots of land, emptied of crops in the summer, then we get to the sea. Within the borders of our safety the humid evening settles, punctual and laden with the same claims.

CHORUS

We believe we shall see the good things of the lord in the land of the living.

CHORAGOS

The birthplace of the dictator is farther north. This is no longer the port through which gold is trafficked. We grow our tobacco, so does every other town near us. A cinema right in the middle of town. When we lie we are optimistic. Rocking back and forth between one month and the next is a good movie in which things happen. In the movie, the faithful see an eclipse. This means everything. We’ve had our share of eclipses, two this decade. But that’s how far we can make our lives worth more than what they are. We don’t hate ourselves; those who don’t particularly think of us we envy.

CHORUS 1

We believe we shall see the good things of the lord in the land of the living.

CHORUS 2

We are bored but believe we shall see the good things of the lord in the land of the bored.

CHORAGOS

Meanwhile we’ve been clearing our throats, we cover our napes with towels, covet our neighbors’ spouses, at some point begin to overlook the sky turning orange and indigo at sunset, meddle in our children’s intramurals. Our children every night peep into the only house with a color television. Throughout the day we gnaw at random things about one another, among ourselves we talk. Though we say we forget—

CHORUS 1

We believe we shall see the good things of the lord in the land of the living.

CHORUS 2

We are bored but believe we shall see the good things of the lord in the land of the bored.

CHORAGOS

We remember, we tally sins against us. The problem is history, measured in grand events: the only other way we know time as, apart from the unendurable everyday. We look at one another and the stories we share are those we can’t transcend. Must our happiness depend on how keenly we imagine what isn’t made known to us? We don’t and can say we’ve been happy.

CHORUS 1

We believe we shall see the good things of the lord in the land of the living.

CHORUS 2

We are bored but believe we shall see the good things of the lord in the land of the bored.

CHORAGOS

We were teenagers who would stay at the plaza, risking curfew, devising schemes to overthrow the government. Because desires rarely define our choices, versions of us have gotten married, worked the land, raised teenagers who in secret thrived on disavowing us, what we stood for. The lucky ones work abroad and now have cement houses with a second floor.

CHORUS

We are bored but believe we shall bore the bored things of the lord in the boredom of the bored.

CHORAGOS

We want a future, we wish for tools to measure it better. We invent names for the various blights on tobacco leaves to pass the decades, according to degrees of brownness and horror. Mornings when we wash our faces free of our own skin, we’re still our skin.

CHORUS

We are bored but bored we shall bore the bored things of the bored lord in the boredom of the bored.

 

CURTAIN

 

STAGE
Tent lit with a fluorescent lamp. A casket in the middle, the foreign anthropologist as THE OLD PROPHET inside, white anthuriums donated by barangay officials. Or the old prophet can be THE OLD PROPHET. Or someone we’ve all heard of who deserves it.

CHORAGOS
Nondescript, gaze averted from the audience throughout the entire performance, given that it’s not their job just yet to perform for you, though you can tell who they are, those most attentive to the speeches of the dead.

CHORUS
Everyone in town except those to whom the statements of the CHORAGOS do not apply. Divides into two uneven groups at some point in the dramaticule. Once the CHORUS is reunited toward the end, they begin to talk over the CHORAGOS and repeat their line without interruption.

TOWN
Nearly resembling this town is a dramaticule town.

EVENING
You feel it deepening by the sound of crickets, motorcycles revving in the distance.

 
 

A Wall of Trees Conceals Our Town from Another

 
Despite night with its unsecret riots, any one of us opening a door 
means it’s the same morning. Calves already grazing on lots 
beside our unnumbered houses. Dirt roads away, waves 
not yet wild-hooved. All elements tug us down into place. 

Morning with its flat honesties. Methodical 
as someone whose life is beyond repair, morning bridles
evening’s dreams, tethers the obedient human, their trained canter. 

