a biannual journal for Filipino poets and poetry

Issue No. 11

Two poems

Graciela Acedera

Bound

 
Grief is a great white sock that you wear
at night but you remove in the morning.
When I was a kid, you told me I have Lotus Feet.
You said I was lucky. My future husband will be
blessed, like the men who fell in love with
village girls in kung fu movies. In that morning,
my toes curled on the pond of my blankets.
They carry the echo of steps stolen before
I was born. Mother, I can't hear the usual clatters
of your silverware. The sudden emptiness
is like the moment you dropped your spoon into
your soup and it never came up. You said I had mixed
up the mangkok from the bowls and made you choose
wrong. I sat where you sat. I looked at the same wall you
looked at when Achi died. If only she had your feet,
she wouldn't have. The root soup simmered
on the stove. It was difficult to see how the roots held
together when they were sliced thin like paper, floating
in water. Those women, I've seen pictures of their
feet, the way their toes were tucked under,
the way the bones had broken and healed, their new
shape no longer a foot, but a hoof, a charm
only for the husband's eyes. You used to massage lotion
into my feet every night. I sit on our bed until dark—
my toes dangling over the edge.
           
           

Tongue-Tied

           
Mommy-la used to rotate plates whenever
someone had to leave in the middle of dinner.
Because it would bring them back. Until sixteen,
I was afraid no one would rotate their plate
for me, so I never left the table. I know now that
I’ve been leaving every day since then. That
things come and go without ever really coming
or going. I know now that a watched pot never
boils. But that an unwatched one burns and burns
and ruins everything if you let it. In the ancient
Chinese lore, the gods tied an invisible red thread
around the ankles of people who were destined
to meet, despite time, place, or circumstances.
The thread could stretch and tangle. But it would
never break. I imagine a man in a crowded city
square who feels the tug of the red thread on
his ankle and looks up to see a woman with eyes
like auroral baguas in her face. Or perhaps he's
walking down a busy street, when he sees an old lady
in a doorway, smiling at him with one tooth missing.

Graciela Margaux Acedera is a writer from Calapan City, Oriental Mindoro. She graduated with a Bachelor of Arts in Literary and Cultural Studies at the Polytechnic University of the Philippines. She was a finalist of the 2025 Maningning Miclat Award for Poetry for the English category.

Read more >

saritaanmi kenni lolak nga addaan iti dementiana

Hannah Keziah Agustin

inang nangankan,
wen, apay
nagsapa, ania
ti kinnanmo, diak
ammo, apay
agngangalngalka
pay laeng, nabsogkan,
haan, ania ti naganmo,
diak ammo, apay
dimo malagipen,
ay, apo, apay a
dinak malagip,
awanen ti bibiangko,
iti nakemko, apay
agkatkatawaka,
ania met, agkararagka
pay, ay apo,
kayatmo agtugaw
iti sango, napudot,
agkantaka man, agkantaka
no kua, agsalatayo,
diak ammo kadakayo,
apay mababainka,
i love you, inang,
i love you too,
ay-ayatenka, inang,
ay-ayatenka.
 
 

pag-uusap namin ng aking lolang mayroong dementia

salin ni JL Lazaga
 
inang, kumain ka na,
oo, bakit
kay aga, ano
ang kinain mo, di ko 
alam, bakit
ngumunguya ka 
pa rin, busóg ka na,
hindi, ano ang pangalan mo,
di ko alam, bakit
di mo na maalala,
hay, naku, bakit 
di mo ako maalala,
wala na akong pakialam,
sa loob-loob ko, bakit
ka tumawata,
ano ba, nagdarasal ka
pa, hay naku,
gusto mong umupo
sa harap, mainit,
kumanta ka nga, kakanta ka
pag ano, sayaw tayo,
ewan ko sa inyo, 
bakit nahihiya ka,
i love you, inang,
i love you too, 
minamahal kita, inang,
minamahal kita.

Si Hannah Keziah Agustin ay mula sa lungsod ng Mandaluyong at kasalukuyang naninirahan sa New York. Ang kanyang mga tula’y matatagpuan sa Electric Literature, Michigan Quarterly Review, at minnesota review at ang kanyang mga sanaysay naman ay mababasa sa Guernica, North American Review, at The Offing. Siya ay isang PD Soros Fellow.

Read more >

Tatlong tula

Mark Angeles

Melismata

 
MANILA — Kailangan ng mahigit 
1.17 bilyong piso para ayusin 
ang mga paaralang sinira ng… 

Pamulinawen, pusok indengam man
Toy umas-asug agrayod’ta sadiam
Panunotem man

….Bagyong Karding, ayon sa 
Kagawaran ng Edukasyon.

Sa isang press conference ngayong 
Biyernes, sinabi ni DepEd 
spokesperson Atty. Michael Poa na 
umabot sa 165 paaralan ang 
nadamay at…

Wo ai Beijing Tiananmen
Tiananmen shang taiyang sheng
Weida lingxiu

…386 silid-aralan ang kailangang 
ayusin.

Ginamit ang 561 paaralan bilang 
evacuation sites…

Hey Jude, don’t make it bad.
Take a sad song and make it better.

…nang manalasa ang Bagyong 
Karding sa Luzon noong Linggo ng 
gabi…

Fei shang, gao shing, chi, shishyang, 
Chonghu, Guaja, Jushi, Xijingpin‬

…na kumitil ng 11 buhay.
 
 

Pagkawasak

 
1.         Isang linggo pagkatapos, ang palay na pinadapa ng bagyo 
            ay mangangamoy-alipunga kung hindi gagapasin.

2.         Hindi pa siya nakakakita ng bigas na nagdikit-dikit at inaamag.

3.         Marunong siyang magpinakbet pero hindi niya bet 
            magsaing, ni maghugas ng bigas.

4.         Pero nagsasalita siya na para bang siyentistang 
            nakapagpadoble ng mga butil ng ginto sa mga uhay, 
            nakapagpalit ng turnilyo ng traktora, natuklasan ang sagot 
            sa climate change.
 
 

Balanoy

 
Tumubo ka 
sa bungo ng jowa ni Isabella.

Lumago ka sa dilig
ng kaniyang pagtangis.

Buhok ka ni Tulsi,
Avatar ni Lakshmi.

Namimilipit si Krishna
Kapag binali ang iyong sanga.

