Issue No. 7

Suno/Sumala

M.J. Cagumbay Tumamac

Iloy, sa imo ulihi nga adlaw, gintilawan mo nga sunugon ang tanan

 
nga ginpanipon nga dahon, bulak, kag sanga sa aton pamulakan. Ikaw: mayad 
magsilhig kon nagatunod na ang adlaw kag wala sing katupong ang kainit 

sa Dadiangas ayhan dasig mauga ang tanan. Ang tanan sa Dadiangas. Ay, indi bala hapos 
sunugon ang mga tam-an ka uga? Kaina, ang imo mga lapak ginapanas ang mga nabilin

nga mga badlit sang pagsilhig sa duta. Sa tuman ka yab-ok nga duta. Ikaw: indi manami 
kon bag-o ang silhig bangud huyang pa. Ayhan, Iloy, sa imo ulihi nga adlaw,

gin-utdan mo dayon ang bag-o. Ikaw: wala na sing panahon agud maghulat
nga amat-amat magkarabali ang mga punta sa matag-adlaw nga pagpanilhig

sang mga dahon, bulak, kag sanga nga adlaw-adlaw nagakarahulog. Isa ka kamatuoran,
suno sa imo iloy: nagakaralaya ang mga tanom agud may ara kita silhigon kag sunugon

sa aton ulihi nga mga adlaw. Apang, Iloy, indi bala indi magkatulad ang duta
sa Iloilo sang imo iloy kag diri sa Dadiangas? Indi mahibaluan. Ang matuod lang:

Iloy, sa imo ulihi nga adlaw, gintilawan mo nga sunugon ang tanan 
bisan kinahanglan nga may mabilin agud may dulaon ang hangin sa kagab-ihon.
 
 

Wara nagainusara ang uran

 
maski usahay
hinay-hinay, paisa-isa magnaog,
o dili lang makit-an sa mga matang
pikot. Natabunan
sa kagal-uman isa ka hapon
ang bangka sa kabakhawan, ikog
ang bagrut nga sa sugod mas kusog
hasta nagbunok.
Sadto ko lang napamatian nga lain
ang kabug-at sa tagak
sa toldang atop sa tubig sa dagat
o sa mga tiil
nga daw damang sa pundok sa kadahunan.
Akon gintilawan nga ilubad
ang nabatyagan apan nalubag
ang dila. Kamatuorang dili mahangop 
ang tanan ug taod-taod magsugod mangitag
mga sisi ang mga inahan ug ilang bata
aron may matilawan ang dila
sa matag panyapon.
 
 

Ang ulahing saysay sa pagkawala

ni Lo Tasyo, gipugos niya ang mga anak ug apo nga mobalik og bukid. Siya, iniglugsong sa lungsod, ang bukid gihapon ang anaa sa hunahuna. Sumala sa mga kakita, kadlawon siya nihawa, dala ang binangon ug kalo, nisaka. Duha ka semana ayha nakabalik. Nibalik. Dili sama sa asawa nga gilabyog ang baroto gikan Iloilo padulong Cotabato. Si Lo Tasyo, tingali, usahay usa ka tiki sa lungsod, tabili sa bukid. Ako, sa usa ka higayong giila ang lasang, namalandong inigbundak sa ulan. Duha ka semana nga nipiyong. Inigmata, anaa na sa lungsod, gapamati sa mga ulahing saysay sa pagkawala.

M.J. Cagumbay Tumamac is a writer and reading advocate from southern Mindanao.

Read more >

Ket Sabalin

Benj Gabun Sumabat

Iti innak panagawid ket sinarabodak dagiti rupa 
ken lugar a nakairuaman—da nanang, 
tatang, lelang, lelong, gagayyem, ken kakabsat.

Ngem apay a sabalin? Saanen a kasla idi. 
Nagbaliw dagitay dalan, napukan dagidi kaykayo, 
baro ken balasangen dagiti ubbing.

Nagbaliwen ti rupa ni nanang, saanen a makakita 
a nasayaat da lelong ken lelang, manmanon 
ti gagayyem, ken dakkelen ni ading.

