Pagsulat ng Tula sa Panahon ng Brownout
Tayong mga aninong nabibigatan sa paghukay ng ginto sa takipsilim. Ako sa pagsulat ng tula at ikaw sa paghahanap ng mga kasagutan sa maraming katanungan. Nagkataon lang na magkatugma ang sinasabi mo at isinusulat ko sa pahinang nagkukulay panaginip na sa naghihingalong solar light. Tinatanong mo kung natutuwa ako dahil may honor ka sa eskwelahan na hindi ko nasagot kaagad nang maayos dahil hindi pa natatapos ang pangungusap na naisulat ko na, hinahabol ang linya na sana’y huwag maudlot dahil kung nagkataon, aagawin ito ng dilim at hindi na naman ako dadalawin ng antok sa kakaisip sa mga huling letrang pinakawalan ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ka na pala sa kahihintay sa aking kasagutan Pero nang pumasok ako iyong panaginip nasagot ko ang mga tanong mo. Doon, naging magaling akong lola, binabasahan kita ng kwento ng prinsesa, nagdodrowing ng mama at daddy mo at ikaw sa gitna, nagkukulay tayo ng mga ibon at mga bahay pero nakatingin ka lang sa akin. Nakalimutan ko nga pala. Nasa elementarya ka na at mas type mo na si Moana
Babu At the House
It’s the colors first Purple warp snatching the ivory of the weft all throughout the queen-sized buri mat she laid smack on our terrace along with soft brooms, pandan fans and salakot grown on her head and arms We haggled, our best for the mat “Very pretty,” she beamed, the only one left. Kalatagan is far, five kids in elementary And their father? I dared There are four of us wives, Ma’am Each to her own It wasn’t the wares but the stories shared I exchanged for creased bills salakot for their food buri mat for kids’ school the fan for papers and pens broom for the fare home Her head and arms again bloomed anew much lighter now as she walked down the street in the midday heat