Bulaklak mo’y de-WiFi
Na cardiac monitor ni Kudaman.

Pampawi ng ligalig
Ng kaniyang mga misis.

Duklay mo’y nakapakete,
Hinarvat ko sa grocery.

Panahog ko sa pasta
Kapag purga na sa de-lata.

Mabuti na lang at itinanim.
Ayuda’y tikatik kung dumating.

Isang guro, mamamahayag, at textbook author si Mark Angeles. Ilan sa kaniyang mga tula ay lumabas sa anyong dagli sa kaniyang koleksiyong Ang Huling Emotero na inilimbag ng University of the Philippines Press noong 2021. Noong 2024, inilimbag ng 8Letters ang kaniyang Wasakan ng Puso: Mga Bago at Piling Tula.

Read more >

Dalawang tula

Ronald Araña Atilano

Voyager

 
Noong humayo ka, humulagpos ng heliospera
itong gatuldok na manlalakbay, nag-iisang galyong
sumasagwan sa look ng mga bituin.

At natanaw kong ikaw ang mag-isang umuugit ng timon,
nasisilaw sa pagdaragitab ng mga aparato
at pagkislap-pagpanaw ng nalalabing liwanag.  

Anong mga kilapsaw ng aming daigdig ang sa iyo’y
nananatili, ikaw na pumanaw naming astronomo?

Sa intergalaktikong salamin, nababanaag mo
ang pagsilang at pagsambulat ng panahon—
ano ang kahulugan ng pag-iral na nilisan?

Kung sasapitin mo ang dúlong dalampasigan
ng uniberso, anong mga ipinabáon naming bulong
at himig ang mauulinig kapag nagduruyan?

Tumatahol ang iyong gunitâ sa layò ng kalawakan,
tinutugis ang nebula. Tila ka ásong ipinalaot sa santinakpan.

Hinahalughog ng aming hinagap ang mga hanggahan 
ng hininga, hinahabol ang iyong mga hulagway.
 
 

Relativity

 
Humihinto ang panahon kapag nilisan mo ang iyong siyudad.

Bawat oras na mapalayô ay pagkaligaw
sa engkantadong gubat, pag-idlip sa pampang
ng isang lihim na lawa.

Sa pagbabalik mo, pelikulang muling susulong
ang panahon. Sa bintana ng taksi,
nagdaraang MTV ang mga bulebard at bazar,
ang slow-mo ng dumaragsang mga táo.

Pagala-gala ka’t matutuklasang
wala na ang mga dating dinarayo: ang aklatang
sasadyain mo kahapon lamang,
ang antigong bistro ng nagdaang gabi.
Sa inuman sa patio, magbabayad ka
sa kakilalang inutangan mo noong isang linggo,
at ni hindi niya matandaan ang iyong pangalan.
Wala na sa iskwater ang lahat mong kaibigan
(yumao na ang ilan, ang isa’y tumatakbong senador).
Walang makapagturo sa kinaroroonan
ng mga dating folkhouse.

Sa pag-alis mo, muling kukupad ang pelikula,
negatibong nagkabuhol-buhol,
sinag na nagdarangkal ng liwanag-taon kakaapuhap ng telon.

Pagdungaw mo mulang eroplano,
ang siyudad ay mapa ng pumipikit na mga bituin.
At nadarama mong sa pagsaglit mong ito,
nakasalubong mo
ang naiwan mong kakambal,
siyang binabagtas pa rin ang multong siyudad na ito,
siyudad na muling maglalaho
sa sandaling ikaw ay mahimbing.

Si Ronald Araña Atilano ay isinilang sa Metro Manila, lumaki sa Dasmariñas, Cavite at kasalukuyang naninirahan sa Newcastle, Australia. Nalathala ang kaniyang mga tula sa Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature 16, Entrada IX, Brave New Words Vol.1 (Paper Trail Projects), Filipinas Journal, Hulagway, Agos, Latay sa Isipan, Ikatlong Bagting, Santelmo, Manila Times, Dagmay at Liwayway. Nagwagi siya ng unang gantimpala para sa Tula sa Saranggola Awards noong 2022 at ikatlong gantimpala sa Gawad Lazaro Francisco noong 2024.

Read more >

Covid-19 Ward (Do Not Enter!)

Mina Bautista

Naroon pa rin ako.
Kung hindi lang puting-puti’t napupugaran
ng mga halinhinang mákinang wari mo’y
mga inulang palakang bukid,
ay mapagkakamalang bahay-gagambang
Kahon ng posporo.
Sa halip na gagamba—mga katawan
na paghinga lang ang sukatan.
Pare-pareho silang lahat, iisang hininga
ang hinahabol na kalauna’y isa-isa ring babawiin.
Naroon pa rin ako;
tila sundalong pinaglipasan ng panahon
sa kagubatan, nag-aabang ng kaaway,
nakikipamuhay sa dilim at bawat kaluskos
habang ang giyera’y matagal nang natapos.
Naroon pa rin ako;
ni hindi maiwan ang panganib
kahit kusa na ako nitong nilisan.
Tumanda na ang lahat at iniwan
ang mga gagamba sa isang sulok ng nakaraan.
Bitbit ko pa rin sila sa aking bulsa.

Kasalukuyang nakatira si Mina Bautista sa Metro Manila ngunit ipinanganak at lumaki sa bayan ng Calumpit sa Bulacan kung saan siya unang natutong managinip at kumanta. Bagaman madalang, sinisikap niya pa ring hulihin ang mga tula kapag dumadalaw ang mga ito sa kanya. Pangarap niyang matutong lumangoy balang-araw.

Read more >

Mga Kuwentong Pambata

Láyon

Sabi ng paradigma ng teorya sa papel
ni Iskolar et al, kuwentong pambata raw
ang dudurog sa mga dambuhalang dalumat
upang malulon ng mga batang edad 4-6.

Kaya sa taóng ito, ang ubod ng panukala
ng ahensiyang naatasang tumugon sa sakuna
ay taasan pa ang badyet upang makapaglimbag
ng ilang istoribuk tungkol sa paghahanda.

Sapát ang ganansiya ng púnong may-limbagan,
samantalang salát ang sumulat na utak.
Ang lahat ng sukli ay sa ulo ng proyekto
at sa tagapagmahikang pampananalapi.