Sabalin—nagbaliwen.

Impagarupko nga iti panagsublik 
ket kasla latta idi—nga isu latta ti marikna ken makitak.
Dagiti nabatbati

A laglagip ket in-inutko nga inyukrad 
sak’ inwagsit. Ngem tapok ti rimmuar 
ken babassit a kuton ti nagkarkarayam.

Kunak no daydi innak panangidulin 
kadagitoy a laglagip ti mangiturong 
kaniak iti dalan a panagsubli.

Ngem daytoy ngata ti pamuspusan ti biag. 
Nga amin ket mabalin nga agbaliw, 
mapukaw, pumanaw, ken agsubli.

Ket uray no kasta, nagasatak unay iti amin 
a banag. Ket kamangko latta 
daytoy a lugar.

Taginayunek nga ingungoten dagitoy—
lagip, panagpanaw, panagbaliw, ken panagsubli.
 
 

At Iba Na

Isinalin ni JL Lazaga
Sa aking pag-uwi ay sinalubong ako ng mga mukha
at lugar na nakasanayan—sina nanay,
tatay, lola, lolo, mga kaibigan, at mga kapatid.

Ngunit bakit iba na? Hindi na gaya noon.
Nagbago ang mga daan, naputol na ang mga punongkahoy,
binata at dalaga na ang mga bata.

Nagbago na ang mukha ni nanay, hindi na nakakakita
nang mabuti sina lolo at lola, iilan na 
ang mga kaibigan, at malaki na si bunso. 

Iba na—nagbago na. 

Inakala kong sa aking pagbabalik 
ay gaya rin noon—na ganoon pa rin ang aking mararamdaman at makikita.
Ang naiwan

Na mga alaala ay unti-unti kong binuklat
saka ko iwinagwag. Ngunit alikabok ang lumabas
at maliliit na langgam ang kumaripas. 

Akala kong ang aking pagtatago 
sa mga alaalang ito ang magtuturo 
sa akin sa daan ng pagbabalik. 

Ngunit marahil ganito talaga ang buhay. 
Na lahat ay puwedeng magbago,
mawala, umalis, at bumalik. 

At magkaganoon man, napakapalad ko sa lahat
ng bagay. At kanlungan ko pa rin 
ang pook na ito. 

Pananatilihin kong pakamamahalin lahat ng ito—
alaala, pag-alis, pagbabago, at pagbabalik.

Benj Gabun Sumabat is a student–writer studying Bachelor of Arts in Creative Writing at the University of the Philippines–Diliman. He is a poet in three languages, an activist, and an advocate for mental health awareness. His first book, Confessions: A journey through abysmal depths was published last November 2022 under Ukiyoto Publishing. He is currently exploring the craft of writing Daniw (Ilokano poetry) and Ilokano literature.

Read more >

Kung Paano Mangumpisal

A.L. Sarino

Patawarin ang albularyo,
            sabihin na baka ang
kanyang danas ay
            sapat na rason.

Patawarin ang anito,
            masdan ang kanyang
kayumangging balat
            na kawangis ng iyo.

Tignan ang kanyang
            pag-upo at tanungin
ang sarili kung
            nararapat siyang
            sambahin.

Patawarin ang dugo ng
            isang tupa, na natuyo
sa isang puting trapal.

Pagbigyan ang mga
            ngiping nangitim.
Pagbigyan ang
            mga kamay na
hindi makayakap.

Pagbigyan ang mga
            sundalong itinaas ang
kanilang mga baril
            tungo sa kulay-abong
            langit.

Pasensyahan ang mga taong
            tumingin pataas ng isang
beses at hindi na muli.

Pasensyahan ang tila
            pa-irap na paglaho ng
araw. Pasensyahan ang
            mga mata na anino lang
ang nakikita. Ang mga
            lalaking pinalilibutan ang
mga babae ng kanilang
            silweta.

