ala-ala sa nasulat
Pabating namaalam ang gabi, sumisilip sa dahan-dahang pagpapaliwanag ng langit. May pagka- daldal ang katahimikan na himong, Ping! handang magpahiwatig ang talulot ng damdamin. Kinamusta. Ting. May smiley-heart-hug. Ting! Tanong? Ting! Tanong? Ting! Tanong? Ting! Ting! TIIIII- NG! Bago pa Ring! bumango- Ring! Ring! Ring! -n. Lila nang lila sa nagniningning na screen. RING! Labis man, Ding!, lanta- Ding! -d. … Ding! Nabasa na ang mga akda sa dingding. Sa dami ng pinamulaklak, na-mani pa. Ding. Nakalimutan kong pumapagitan ang dingding. Nawala na ang mga nagsusulputang lila nayaring niyari rin ang sandali na isang sandaling lumipat na sintagal lang ng wala. Pang-ilang pagliwanag pa ba? Imik! Mag-lo-low bat na, may uusbong pa ba? Klik. Litrato lang. ‘la.