Mabuti at libre ang kuwentong pambatang
tampok sa mahahabang mesa sa entrada
ng mga kumperensiya tungkol sa polisiya
na bukás lamang para sa mga dalubhasa.

Akala ni Layon, matematika na ang mapapangasawa niya, ngunit nang makilala ang pagtula sa gitna ng kuwarentena, hindi na mabuo-buo ang kaniyang isip. Hanggang ngayon, hinahanap niya pa rin ang sariling layon. Mababasa siya sa mga regular na isyu ng HEIGHTS Ateneo, kung saan nagsilbi rin siya bilang tagapamahalang patnugot.

Read more >

Fireworks

Hannah Adtoon Leceña

Naalimungawan ka 
Sa pagkadungog sa dagkong buto sa gawas.
Gisilip nimo ang langit, 
Didto mibusikad ang nagkadaiyang kulay, 
Unya naglanug-lanog ang siyagit sa mga tawo.
Sa huna-huna nimo, 
Adunay nagcelebrar og pasko
Sa Krus na Ligas,
Niining siyudad nga hubog 
Ug pulaw.
Imoha dayong gisirad-an ang bintana, 
Kusog kaayo ang pitik sa imohang dughan
Nahinumdom ka 
Kadtong bata pa ka,
Gigakos dayon ka sa imohang mama
Kadtong nagsugod og paka-paka
Ang mga bala sa armalayt
Duol sa checkpoint
Didto sa inyuhang banwa,
Nga nangurog 
Ug nagtukaw.
 
 

Fireworks

salin sa Filipino
Naalimpungatan ka
Nang marinig ang mga putok mula sa labas
Sinilip mo ang langit,
Doon nagkalat ang iba’t ibang kulay
Sumasabog ang hiyawan ng mga tao.
Sa isip mo,
May nagdiriwang ng pasko
Sa Krus na Ligas
Nitong lungsod na laging lasing
At puyat.
Agad mong isinara ang bintana,
Malakas ang pitik ng iyong dibdib,
Naalala mo
Noong bata ka pa,
Niyakap ka agad ng iyong mama
Nang magsimulang umalingawngaw
Ang mga putok mula sa punglo ng armalayt
Malapit sa checkpoint
Doon sa inyong baryo
Na nanginginig
At dilat.

Si Hannah Leceña ay guro ng Malikhaing Pagsulat sa Philippine High School for the Arts at nag-aaral ng PhD in Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman. Siya ang awtor ng nobelang Sebwano na Jonas. Siya ay isang spoken word artist mula sa Tambilil, Kiamba, Sarangani Province. Nagkamit siya ng Ikalawang Gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards sa kategoryang Maikling Kuwento. Naging Fellow ng mga palihan kabilang na ang UP National Writers Workshop 2024.

Read more >

Ang Iya Mahinumduman

Raissa Avery Derder Marfa

“Hain na madto ang yabi?”

Daw malisang gayod siya kada di niya makaham sa iya bulsa,
Ang yabi ba ina sang amon sakyanan o sang biyay.

Magtan-aw da gayod ako hantod makaham niya ang yabi 
Nga kalabanan ara da nagbitay sa iya karsunis. 

Kada adlaw, 
Ang dili niya makalimtan kay ang mag-init sang tubig para sa akon tsaa kag sa iya kape.
Dili lat niya makalimtan ang pamubó sang amon tulo ka bumbil sa biyay.

Dili gayod niya makalimtan ang akon paborito nga pamahaw - ang anok, mangga kag sikwate.
Dili lat niya makalimtan nga palitan ako sing Bisaya para mabasa ang akon paborito nga mga magbabalak.

Kada adlaw,
Damo pa kami sang kinahanglan hunahunaon:
Magpalit sang hapin sang mga kaldero nga amon nadawat upat ka buwan nga miagi,
Mopili sang kolor sang pintal sa pikas kwarto: puti, puwa, o asul?
Nano ayhan ang ipintal sa dingding: alibangbang, mga lubi, o mga bitoon?

“Ari da!” 

Wala’y kaso kung makalimot siya pirmi sang amon yabi.
Ara da ko sa iya tapad moapil sa pagkalisang kag sa pagkatawa.

Raissa Avery Derder Marfa writes stories in Bantayanon and works towards children's literacy in Bantayan Island, Cebu. She is currently taking Masters in Education with specialization in Reading Education at the University of the Philippines Diliman.

Read more >

Umuulan Ng Tula Sa Amin

Francisco A. Monteseña

Walang bubong ang bahay,
Kaya’t nililimliman kami ng sikat

Tuwing tag-araw. Umiitim 
Ang aming balat at hindi kami

Nagrereklamo, nagpapasalamat.
Mas dama ang pagiging anak

Ng daigdig. Minsan may nagsabi,
Hangal lamang kaming sinusunog

Ng maling pananaw. Sino ang magdidikta
Ng tama at mali sa pagkilala

Sa mga bagay-bagay? 
Tuwing umuulan, nakasahod 

Ang aming palad. Minsa’y
Tumitingala. At nag-aanyong titik

Ang mga patak. Itinutula.
Ganito po sa aming may liriko

Ang tunog na nililikha ng ambon.
Nabubuhay ang mga makata sa amin

Tulad ng mga batang kumikilala
Sa mga hiwaga ng panahon.

Aywan kung bakit kahit walang bubong
Ang aming bahay, makata kami

Na di napapaso at di nababasa.
Isa iyan sa mga hiwaga ng tula.

Si Francisco Arias Montesena ay dating guro sa kolehiyo. Mula sa Majayjay Laguna at naninirahan sa Angono Rizal. May masterado sa Management at undergraduate course sa Accounting. Premyado at nakapaglimbag ng mga aklat. Bahagi ang kaniyang mga akda ng mga antolohoya at dyornal tulad ng CCP Ani at Likhaan Journal. Naging fellow sa mga Pambansang Palihan sa Pagsusulat kabilang ang 8th UST National Writers Workshop, 8th Ateneo National Writers Workshop, Francesca Beard Performance Poetry Workshop ng British Council, Ika-5 Palihang Rogelio Sicat, 55th UP National Writers Workshop, ika-4 na Saling Panitik at Palihang Rene O. Villanueva 2 para sa mga Akdang Pambata. Kasapi siya ng LIRA at Tres-Siete Poetry Society.