Ipawalang-sala ang mga
            paang hindi nahugasan.
Ika nga nila na ang dumi ang
            nagsasabing nararapat
silang maging itim.

Ipawalang-sala ang mga
            katawang tinakpan.
Sabihin na ang hugis
            ng tela’y nilalantad
ang kamangmangan ng
            tauhan.

Ipawalang-sala ang
            mga birheng hindi
dumugo sa kanilang
            unang gabi.

Patawarin ang sarili; ang mga butas
            sa iyong mga palad. Ang mga
pagkakataong sinisilipan mo ito,
            para lang makita ang puting
mga mata ng isang bulag na
                                              ―bata.

Si A. L. Sarino ay isang estudyante mula sa Mataas na Paaralan ng Pilipinas para sa Sining. Malikhaing Pagsulat ang kanyang piniling larangan ng sining na pagdalubahasaan. Nagsisilbi rin siyang general editor sa The Trailblazer Literary Magazine at kasapi ng in-house team ng Erato Magazine.

Read more >

Waray World: Kun Kikitaon Dinhi Hini nga Dapit

Voltaire Q. Oyzon

adlaw 
tuna 
tawo 
lalaki 
babayi 
tatay 
nanay 
anak 
balay 
kinabuhi

karuyag. 
pag-istorya.
           
           
*
           
           
N.B. These are the first 10 commonly used nouns in the Waray language corpus http://corporaproject.org/. And "karuyag" (desire; want) has the highest frequency in the database among the verbs, followed by "pag-istorya" which means, "say something", or "tell (a story)."
 
 

Waray World: Viewed from This Site

Translation of "Waray World: Kun Kikitaon Dinhi Hini nga Dapit"
sun 
earth 
human 
male 
female 
father 
mother 
children
home 
life

desire. 
tell me a story.

Voltaire Q. Oyzon teaches Waray language, literature, and social science courses at Leyte Normal University. His first poetry collection, An Maupay ha mga Waray, was published in 2008 by the Philippines National Commission for Culture and the Arts.

Read more >

Two Poems

Jeric Olay

The Old Man’s Tale

 
At night, when almost everyone's asleep, the old 
man starts recounting his war tales.

His stories are nothing but a litany.
Long. Monotonous. Dull.                                                       
Everything that transpired more than half a century ago 
is still vivid in his mind, 
                        as vivid as the coruscating stars in the skies. 

According to him:

during the Japanese occupation he and other people 
from the Poblacion fled to seek refuge from expected atrocities. 
They found themselves building huts in upland areas, and 
they started raising goats and heirloom crops.

Kinakaw, katisa, katoka, et cetera.

A cataract has blurred his vision, but his memory is unclouded and 
                        faultless and faithful.

His stories are nothing but a litany.
Long. Monotonous. Dull.

But the old man shares his tales without a
trace of agony. He narrates his tales with a tinge of 
homesickness, for the old man’s wish in his 
youth was simple: 
                        that his yam may yield plump and dark
                       purple tubers.
 
 

Prayer

 
Last night, she mumbled a brief prayer.
Brief because her God hates verbose 
prayer. She prayed for abundance.
This morning, she woke up
to the early gossip of sparrows
perching on the neighbor's clothesline.
Outside, the coral vines are pregnant 
with umbels and umbels of salmon-pink 
flowers. The tambis fruits now wear bright 
red regalia. When night comes, she
is certain the bats will have their fill.
And the jackfruit, because it's overripe, 
bursts open on one side and gives 
birth to fleshy and juicy pulps. 
The sharp aroma of hierba buena
has found its way through the
wooden jalousies, marrying the burnt 
smell of sautéed garlic from the kitchen.
These are the initial answers to
her prayer.

Jeric Olay hails from Macrohon, a 4th-class municipality in the province of Southern Leyte. He is a public school teacher and contributor for Southern Leyte Times.