The world’s troubles at once unimaginable and irrevocably
here. Eldest daughter told not to sweep the floor
youngest siblings dunking funeral biscuits into coffee. 
We shuffle closer to the casket, and the face we see is

the face we wear every morning. Among ourselves we are 
not unknowable, not irreplaceable, our plot assailable
and weed-choked. Idle minutes while waiting for the priest
someone cracking a joke at the expense of our time left 

on earth. The insistent rhymes of our language, the stutter 
of a palsied mother. Though we’ve obeyed, we obey
and scheme, our schemes borrowed from news of cousins abroad

claims about our gods. Meanwhile: harvest, fish to dry, our teachers 
walking to school, mornings of Nutribun. Some months
fields pillaged by winds, our mammals sequestered by the sea. 
God taketh. We hunger and make do. God taketh. 

Spindly limbs of summer trees, nothing more erratic than clouds
nights with our rolled cigarettes. We power through tragedies 
through ballads, tragedies are our tells. We anticipate

the envy-haze static of television, the riskless terrors of AM radio. 
Thwacks of sex, blanket muting our torsos, sweat, beside us our children 
dormant, we’ve gentled other urges. We continue our lives as if

soles of our feet rot-cracked and thick as years, they’re the life
we should’ve lived, perfectly, our town’s made of how we give.
           
           
*
           
           
Author's Note

These poems belong to a sequence tethered to the alleged Marian apparitions which occurred in the town of Agoo, La Union in 1993, as witnessed by Judiel Angelle Nieva, a trans woman. The project is preoccupied with forming a simulacrum of the aggregated consciousness of the town: the poems, assuming various forms, display the evolution and diffusion of the plural first-person pronoun, morphing based on provisional instances of solidarity born of oppression and belief, class resentment, and a keen investment and sense of complicity in the entire devotional extravaganza. All three poems contain passages from Florent Joseph Sals’s The History of Agoo. Grateful acknowledgments too to the following authors, whose works I drew from: H. Otley Beyer; Emma Helen Blair and James Alexander Robertson; Edmond Jabès, translated by Rosmarie Waldrop; and Shaun Prescott.

Mark Anthony Cayanan obtained an MFA from the University of Wisconsin in Madison and a PhD from the University of Adelaide, where they received the 2021 Doctoral Research Medal. Their most recent poetry book is Unanimal, Counterfeit, Scurrilous (Giramondo Publishing, April 2021). Their recent work has appeared or is forthcoming in Australian Poetry Journal, Bennington Review, Indiana Review, and Kenyon Review. They teach literature and creative writing at the Ateneo de Manila University and are currently a postdoctoral fellow at the ICI Berlin Institute for Cultural Inquiry.

Read more >

Via Crucis: Two Sets of Studies

Justin Andrew Cruzana

after Jeremias Elizalde Navarro: pen and ink on paper: 1973: graphite and inkwash on illustration board: 1973

I.
The white arrives without warning
gripped between two closed fists.
The weight between your shoulders
is as heavy as a secret heard
by a torn ear in the garden.
Footmen follow you to town,
your spoor of fresh bread calls them
like lightning seducing men 
into mountains. Since you were taken,
cosmos closed, grass stayed still
like shut doors. Your quiet sends
in the people a shudder of blue.
The silence of the world ends
at the new true of you.
II.
An anticipation of dawn comes
and falls through the holes on your hands. 
At the parting of knees, light seeps through,
a feather of truth is swallowed
in a puddle of tongues.
By the countryside, wives 
play old chords, the no trace of you
sends a hurricane of girls to fill pails 
off lakes. In your coming,
sampaguitas bloom, boughs sway
like wide curtains. Your liveness stains
our cheeks with a streak of burgundy.
The chorus of salvation begins
with the falseness in me.

Justin lives in Pasay, Metro Manila. His work has appeared in Alien Magazine, Cordite Poetry Review, MudRoom Mag, and 聲韻詩刊 Voice & Verse Poetry Magazine. He is the recipient of a Literary Rector's Award from the University of Santo Tomas and was named the 37th Thomasian Poet and Essayist of the Year.

