tuwi-tuwina lagi’t lagi pinapaalala’t pinararandam sama-sama pagkasala walang-walang sarili lang patas-patas (kuno) kung maghirap damay-damay sapagkat dapat lang ‘di na kailangang isa-isahin pa ang bawat pagkukulang minali’t mali ka aba ay ayos lang ‘pagkat nagkamali ka rin at kahit na anong puna ay poot bilangan lang sana ika’y mamulat-mulat kahit ikaw lang ‘pagkat kahit iisang pagdilat ay nangangahulugang pag-alpas sa sari-sariling bilangguan ang pagkakamali ko ay hindi pagkakamali mo ang pagkakamali mo ay hindi pagkakamali niya ‘di kita patatawarin dahil lang nasaktan din kita patatawarin kita dahil gusto ko patawarin mo ako kung mapagtanto mo ang paghingi ko ng tawad pagpapakumbabang walang sinasanto kahit ako hindi mo ako kailangang patawarin dahil lang nagkasala ka rin kaya pakiusap ko lang iyong alalahanin ang minsang salang iyo ay sa’yo at ang minsang salang akin ay sa’kin at ang salang kanya ay sa kanya tanging nagiging sa atin sa inyo sa kanila ang isang sala kung ito’y salang pinagtulung-tulungang gawin