Read more >

There are no Filipinos in Mississippi

Noreen Ocampo

There are no Filipinos in Mississippi

JACKSON AVENUE WEST
but when there are, we’re crowding
the sidewalk at the impossible intersection,
all six of us— well, the five of them

and the one of me, watching
from a hazy window of the Blue West
screeching to a stop. I know the cars here

are relentless and unyielding. The guts
of the pedestrian button spill out
from the pole. The five Filipinos

glance at each other, their faces
like my face searching, weeks before,
for a kind pair of eyes in the cold.

Their hands know there’s one way
to cross. They reach for each other’s
fingers, their wrists and sleeves,

readying to move as one. I watch them
flood the crosswalk, this impenetrable
body cresting to full speed.
 
 

There are no Filipinos in Mississippi

ASIAN FOODS MARKET & RESTAURANT, TUPELO
no one to buy the mango Magnolia ice cream for $14.99

no one to pause and complain, What? Isn’t this the Magnolia State?

no one to provide a price comparison to Seafood City or Manila Mart

no one to brainstorm what exactly the gold label claims to mean

no one to prop open the glass door and shiver beneath the weight

no one to contemplate the severity of third-degree freezer burn

no one to hover fingertips over the crystalized ice and press deep

no one who knows how the mangoes survive this lonely cold
 
 

There are no Filipinos in Mississippi

PRICE STREET & after Jericho Brown
so the man on the bus asks, Why’re you here?

            On the bus, with the man, I’m here,
            but my body lurches into the window.

A heavy boot hits the gas. The hard window
cradles my head. Outside, the branches tremble.

            The man cocks his head. My hands tremble.
            In the South, winter comes out of nowhere.

I know the South. The man comes out of nowhere,
salivating for the islands: Where were you born?

            Salivating for the islands, I wasn’t born
            anywhere too far from the magnolias.

All too far from the magnolias,
there are no Filipinos in Mississippi.

Noreen Ocampo is a Filipino American writer and poet from metro Atlanta. Her collection Not Flowers won the 2021 Variant Lit Microchap Contest, and her work also appears in Palette Poetry, Salt Hill Journal, and Sundog Lit, among others. She holds a BA in English from Emory University and currently studies poetry in the MFA program at The University of Mississippi, where she is working to document and elevate stories of Filipino Americans in the Deep South.

Read more >

Pananalig

Elaine L. Monasterial

Nasisilayan kita sa lansangan 
malapit sa simbahan.
Isa kang mapangahas na kaluluwa, 
at sa pighati ay batikan.
Apat na dayukdok na mga anak 
sa iyong mga balikat nakabitin
habang paduhong-duhong ka sa daan 
naghahanap ng tinapay at tubig.

Minsan, ang mga Maya sa puno ay
narinig ang kalam ng inyong sikmura.
Lumipad sa iyong bumbunan at sabay tapon
ng balat ng prutas, nektar ng bulaklak 
o tangkay ng dahon o patay na insekto.
Abang na abang naman ang iyong bibig 
sa grasyang animo galing sa langit at 
pinaiigting ang iyong pananalig.

Sa nakakapasong hapon, ang iyong mga anak 
ay walang tigil ang hikbi dahil sa gutom.
Inilatag mo ang kinakalawang na lata na 
laman ang iyong puso, bato, dugo, at puri.
Ang ale na galing sa simbahan ay muntik na 
matalisod sa iyong mga binebenta.
Umiiling-iling at tahimik na naglimos 
ng bente pesos sa iyong lata.

Ngunit sa kalooban nya, nilapastangan ka 
ng mga mura at diring-diri sa iyong pagdarahop.
Ang hadas ng kanyang puso
hindi man naisalin sa kanyang dila ay 
nagsindi pa din ng apoy sa mga papel sa basurahan.
Nagliyab ang buong kalye pati ang katabing liwasan.
Papunta sana ako sa simbahan
ngunit sa nakikita ko ay mala-impyerno ang daan.

Elaine L. Monasterial is an entrepreneur and electrical engineer. She is the author of the debut collection Love Grasses Don’t Just Die & Other Poems. Her work has appeared in the Las Positas College Journal of Arts and Literature and in Shakespeare of Today by Wingless Dreamer.