Read more >

Duha ka Balak

Ariel B. Logroño

Nangka

 
Inig ka hinog sa nangka
mokuyanap ang alimyon niini sa kabalayan
diin tilawan siya sa libak sa mga silingan
'Humotang hinog, uy!'
'Tam-isog baho, da!'
'Dagko tingali rog lusok!'
Way tibak nga mogitli sa bugkos nga sako.
Lunhaw ug way tatsa ang panit
nga maoy mopilit nga tagok sa utok.
Dunay wala nila masayri:
may awom nga gidak-on sa tibak
nga kon batakon
manggawas ang liboan ka mga
ulod sa nangka sa among kagawad nga silingan.
 
 

Parola

 
Matag adlaw kong
Maghuwat sa kahaponon
dinhi sa parola uban 
sa mga gilumotang lingkoranan

Maglantaw
sa mga nibiya
nga barko. Mamog-at
og samot ang lawas
sama sa mga lusayng

kapila na biya-i
sa kahunason
nga pabiling 
naggakos sa mga bato.

Galurat kanunay ang mata
Sa lumban sa mga tunob
nga nagkulit
Og lawom nga samad

sa hunasan
Samtang namati sa pagkanaas 
Sa mga balod nga kanunayng
ibanlas sa nagtukaw nga parola

Ariel B. Logroño is a fireman and a licensed teacher. His work has appeared in Bisaya Magazine, Pinanlinan: An Anthology of Selected Works from Tagik and Kinalitkalit Writing Competitions, Santelmo Magazine, and The Word, a publication of Holy Name University. He was a fellow of the Agi Creative Writing Workshop, Sunday Club National Writers' Workshop, and the Bathalad-Sugbo Creative Writing Workshop, where he received the Butch Bandillo Literary Award.

Read more >

Two Poems

Julienne Maui Castelo Mangawang

Subject A

 
There may be stories I can share
though I choose not to – oh no, I can’t tell you 
how I had life back and forth 
Philippines or America as if I had wings 
covering my children I made 
sure had degrees to get 
them through life – can’t
tell you how my emotions after my eldest 
moved out irritated at my
existence and chose marriage 
I was a lioness deserted
by her already grown young 
for another pack – can’t show
you how I carried a bag or suitcase
with their pictures so I can be
brave everyday – can’t
even narrate how me 
and my husband laughed
as our faces were captured 
with Disneyland being 
the backdrop of our snow-colored
hairs – can’t fathom how 
he smiled when our granddaughter
appeared in the webcam 
and said she wanted to see 
us in person – can’t tell her
that wasn’t possible for her 
own grandfather to make it back
without carrying his ashes in an urn 
as if it was just another balikbayan
box filled with spam and Libby’s we sent 
in the middle of summer – how heartbroken 
our grandchildren after he turned  
into ashes contained in an urn – in Taguig
I imagine the days I can’t say anything 
when they look for him – can’t form
any words on how complicated to see 
him go – need to accept this world
we travel all over - no, they’ll never know 
I struggle to fit and explain all of these 
details into one.
 
 

Remember

 
On an afternoon too hazy, my granddaughter brandished
a magnifying glass in search of gold, whereas my daughter 

wailed like an infant abandoned in the house. She stood
there, wide-eyed, sullen, and bewildered – how her own 

daughter dealt with each blow of her hand, slipper, buckle, 
and hanger. A distance so sudden emerged between them, 

she almost witnessed the splitting of the land into islands 
estranged, far flung, or unnavigated. When I reminded her 

to be strong after her love disappeared, I didn’t mean 
to take it through each slap, punch, or tight pull of her 

daughter’s arms and hair. Her tears seemed unending with
her body shivering with questions of redemption. How 

could I not absolve her again? Outside, my granddaughter 
looks happier I swear I saw the sun erase her bruises how 

God moved His hand to wake the earth right after wildfire. 

Julienne Maui Castelo Mangawang is currently pursuing an MA in Creative Writing at the University of the Philippines Diliman. Her work has appeared in Cordite Poetry Review, Novice Magazine, The Rumpus’ ENOUGH series, The Rising Phoenix Review, and 聲韻詩刊 Voice & Verse Poetry Magazine. You may find her improving the communication skills of professionals, connecting with plants, helping out at healing spaces, and raising the planet’s collective vibration.