Read more >

sometimes i wonder if christ would still have saved us if she were a woman

Angela R. Natividad

A note from the author: This poem discusses and centers around instances of sexual violence, abuse, and trauma, which may be upsetting for some readers.

           
           
           
           
           
           
           
           
           
           
           
           
           
           
           
           
           
           

sometimes i wonder if christ would still have saved us if she were a woman

 
it is gospel that in the throes
of christ's passion, he foresaw all we would do

and still chose to stagger to the cross. he asked his father
if this is his will, then he shall carry it for love of the wailing earth

and think us worth saving. but i wonder how 
this biblical act of love translates, as christ 

sat in the mangled warble in my throat, as
he stared at a dark ceiling with me,

if only to will  away the grunting ogre atop me 
siphoning desire, leaving a pit of godless, eating dark, a sliver 

of a girl inside. how did christ look at the blossom of purple on my
cheek as my mind sprouted horn and ruffled gills

and willed pustule on the man who gave it to me, to make
him more beast than man, and say he was worthy. how i wonder if christ

had been a woman, would she have changed her mind as i confided 
to the pug-faced priest of unforgivable sin his colleague 

had committed in his cold office, the way he 
molded my back into tattered leather, how he guzzled my rainbow

jelly perfume, how he goaded me for more. 
if christ crumpled with me when a man gnarled himself

into my body, how i went limp, the same burn behind
his eyes while mine tried to elongate his teeth and protract his claws, 

tried to warp his ears, tried to engorge his jowls - tried to fathom
monsters and men, later trilling undecipherable words until

my vocal cords shook fiber thin in an empty cathedral the night 
of my rape and heard no voice back—just my own, as i demanded she make 

herself known, as i cried out asking if she was there.
if christ were a woman, would she have felt every incision

i made into my body to flush out these men, out of my blood, to rid 
myself of their touch—those who depredated my

bowels, colonized sinew, cracked bone,
breached bronchiole, and burst artery to

inhabit and cannibalize me, to suckle a girlhood i did not get
to have without male scrutiny, coincident with

their appetite, even when i tried to bury 
my body, suffocate on perfume and hairspray and

lipstick to eclipse what they had muscled inside me, what had
pulsated, sickly and slick, what had me spill

body and blood and dignity, had me want to pluck what could have 
been a son out of me, fearing it would resemble man. if christ

were a woman, would she have seen my eyes raised to pulpit
for revelation, if she saw me pleading with her painted 

cruciform on church stucco, probing for pulse 
and reason, for logic, for penance. if she felt my knees tremble 

at every confessional and pew as i tried to pray away 
palm prints on waist, berated for the flutter of my neckline

and if she understood to the marrow what that fear was, primordial
incessant, noose-considering, crucifying.

if christ were a woman, would she have considered this roster of monster 
and still believed they were worth saving, with the heft of her own breast 

and the sway of hip, with eyes nailed on her body as she 
grew, with every street corner a danger, every night a hazard,

if she saw every exchange of skin, every lingering gaze, and understood
she was being swallowed with every stare, that

there was no way to simply be, that there was always consumption,
voracious, that greed is what we are subject to

and its suppression still isn't a mercy. if christ saw as she parsed 
actions, everything withheld, how we 

move in flocks, how trepidation is our default operation, how
many of us are covered head to toe and still whisked to corners

or dark alleys or streets or sold, how we are often broodmare
or shame, how money is a muzzle. if christ were god made woman-flesh, 

would she too believe she was stained, 
the same way i did closing my legs to make amends as i

begged on the kneeler, as confession turned to sermon, as
priests spat words and called me a slut, slithering under my nails and skin.

would christ know that a woman is all compromise. would christ
have been stoned. would christ have

looked at his mother and apologized on behalf of god, for she was only
13, a girl, branded and broken apart, nipples cracked to convulse a messiah

from between her child legs, crowned for a purity she had no choice to inhabit,
for a girlhood she did not live to be put under veil and her husband's

mercy. if she would have recognized tenfold as she walked bethlehem
and nazareth, where girls are traded for milk and honey, 

but are anything but paradise and yet still harvested like we are. if christ 
could see her lineage, daughter of david, daughter of solomon, 

and plucked all the carnage in it, the atrocities and erasure 
of queens and wives, of mothers, of other daughters, all to

call back to kings who left legacies of ragged violence. would
christ still have lumbered to the cross, would she have cried with

the weeping women, would she have seen all of the monsters making 
homes in our ribs and thought to save them. would the soldiers
 
have stopped their hands at the nails in her wrists. would she
still ask her father to forgive them, for they do not know what they do,
 
when so many have whispered in my ear that they knew
exactly what they were doing. if christ felt me grind her body

and blood in my teeth as i consumed host after host for absolution, 
for the incense to envelop me and eat me alive, to be lost in

so much holy smoke and spirit, to finally be not afraid. would
she have saved us, would she have spared me?
 

Angela Natividad graduated with degrees in Creative Writing and Philosophy from Ateneo de Manila University. She loves to combine her two disciplines in essays and poetry. Currently, Angela is an editor and writer for several publications. She believes in kindness above everything.

Read more >

Three poems

Ginel Ople

Voyage

 
On the other end of the couch, my son
is reading Moby Dick, and I realize
he won't stay home forever. This stranger
who could barely sit still on movie night
holds the paperback close to his face
like a captain studying a map
in the dim light of a cabin.
He says a friend from school put him
up to it. I had been that young.
I can hear from the crack of his voice
that he's talking about a girl. A girl
with round glasses and better grades
who pushed him in the hallway,
sent fistfuls of allusions
into his belly then took off
with his allowance of air.
I want to tell him this might fail,
that in the end, his ship could still capsize
and he would sooner learn
he doesn't need to change for anybody.
But I let him take this journey on his own.
It will be my parting gift for this
and all the other journeys he would take,
the first splash of cold before he sails
upon the wakes of great pursuits or if,
during an otherwise perfect day like this,
he finds himself in a sudden rain.
 
 

Provincial Rate

 
On the day I left for the city,
a friend and I leaned
against the opposite sides
of a mint-green motorcycle
drinking Coke.

He said one day, jobs
would pour into town
and no one else would have to leave.

From behind the hills, dark clouds
marched over the barren trees,
over the bottles we left on top
of a concrete fence and over
the women standing by the clotheslines.