Read more >

Field Notes Mula Sa Lupain ng Gatas at Pulot at Dugo at Apoy

Michael Raqim Mira

1. Sa Tagalog, buto ang salita para sa seed at bone. Sa huli, pareho silang nakabaon sa lupa, ngunit isa lang sa kanila ang tumutubo.

2. Ang kaluluwa ng mga tuyong bangkay ay nagsabi sa akin na ang mga pampulitikang pagpatay ay hindi lang nangyayari sa isang panahon. Pagkatapos sila ay sumingaw.

3. Sa bawat checkpoint na nadaanan ko, sinasabi ng mga opisyal ay wala daw digmaan at ang amoy ng pulbura sa hangin ay galing sa mga paputok para sa bagong taon.

4. "Wala akong alam dyan," ang sabi ng Heneral na nag-utos ng masaker sa dalawang dosenang lalaki, babae, at bata.

5. Sinabi ko sa kanya na ang dugo ng isang magsasaka ay natuyo sa ibabaw ng mga tuyong dahon. Natural na namamatay ang mga pananim sa panahong ito. Sinabi ko sa kanya na magdasal na sana ay dumating ang ulan.

6. Sa mga palayan, walang sapat na tubig, ngunit ang mga ahas ay hindi nagrereklamo.

7. May adik dati sa barangay ko na nagsasabing kaya niyang baguhin ang panahon sa pamamagitan ng pag-awit sa langit. Walang naniwala sa kanya noon. Matapos siyang barilin ng mga pulis, nakaranas ng tagtuyot ang probinsya namin sa buong taon.

8. Kapag may nangyaring trahedya sa pamilya, lumipad ako sa isang airport na ipinangalan kay Ninoy Aquino mula sa isang airport sa Houston na ipinangalan kay George H.W. Bush na humanga kay Marcos sa kanyang "pagsunod sa mga demokratikong prinsipyo at sa demokratikong proseso."

9. Pagkatapos kong mailibing at magbigay galang sa aking kamag-anak, pumunta ako sa ibang sementeryo.

10. Sinabi ko sa mga bagong hari at reyna at diyos ng bansa na makipagkita sa akin sa kamposanto, para masabi ko sa kanila, “Narito ang bagong lupain ng iyong kaharian. Itanim nyo ang mga buto. Magdasal kayo na dumating ang ulan."

Si Michael Raqim Mira ay isang manunulat at biswal artist mula sa Lalawigan ng Quezon at teritoryo ng tribong Karankawa sa Estados Unidos. Mahahanap siya sa www.michaelrmira.com.

Read more >

Bangungot

Jaku Mata

Palagi akong namamatay nang maaga
sa mga dati kong buhay. Mula sa digmaang
walang katapusan—na ako’y muling sinisingil.
Kinukwenta ang mga kilometrong nilakad
bilang binatang manlalakbay sa anino ng Arayat.
Sinusukat ang mga minutong nanatiling tahimik,
bitbit ang umiiyak na sanggol na nakakabit pa
sa aking pusod, sa gitna ng pamomomba sa isang
bayan sa Panay. Tinitiis ang mga pasa’t pasong balat
na dumidikit sa sahig ng malamig na warehouse para
lamang makita muli ang aking nag-aalalang inay. Dinukot,
nahuli, nawawala ng 50 taon. Mula sa ama, sa anak,
at sa hindi nagpapalit na mukha ng diktadurya.
Palaging hindi nakapagpaalam nang maayos kahit kanino—
lalo na sa’yo. Pero sa kinaumagahan nitong aking bago
at murang buhay, sa kalagitnaan ng rally sa Mendiola,
sa init na nanatili sa aking katawan, kasama ang mga
manggagawa’t magsasaka, ako’y muling gigising—
pigtang-pigta sa pawis mula sa mga bangungot ng nakaraan.
Mula rito, malutong na liliyab ang aking takot at kaba sa oras
na ipakain ko ito sa apoy mula sa kanayunan. Aaralin ko muli
ang lipunan sa aking mga bagong mata at pupukawin
ang umiidlip na isipan. Tuntunin ang pugad natin
sa gubat—ang ating pagkikilos. Hahalikan
ang pinakabunganga ng batis. Titikman ang matamis
na lasa ng mga maliliit na tagumpay. Malinaw rito,
sa likod ng kasukalan, ang mga yapak ng aking
nakaraang diwa—ang pagkadalubhasa sa agos ng panahon
at buhay. Lalakbay ako na armado lamang ng mga titik
at salita hanggang ang mga mabubuo nitong kahulugan
ay magiging sa iyo.

