Hannah A. Leceña, Sarangani Province, PH Si Hannah A. Leceña ay isang pampublikong guro at spoken word performer mula sa Region 12. Nagtapos ng BSEd-Filipino (Cum Laude) sa Mindanao State University – General Santos at MAEd Filipino sa Notre Dame of Marbel University. Nakamit niya ang Ikalawang Gantimpala sa kategoryang Nobelang Pangkabataan sa Normal Awards ng Philippine Normal University. Ang kanyang mga Sugilanon ay nagkamit din ng pagkilala. Mababasa ang kanyang mga akda sa Cotabato Literary Journal, Dagmay, Dadiangas Review, Diliman Review, Katitikan, at Luntian: Online Journal para sa Malikhaing Akda ng mga Guro at Gradwadong Mag-aaral.



Piniliay 2022 / Halalan 2022


Issue No.4

Piniliay 2022

      
Nangita og biodata si Nanay
Ug duha ka 2x2 picture
Aha daw mapalit ang ingon ato
Nangutana ko kon ngano,
Tubag niya, nangayo
Ang usa ka higala,
Baylo ang sinimanang kuwarta.
Ang kinahanglan lang mangitag lugar
Arun sab-itan 
Ug nawung
Sa anak
Sa usa ka
Diktador.
      
      

Halalan 2022

      
Naghahanap ng biodata si Nanay
At dalawang 2x2 picture
Saan daw may mabibiling ganoon.
Tinanong ko siya kung para saan
Ang sabi ay hinihingi ng isang 
Kaibigan
Kapalit ay lingguhang sahod.
Ang kailangan lang ay maghanap ng lugar
Para kabitan at sabitan 
Ng mukha
Ng isang anak
Ng diktador.