The rain would never come.
 
 

Dorothy

 
The tornado never came.
The local radio said
better safe than sorry.
By 12:30, the woman
who would become my mother
returned to a dusty neighborhood
that wasn't blown away.
In the parking lots, porters
on lunch break played checkers
for each other's boots, cigarettes
sticking off their mouths
in a time before people
understood what's good for them.
My mother borrowed a light
from a boy who's quick with a smile
and gave herself away
to the whirlwind. Five kids
and a divorce—the weather vane
of the years spun madly
and screeched to a halt.

On the day the doctor said
there was only getting by,
my mother, now slow and gray,
ambled into the front yard,
the grass parting to the weight
of her shower sandals, and waited
as if an old friend had agreed
to meet her there. From the street,
the wind rushed in, ruffling
her loose sleeves, until her arms
slowly lifted from her sides.

Ginel Ople is busy being born in Cavite. His poems have appeared in journals including Third Wednesday and Rattle.

Read more >

Tatlong tula

John Dave Pacheco

Car Cleaner

sa kalakhang Maynila
Ang sabi ng kapwa ko Bisaya na drayber ng Grab,
Kailangan mong magbigay ng kahit anong madukot na barya
Kapag nalinisan na nila ang windshield ng sasakyan.
Walang pinipiling edad ang feather duster:
Bata, dalaga, nanay na may kargang musmos, at kahit matanda.
Kesa gumastos ka ng libo-libo sa salamin o car door
Na hahampasin nila ng kung anong matigas na bagay
Kung hindi ka magbibigay ng kahit magkano.
Mabilis silang tumakbo at makipagpatintero sa mga sasakyan.
Hindi mo maiiwan ang kotse sa kahabaan ng trapik.
Pantawid gutom nilang tumawid sa mga kalsada at maglinis,
Pero sabi mo, mas mainam na ang ganoon kesa manlimos.
Ang importante, wala ka nang nakikitang pamilyar na mukha tuwing trapik.
Walang pinagkaiba ang bihis ng bituka ng Maynila sa mga nagdaang panahon,
Nagkatalo lang sa tinahak na daan at pagkakataon:
May ibang lumalanghap pa rin ng usok,
Ang iba’y lumalanghap na ng aircon.
 
 

Ang Dahilan ng Batang Maranao at Ilonggong Magkalaro sa Pagkapadpad sa Binondo

kasama si Dawn
sa batang Maranao
1.         Galing kami sa pyesta sa Pangasinan
2.         Tas naabutan kami ng lockdown
3.         Umalis kasi kami noong 2017 sa Marawi
4.         Sinabi sa amin pagkatapos ng paglift-up ng travel ban, 
            may 1 million kami na makuha sa bahay at lupa namin 
            na nasira ng giyera sa ground zero
5.         Kaya habang gahintay kami na makauwi, dito nalang kami 
            nagabenta ng iba-ibang gamit
6.         Dito na rin ako naga-aral, pero babalik kami

sa batang Ilonggo
1.         Halin man kami sa Iloilo pero nag-punta si Papa dito
2.         Gisama niya ako
3.         Kasi may kakita siya na babae
4.         Akala ko magbakasyon lang ako dito
5.         Pero dito na pala kami magtira
6.         Wala na akong contact ni Mama ko sa Iloilo. Kaya 
            kapag makaipon ako ng pambili ng cellphone, hanapin ko
            siya sa Facebook. Atsaka baka ginahanap niya na din ako.
            Nahidlaw na man ko kay Mama ko

sa aking tanong
            bakit mas malungkot ang mapadpad sa mga kuwento ng Maynila
            kaysa masanay na gawing tahanan 
            ang mga lugar na sinanay kang manatili sa pangungulila?
 
 

Seaside

 
Tinanong mo ako habang nakaupo tayo sa kahabaan ng sementong barikadang
humihiwalay sa lupa at lagaslas ng mga hampas ng baybay, tanaw
ang sinaunang anito sa pusod ng dagat 
na kapag sumasabog ang liwanag sa salamin ng langit
ay lantad ang kaniyang lawas sa atin.
“Kailan ka uuwi?”
Wala kang nakuhang sagot
sa pagbuo ng mga alon sa iyong noo
kundi bangka sa aking mga labi.
Ilang beses pa lang ako rito sa Maynila.
Ang pananatili ko ay parang yapak na sa bukas o makalawa,
mawawala’t lalayag nang muli ang aking kaluluwa
pauwi sa aking tahanan—sa Diangas
at hihintayin kita doon
sa aking mga yakap-
yakap na panaginip—
sa dulo ng dagat sa Silangan
Kung saan umaahon ang araw.

Si John Dave B. Pacheco ay isang direktor, manunulat at manananghal-tula mula sa General Santos City. Isang Tagakaulo mula sa Malungon, Sarangani Province. Ang kaniyang mga gawang tula at sanaysay ay nailimbag sa Cotabato Literary Journal, International Human Rights Art Movement, Kalazine UP, Nagkahiusang Magsusulat sa Cagayan de Oro (NAGMAC) at iba pa. Dati siyang pangulo ng Samahan ng mga Mag-aaral sa AB Filipino (SABFIL), Departmento ng Filipino at editor-in-chief ng Pingkian, ang opisyal na publikasyon ng College of Social Sciences and Humanities sa Mindanao State University Lungsod Heneral Santos.

Read more >

Tulo ka balak

Dave Pregoner

Komorebi

alang kanimo, Tay Tonyo
           The sunlight that comes through
           the leaves of trees is like a gentle whisper,
           a soft breath of nature.
                      —Haruki Murakami
 
Una ko mipauli sa balay, Tay,
gibaklay ko ang dose ka linawng
migakos sa bukid sa Aomori. Otonyo
ang bulok nga gisul-ob sa mga kahoy
didto, ang pagtagak sa liboan ug usa ka
layang dahon, sonatang gitabyog sa bidlisiw
susama sa imong pakigbayle kang Nanay
ilawom sa Tambis—inyong katawa mabuntag,
huning moalingawngaw sa lawom natong atabay.