Si Jaku Mata ay isang organisador at manggagawang pangkultura. Maaari siyang sundan sa Twitter (@maymatasijaku).

Read more >

Three Poems

Pauline Lacanilao

 

-ation

 

-egory and then that fails too

-et resistance

-t action to reinstate themselves

-nerbell of the populace

-th

-rant disregard of one another

-er at their guardians

-sickness

-y

-ifiably mute

-le for the smokeshow

-nt hatemongers

-ipulation

-le with greed

-ization to turn a profit

-ological avoidance of truth

-ion

-hless optimism

-k impunity

-itarian

-heaval

-ance hostage

-hdrawal from truth

-enograft of anger on love

-terday is dead

-ith

revel

 
 
an individual fails and the system becomes all

gone are those who beg

the ousted take cover

silence falls on the din

a sweet voice says give me your ear

or let’s display with pride this flag

look how even the children glow

feels like home

this kingdom wrought from iron

citizens devoted to becoming just

willing to be kind

opening the gates for the late

forgiveness a triumph of man

at last all have what all need

just enough blood for each organ

pursuing for oneself a path

from the individual’s unending quest

about who pushed the revolution into its rut

while those in power continue to see

with attentiveness so total

the only trajectory of society is up

the crowd holds vigil

the law flaunts its wit

the individual wears a prominent x

and finally says to stasis yes

the crisis reaching its zen
 
 

A Filipino in a Storm Surge

Palo, Leyte 2013
- zombied by an unmuzzled zephyr

- yanked and sank

- xanthic, asphyxiated

- Waray ako makabaro

- ventriloquizing valor

- Upstairs, now!

- the television, the dinner table, the toddler, taken

- salt in the sideways rain

- rhythmic wreckage

- quaking in black water

- praying a grip holds

- ontology obsolete

- Never before in history...

- the map remade in minutes

- loss

- kindness in chaos against kindness claimed by it

- Jesus Christ, it won’t end

- if indigenous, invisible

- helicopters having enough room for only foreigners

- gagging on glacier melt

- floodwater through the front door, dog frightened

- effluvium, expansive, inescapable

- dreaming of dryness for days to come

- the connotation of chiaroscuro in the clouds

- body as ballast on a floating bed

- another and another and another, in agony, alive
 
 

MacArthur Park, Palo, Leyte

Morning light breaks onto shore, onto monument.

Made of bronze, ten feet tall.

Might must mesmerize.

Memorial for a man my brother once named a shit of mine after: You flushed but it came back.

Maybe I’d flee too if I could. Show up in two years, stage a photoshoot, fabricate bravery.

Manufacture, by rewriting history, a new status quo.

Metonymy:

Murdered our colonizers in 1521; by 1977, built them a shrine.

Marcos, dedicated dictator, understood optics, polished up the park, renamed it after his wife.

Monstrous or motivating?

Mayor of the neighboring city, the dictator’s nephew, took me in after the storm. Hot showers, electricity, a strawberry shake. Outside, others gathered their dead.

More and more I fear my own silence. How much I enjoy it.

Made love to a fellow relief worker in a crowded evacuation center without making a sound.

Months later, hosted donors. Took their picture by the statues. Heroes, someone said.

Must I minimize an empire’s violence to ensure their dollars keep pouring in?

Misjudged my position as diplomat and discovered I was tour guide all along.

Muscle memory takes years to unlearn.