Read more >

Sapagkat hindi nga sine ang buhay

Carmie Ortego

Wala namang papalakpak
kung sabihin mong natapos mo nang tupiin
sa wakas ang mga nilabhang ilang araw nang tuyo
sa sampayan. Wala ring huni ang pagtutupi:
ang marahang paglapag ng bawat suot
sa ibabaw ng isa pa'y isang tahimik 
na pagtatagpi. Ang bawat retaso, 
bawat yugto nitong nag-iisang buhay mo,
halos napakadaling isuko sa kawalang-
kibo. Ngunit, sapagkat hindi nga sine ang buhay,
at sa labas marahil ay tumatarak ang punyal
sa balat, pumupunit sa ugat, 
kaya mas kailangang patugtugin
ang dramatikong soundtrack kahit na
ang gagawin mo lang naman ay kumagat
sa isa pang piraso ng tsokolate. Sa ngayon, 
hinahayaan mong magtagumpay
ang buhay. Isa rin itong uri
ng pagwawagi.

Carmie Ortego is the HUMSS Coordinator at National University – MOA Senior High School in Pasay City. Her poems and essays have been published in national and international publications and in Creative Nonfiction: Crafting a Knowledge of Self, Others, and the World (Anvil Publishing, 2019). She was part of the Philippine delegation for Bersong EuroPinoy 2021, a program of the European Union delegation in the Philippines.

Read more >

Timmie (o, Respawn)

Nikki Mae Recto

Nagiging karaniwan kahit ang pinakakarumaldumal na pangyayari kung nasasaksihan mo ito araw-araw. Halimbawa: Ang ritwal ng Manlalakbay. Huhugutin niya ang espada habang umiikli ang aming distansiya, at pagtungtong niya sa tulay, tititigan niya lang ako nang isang beses bago iwasiwas ang sandata sa mga kalapati sa aking paanan. Walang-kurap kong tinatanggap ang biyak nilang dibdib, ang laslas na mga leeg, ang mga balahibong tigmak sa dugo, na (sa bilis ng pagkakasilid sa kung saang minahikang supot o bayong, ay) hindi na dadanak sa lupa. Sige, sabihin nating sa unang sampung beses ay biningi ko ang sarili sa pagtaghoy sa ginagawa niya, ngunit mukha bang gagawin ko iyon habang buhay? Hindi. Dahil una, napapalitan din araw-araw ang mga alaga kong kalapati, at singwangis din ng lahat ng kinatay Niya. Pangalawa, sabi ng ina-inahan ko, basta tratuhin ko sila nang mabuti, kahit anong anyo pa sila bumalik sa mundo ay makikilala ako ng mga kaluluwa nila. At pangatlo, hindi na ako batang pag-iyak lang lagi ang nakikitang solusyon sa lahat.

Kaya sino sila para itakda ang dapat at di ko dapat malaman? Halimbawa: Ang ama kong matagal nang patay. Aanhin ko ang salitang aksidente bilang paliwanag? Wala bang magsasabi kung saang parte ng katawan siya nabiyak at dumugo, kung tinatawag niya ba ako habang nalalaslasan siya ng hininga? Hindi ako pinatutulog ng napakaraming posibilidad. Sa katirikan ng araw-araw, pagkatapos kong tumango sa Manlalakbay, iniisa-isa ko ang pagpanaw ng kislap sa mata ng bawat kalapating ginigilitan ang leeg, at ikinatatakot ang hindi na nila pagbalik kinabukasan.

Si Nikki Mae Recto ay isang internal auditor na nakatira sa Valenzuela City. Naging fellow siya ng tula sa UST National Writers’ Workshop noong 2022 at sa Valenzuela Writers’ Workshop noong 2019. Isa siyang ganap na kasapi ng Valenzuela Arts and Literary Society (VALS) at Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA). Hilig niyang magbasa ng libro, maglakad-lakad, mag-tarot, mag-online games, at kulitin ang kanyang mga pusa.

Read more >