Kapin tulo ka oras akong gibaktas, Tay,
gilantaw ang mga gihay sa Momiji nanakop
sa gitik sa kahayag, ang pungpong sa Koyo
namungingi og landong nahulma sa pakigduwa
sa adlaw. Nahinumdom pa ka, Tay,
sa atong pagbaktas paingon sa imong umahan
diin ta nangpupo og kapayas, kamote, kalabasa
ug nang-ani sa kon unsa man imong gipaabot
sa panahon? Hangtod karon, imong mga hagwa
nakigduwa sa akong panumdoman.

Sa akong pagpauli, Tay, gibaklay mo
ang kataposang linaw sa kinabuhi, gigakos
ang bulok sa imong panahon. Apan wala ko
masaksihi ang kataposan mong bayle. Wala ko
makupti ang gingi sa imong mga tudlo aron
saw-on ang nagpabilin mong mga hagwa
ug ihunghong unta kanimo nga ining panahon
sa Otonyo, ikaw ang kahayag nga misapnay
sa nangatagak namong gihay ni Nanay.
 
 

Kuchisabishii

 
           Sometimes, we eat not because we are hungry,
           but because our hearts are empty.
                      —Natsuo Kirino
 
Haskang bagaa sa snow pagbalik nako
sa Akita, Tay. Nagkurog akong kaunuran
sa katugnaw unya walay kabutangan

ang kahaw-ang sa akong tiyan. Gigusla
ug nagpangita sa kainit sa espesong sabaw
sa imong tinunuang manok. Gisuwayan ko

pagluto ug pagsunod sa imong gitudlo apan
di nako makuha ang saktong katam-is nga
magpanikad sa kaparat ug ang kahalang

magpanuhik sa igong kaaslom. Maong sa matag
hungit human ang usa ka hungit, wala na ko masayod
kon pila na ka klaseng kasubo ang akong natulon.
 
 

Ukiyo

 
           The world of dew is only a world of dew.
           And yet, and yet...
                      —Matsuo Basho
 
unang tuig to nako sa pagtudlo
ug laing tuig napud to ang
imong gitindak paingon
sa trabahoan matag adlaw

                                                            alas singko sa buntag maghaguros na
                                                            ang kadena sa bisekletang imong inutang
                                                            unya tunga-tunga sa Mactan Bridge kapin
                                                            alas siyete maabtan pa tika gatungas

di maapas sa imong gininhawa
ang hangak labang sa pikas isla
samtang imong singot daw gitayhop
sa hangin paingon sa gisakyan kong dyip

                                                            kon mobundak man ang uwan usahay
                                                            monaog sa akong hunahuna kanunay
                                                            kon aduna bay mga adlaw nga buot
                                                            mo nalang taposon ang pagtindak

ug buhian ang bisekleta aron
gakson ug magpatighug
duyog sa kaparat sa hangin
tumoy-tumoy sa taytayan

                                                            Tay, gitudloan ko karon sa akong higalang
                                                            Hapones unsaon pagtindak sa bisekleta
                                                            gikan sa tulay sa Tegata paingon sa Izumi
                                                            diin nakita ko ang sakura nakighagwa

sa kahilom sa sapa, nakapangutana ko
kon mao ba pud unta imong masinati
pananglit milahos kog kanaog sa dyip
atong usa ka higayon nga naumod ka

                                                            paglugsong mo sa taytayan sa Mactan?

Dave Pregoner is a Language Teacher based in Akita City, Japan. He writes poetry, fiction, children’s stories, and some random thoughts about food and travel. When bored, he practices speaking in Japanese around his lovely plants.

Read more >

Awit ng Sepulturero

Renzo Prino

Nananalig ako sa lahat ng bangkay, sa laksa-laksang anay na tumutungkab sa puno
ng akasyang nakatirik sa gilid ng kapilya, sa mga gagamba ng aking bugtong na anak,
sa mga bulag na uwak, sa mga amorseko, at sa lahat-lahat ng nalantang bulaklak
sa pusod ng kampusanto. Dahil ito ang totoo: may portal patungo sa kabilang buhay
sa isang kuwebang pinamamahayan ng mga libo-libong alitaptap at kulisap. Minsan
na kaming nag-usap ng Panginoon at ito ang mga sinabi niya sa akin: hindi totoong 
galing sa alabok ang tao, galangin mo ang mga itim na pusa’t paru-paro, lumikha ka
ng isang puntod na yari sa ladrilyo’t basbasan mo ng dugo ng bayawak ang bawat
sulok nito. At kung may nalalabi ka pang oras, hanapin mo ang may pinakabusilak
na puso sa daigdig at kapag nahanap mo, saksakin mo nang tatlumpung ulit sa dibdib
at pagpapalain ko ang magiging anak ng iyong anak. Ang totoo, ayaw ko nang
magbungkal ng mga buto–ang ibig ko na’y sumulat ng isang aklat patungkol sa halaga
at iba't ibang hugis ng lapida–dahil kayrami nang pangalan ang hindi na kilala
(o kung kilala man ay pilit namang nililimot). At ang inakala kong agimat na nakapulupot
sa leeg ng inuuod na bangkay, ay isa pa lang makamandag na batong kayang lumipol
ng sampung salinlahi sa hinaharap. Higit kong nakikilala ang aking sarili sa larawan
ng naaagnas na katawan.

Si Renzo Prino ay nagtapos ng kursong AB Filipinolohiya sa PUP–Manila at kasapi ng Adhika ng Giting sa Obra at Sining (AGOS) ng Pasig. Kasalukuyan siyang Creative Consultant sa isang BPO sa Lungsod ng Pasig at naniniwalang nakapagliligtas ng buhay ang tatlong bagay na ito: aklat, pelikula, at Rupaul's Drag Race.

Read more >

Tallo a daniw

Deo M. Ramos

Ballaigi

 
ala ngaruden, nanang,
innakon, wen, innakon,
innak makidangadang
idiay pudpudok a lugar.
daliasatek dagiti natapok
a desdes ken tambak,
kumalipkipak kadagiti bakras
ti turturod ken bambantay,
ket surongek ti ayus
dagiti waig ken karayan
ngem saanko nga italtalek,
saanko nga ikaskaso,
saanko nga iginggina
daytoy pannakabannog
ken panagaruyot ti ling-et
ta saan laeng a dagitoy
tisa ken libro ti imetko
nga igam no di pay ketdi
dayta nasudi nga ayatmo.
ket masinunuok a no makitakon
ti isem dagiti ubbing
nga ammodan ti agbasa,
agsurat ken agbilang –
nagballaigiakon!
ta itinto met panagsublik,
maragsakankanto 
nga innak arakupen,
ta sika a mismo
ti kaniak nangisuro 
no kasano ti makidangadang.
 