Mornings I’d look at the sea MacArthur emerged from and wonder if I could turn this failure at freedom into one more bloated corpse.

Marched right into the water fully dressed once. Measured its depth with my waist, neck, nose.

Masters disguised as saviors return over and over, like waves.

Move with their tide or swim for the shore.

Pauline Lacanilao's poems have appeared in Alchemy: A Journal of Translation, The Journal of English Studies and Comparative Literature, and Kritika Kultura. She is an Assistant Professor of writing and literature at the University of the Philippines.

Read more >

Two Poems

Luisa A. Igloria

Dear Exile,

 
I love the first
cold slap of water coming through
the pipes in winter, the cornhusk
smell of heat pressing down
on eyelids in summer; 

                     how windowless nights
speckle fields with faint 
yet persistent 
light—

If I gave up, 
if I stopped desiring
the ordinary things, ordinary 
rituals we hardly think about 
                      even as we do them—

Could I forget, completely?

		        Moths tuck themselves 
into drawers, where they 
work out their hidden
citzenships in scripts
of perforated silver.

Taut 
hammock threads 
loosen; day gives in to night,
		        and night again to day, 
 
Who was I before the earth
shook my world to pieces, before parts 
of barely formed history were buried 
along with beams of a house that no longer exists?

At the Chinese restaurant 
they served coffee or service tea 
		      in thick white cups, 
and old men in frayed sweaters 
hunched eternally over chessboards.

Roads wound through 
mountains but at a certain juncture, 
            one could glimpse the sea.

            Perhaps I am that house 
to which I can no longer return. Even now, 
more than just the stones are forgetting me.
 
 

Phenomenology of Return

 
Don’t we all wish to return,
to discover how infinity

reaches across the world in a shimmer
of overlapping circles, unfazed by obstacle?

It simply goes around each tree in the wood,
spreads a filmy veil over every house, falling-

down shed, office building, and church; the sign
above the 24-hour drugstore and pool hall; 

the alley where stray cats congregate,
giving rise to rumors about the most delicious 

steamed meat buns in the noodle shop next door.
In the story about a fish that grants a boon, 

the fisherman’s wife knows that the sweetest
meanings are always closest to the bone. 

She tells him to go back and ask a deeper
question, which sadly he interprets as merely 

a demand for more. Here she is, setting out to do
the hard work herself then— peeling back the body’s 

outer cover, waterproofing the heart, re-rigging
the wings. So much ceremony, in order to arrive 

at the spot where the water gushes without
measure, gives before one even thinks to ask.

Luisa A. Igloria is the author of numerous poetry collections and chapbooks, including Maps for Migrants and Ghosts (SIU Press, 2020), a co-winner of the 2019 Crab Orchard Open Poetry Prize and The Buddha Wonders if She is Having a Mid-Life Crisis (Phoenicia Publishing, 2018). Originally from Baguio City, she makes her home in Norfolk, VA, where she teaches at Old Dominion University’s MFA Creative Writing Program and at The Muse Writers Center. She served as Poet Laureate of the Commonwealth of Virginia from 2020 to 2022. The Academy of American Poets awarded her a 2021 Poet Laureate Fellowship in April 2021. (Author photo by Gabriela Igloria)