 

Sadino

(In Memoriam Sean and Dino)
Sadino, aya, ti papanam,
ket kasangsangpetmo pay laeng?
Saanka koma a rummuaren
'ta pagtibbayuennak manen.

Sadino, aya, ti papanam,
'ta saanka man laeng a nagpakada?
'Ta naibagak koma pay met kenka
nga agan-annadka.

Sadino, aya, ti papanam,
nasipngeten, naladawen ti rabii?
Ngem nasapa unay ti ipapanawmo
a nangibati iti saning-i.

Sadino, aya, ti papanam?
Sapay koma ta naragsakka latta,
ket iti panagdaliasatmo,
balonem ti ayat ken kararagko.
 
 

Kanta ni Kemilu

 
Tunggal balikas a diak maibaga,
Tunggal aramid a diak maipakita,
Iti kinaulimek addanto latta
            daytoy ayatko para kenka.

Tunggal kanito a dika maipangpangruna,
Tunggal linnanglang a diak maisamira,
Iti kinaulimek addanto latta
            daytoy ayatko para kenka.

Tunggal biddut a diak maigawidan,
Tunggal pasugnod a diak maanusan,
Iti kinaulimek addanto latta
            daytoy ayatko para kenka.

Diak man masubadan dayta ayatmo,
            Yamanek unay ti pannakaawatmo,
            Iti kinaulimek addanto latta daytoy ayatko.

Tunggal kinadungngo a diak maiparikna,
Tunggal kari a diak maipanamnama,
Iti kinaulimek addanto latta
            daytoy ayatko para kenka.

Tunggal panagkirem dagitoy matak,
Tunggal panagayos daytoy darak,
Iti kinaulimek addanto latta
            daytoy ayatko para kenka.

Tunggal panagpitik daytoy pusok,
Tunggal malipatak ti kinasiasinok,
Iti kinaulimek addanto latta
            daytoy ayatko para kenka.

Kalaksidan amin ti panagkurangko,
            Kaaddam ditoy sibay ket gamengko,
            Iti kinaulimek addanto latta daytoy ayatko.
 
 

Ballaigi

salin ni JL Lazaga
o, siya po, inay,
aalis na po ako, paalam,
ako'y makikidigma 
sa liblib na lugar.
lalakbayin ko ang maaalikabok
na daang bakas at pilapil,
gagapang ako sa mga dahilig 
ng mga buról at mga bundok,
at susuungin ko ang agos
ng mga sapa at ilog
ngunit hindi ko iindahin,
hindi ko papansinin,
hindi ko kikilanlin 
itong pagkapagod 
at pagtulo ng pawis
'pagkat hindi lamang 
ang mga tisa at librong ito ang dala kong
sandata kundi pati
iyang dalisay mong pagmamahal.
at natitiyak kong kung nakikita ko na 
ang ngiti ng mga bata
na alam nang magbasá,
magsulat at magbilang⎯
nagtagumpay na ako!
'pagkat sa aking pagbabalik din,
ika'y matutuwang
aking yayakapin,
'pagkat ikaw mismo
ang sa aki'y nagturo
kung paano'ng makidigma.
 
 

Sadino

In Memoriam Sean and Dino / salin ni JL Lazaga
Saan ka ba pupunta
at kadarating mo pa lamang?
Huwag ka na sanang lumabas
'pagkat ako'y pinakakaba mo na naman. 

Saan ka ba pupunta
at di ka man lamang nagpaalam?
Para nasabi ko pa sana sa iyong
mag-iingat ka.

Saan ka ba pupunta
madilim na, ang gabi'y malalim na?
Ngunit maagang maaga pa ang iyong paglisan
na nag-iwan ng kalungkutan. 

Saan ka ba pupunta?
Sana'y masaya ka lamang,
at sa paglalakbay mo,
baunin mo ang pagmamahal at dasal ko. 
 
 

Kanta ni Kemilu

salin ni JL Lazaga
Bawat katagang 'di ko masambit,
Bawat gawang 'di ko maipakita,
Sa katahimikan naroon lamang
            itong pagmamahal ko sa iyo. 

Bawat sandaling 'di ko mapigilan,
Bawat hinanakit na 'di ko matiyagaan,
Sa katahimikan naroon lamang
            itong pagmamahal ko sa iyo. 

'Di ko man masuklian iyang pag-ibig mo,
            Ipinagpapasalamat ko ang pang-unawa mo,
            Sa katahimikan naroon lamang itong pagmamahal ko sa iyo. 

Bawat pag-irog na 'di ko maipadama,
Bawat pangakong 'di ko maipaasa,
Sa katahimikan naroon lamang
            itong pagmamahal ko sa iyo. 

Bawat pagkurap nitong aking mga mata,
Bawat pag-agos nitong aking dugo,
Sa katahimikan naroon lamang
            itong pagmamahal ko sa iyo. 

Bawat pagpintig nitong puso ko,
Tuwing malilimot ko ang pagkakakilanlan ko,
Sa katahimikan naroon lamang
            itong pagmamahal ko sa iyo. 

Sa kabila ng lahat ng pagkukulang ko,
            Ang pananatili mo sa 'king piling ay kayamanan ko,
            Sa katahimikan naroon lamang itong pagmamahal ko sa iyo. 

Si Deo ay nagmula sa Bangued, Abra. Kabilang sa kanyang propesyonal na karanasan ang pagtuturo sa Divine Word College of Bangued at pagtatrabaho sa Department of Education, Schools Division of Abra. Sa kasalukuyan, ibinabahagi niya ang kanyang kaalaman at sigasig bilang isang guro sa Filipino Language School of Canberra na patuloy na nagtataguyod ng kultura at wikang Filipino.