Read more >

Dalawang Tula

Harold John L. Fiesta

Kasuy

           
Nag-aanlaw na kami. Nasa kalagitnaan ako ng istorya 
kung paano tinakot ang lalaking nagsamulto nang lumabas 
ka sa sugalan, sinabon ako dahil sabi mo’y nawalan 
ng pampaswerte at naisanla pati motor. Kapalarang simpakla 
ng kasuy. Binalasa ko ang langit kakahanap ng pingas, 
nakatuping pahina o ano mang palatandaan kung handa uling 
isugal ang puso pero wala. Patay ang mga tala. Ano ang aasahan 
ko sa iyo lalaking iniwan ng asawa dahil sugarol? Umupo ka 
sa tabi ko. Ipagpapatuloy sana ang naudlot na kuwento 
nang lumitaw ang mala-kasuy mong biloy na sa hinala ko’y 
nagpapakita lang kapag ako ang nasa iyong paligid. Gaya dati, 
naglakad tayo sa madilim na kalsadang niyuyupyupan ng kawayan. 
Wala ni singkong duling sa bulsa pero may nakabukol na kasuy 
sa harap. Para akong magkakabiloy sa isiping ako ang prinsesang 
walang mani pero patuloy mong pinapaupo sa basag na tasa. 
Hanggang isang bulalakaw ang pumunit sa lalamunan ng uhaw 
na langit. Pagpasok sa kuwarto, nadatnan natin ang bunso 
mong naghihilik sa kama mo, nakatulog kakahintay sa iyo.
           
           

Arko

           
Pagod nang manalamin ang lambong ng mga puting ulap 
sa rabaw ng sansinukob. Mahimbing ang pagkakapikit 
ng orisonte. Ang pagsalpok ng alon sa batuhan ay tila 
isang malayong panaginip. Muling naglakad ang ispiritu 
sa mukha ng karagatan. Hanggang isang anino ng munting 
ibon ang bumasag sa katahimikan ng tubig. Pagal na 
sa mahabang pag-iikot ang puting kalapati, humapon ito 
sa pasimano ng arko na may tangang dahon ng olibo sa tuka. 
Sa silangan sumasalubong ang bahaghari. Naka arko ang hugis, 
hindi tuwid. Patunay na bilog ang mundo. Sa dulo ng bahaghari 
ibinaon ng Maykapal ang tipan na hindi na muling lilipulin 
ang buhay. Makaraan pa ang ilang araw, sasadsad ang buhay 
sa tuktok ng Ararat, magkakaugat at muling yayabong. 

Si Harold John L. Fiesta ay Ilocano at tubong Tarlac. Naging fellow siya sa tula sa ikalawang Palihang Rogelio Sicat noong 2009.

Read more >

Mauli na Ako

Adrian Paul Yao - Espares

            "Ipisi! Ipisi! Inin ákon báso!
            Ayáw la pagpunu'á
            kay pagtútungkasón ko."

Tikangí na! Tikangí na an paghúbad,
tinalúnay nga súmat
bas' sábtan kon málubád.

Mangiló! Mangiló! Ha bút'ol nasángku!
Inin ím' tubá, sángkay,
kinámang gud la, anó?

Agidáw! Agidáw! Darús ka man ngáy'an!
Hílum, buótan't siyáhan,
Niyán, kóntra na tanán!

            "Ipisi! Ipisi! Inin ákon báso!
            Ayáw la pagpunu'á
            kay pagtútungkasón ko."
            Bángin ka sumíring nga hubóg na akó,
            maúli ha baláy
            akó madiskánso"

Adrian Espares graduated from the University of the Philippines Tacloban with a BA in Communication Arts, with the Literature and Creative Writing Strand.

Read more >

Ulan sa Payag

Ruben III Castañares

Nagagirinual duman
ang mga patak sang ulan
sa gikalawang nga atop
sang balay sang akon tiyo
galumbaanay ang mga ini
pasulod sa mga giha
nga gibuslot sang mga
lansang nga way ulo
gakamang sila pasulod
sa kisame kag ginasubay
ang gibilin nga panimalay
sang mga anay nga
nag-amat-amat ungkab
sang manogtumba
nga balay sang mal-am
makapautwas ang ga-
brown-brown nga tubig
kon ini na makagawas
sa nalumpag nga kisame
kag magtinulo sa 
nagtiripon nga mga 
uhong sa tapad sang
nagkaralat nga lumot
nga naghabol sa
ginaagnas nga lawas
ni Tatay Eddie

Ruben Castañares is the author of the zine Mga Gisulat sa Gabi, which was among the works featured in the 2022 SOX Zine Fest. He is the former interim chairperson of Manug-isa: South Cotabato Writers Association, former editor-in-chief of OMNIANA, and former secretary of SOX Writers Collective.

Read more >