Read more >

Tatlo ka binalaybay

Orland Agustin Solis

Aton ang Kalibutan Pagkatapos sang Engkwentro

 
Liwat naton nga ginlatas ang banas pauli
sa balay kaangay sang isa ka hapon
nga tuman ang aton kalipay kag paghandum
sa mga masunod. Yara pa gihapon sa mga dahon
sang kogon ang mga tinulo sang dugo halin
sa mga nagpalagyo.
Ginahaklo pa naton sa gihapon ang amyon
sang pulbura nga nagapahumot sa mga tingga
nga nagpanglugayawan sa aton lagwerta. 
Kaangay sadtong mga tinalikdan nga hapon

ginpaminsar naton ang mga lupok nga abi ko
ato pa sa unhan, tubtob nga gintultol na sini
ang aton sityo. Kag gilayon ang aton puluy-an.
Udtong adlaw ato,
samtang nagahigda kita sa aton salog nga kawayan
agud magpahuway bag-o liwat nga magsulay sa initan
sa aton ginatalauma.
Nanuktok sa aton bintana ang mga tingga,
matinggas ang lagting sang mga basiyo
nga ang lanton nagapadula sang katuyo.

Wala na kita makabangon sang nagsulod
ang mga armado nga daw sa nagadayaw
sa aton mapainubuson nga puluy-an.
Naglaaw sila sa bintana kag liwat-liwat nga ginpakanta
ang ila mga armas samtang yara kita nagahapa sa ila tiilan. 
Amo na gali ini subong ang harana,
yara na sa sulod sang puluy-an ang nagapangaluyag
agud iamba sa aton luyo ang himno sang kalinong. 

Lumabay lang nga daw aso ang mga tingga, ang mga tikang
sang mga nagadalagan, sang mga ginalaot, sang mga nagalaot,
sang iban naton nga mga kaingud. 
Kita, kaangay sa daw bag-ong bugtaw, nagbangon
 kag nagsunod sa mga tikang sang mga nagpadulhog sa banwa. 

Subong, pila na ka adlaw ang nagligad
kag amo pa lang nga natugutan nga bisitahon ang aton puluy-an.
Mas mabugnaw na subong ang aton balay, madamo na sang mga
magagmay nga mga bintana, bisan sa diin na lang nagaagi
ang dupoy-dupoy sang hangin. Daw sa kinaon sang anay
ang mga haligi nga may mga sipyak sang mga tingga,
may mga nalubong pa, palatandaan sang aton mga bisita. 
Apang ang siling gani nila nga kon may ginbilin ang bisita,
liwat-liwat ini nga magabalik.

Subong yari kita nagalubong sang mga nasamad
mga manok, pato, bibi, ido, kuring, maya, kag mga saya-saya.
Sa haron, sakaon ko ining ginatangla ko nga layon sang kawayan,
gapason ang mga gulang, ibilin ang mga bungol,
gamaon ang mga tindugon nga pusog. 
Agud liwat nga pasaron ang nagahilay nga haligi sining puluy-an.

Pagkatapos sang engkwentro, aton ang kalibutan. 
Liwat naton nga pasaron ang aton mga handum
ang aton mapainubuson nga puluy-an,
apang husto lang nga indi tuman ang aton paghinulsol
kon liwat naman kita bisitahon sang aton mga kaabyanan. 
Pagkatapos sining ila pagkamustahanay kag sinautay
sa ritmo sang tagring sang tingga, aton na liwat ang kalibutan.
Liwat naton nga pasaron. Liwat-liwat naton nga pasaron. 
Apang kaangay sang sirum kag kahapunanon,
husto lang kita nga maghulat sa ila pagbalik, kag liwat nga paglakat.
 
 

Kon ano ang Kalinong

 
Nag-istorya kita samtang nagaduyo sa evacuation center
apat ka adlaw matapos ang engkwentro, sang wala na
kita sing himuon magluwas lamang sa magtulok
sa mga nawong nga masami naton masumalang sa lugar 
nga aton ginapalagyohan.

Wala sa bungog ko ikaw nga ginpamangkot
“Ano gid bala ang kalinong?” siling ko.
“Ambot,” ang malip-ot mo nga sabat. Apang
bag-o pa ako nakatikab, nagsugpon ka. 
“Siguro ang kalinong, isa ka suba, padayon nga naga-ilig,
wala sing kurba kag dalagko nga bato ang mahimo
makapugong sa pag-ilig sini. Tayuyon ini
nga nagapadulong sa kon diin man ini magadungka nga kalalawran.
Daw angay man ina siguro sang kawayan sa ubos sang aton balay,
padayon nga ginalab-ot ang langit, kag wala sing hangin
ang mahimo makapatumba sini.”

Nadumduman ko ang kahaponanon nga upod kita 
nga nagdulhog sa banwa. Ilahas pa sadto sa aton ang inaway.
Nagapanihol ka samtang ginahapulas ang mga dahon
sang mag madre de cacao sa kilid sang tubuhan. 
Sa tion sang disyembre nagakalingaw ka sa pagpamuksi
sang mga bilaho sang tubo agud aton himuon nga ikog sa kwitis
sa kaagahon sang bag-ong tuig.

Amo ato ang sigabong nga nagapahalipay sa aton,
nagadali kita sa masami sa pag-abot sang bag-ong tuig
agud liwat naman kita makapamati sa lagabong sang mga palupok, 
sa mga firework sa syudad nga aton makita sa mga giha
sang linayon nga mga kawayan. Amo ato ang gahud nga aton
ginakalangkagan. Ang gahod nga nagapalayo kuno sa aton sa de malas,
nagatabog sa mga yawa, kag mga malain sing buot.

Apang sa mga panahon nga indi lang sa bag-ong tuig ang linupok,
nga ang lupok na mismo ang patimaan sang de malas, sang yawa,
sing mga malain sang buot, yari kita sa sulod sang balay, sirado ang bintana,
wala sang giha nga aton ginapabilin ng bukas, wala kita nagali-li.
Wala kita nagakalangkag. 

Sang ginpamangkot ko ikaw, luyag ko lang hibaluon,
kon bala, ang pagpakahulugan mo sa kalinong
amo man sa gihapon,
sa pihak sang kagalong nga nagapangabuhi na upod sa aton.
 
 

May Ilahas nga Pispis sa Amon Ugsaran

 
May ilahas nga pispis sa amon ugsaran
mas magamay sang sa tamsi
nga nagapa-iplik sa mga sanga sang kahoy

mas mapagsik sangsa saya-saya
nga wala nagapahimuyong sa mga sanga
sang madre de cacao samtang nagapanuka
sang mga magagmay nga insekto sa iya palibot

mas ginakangidlisan ang dagway
sangsa kiyaw, nga ang siling, puno sang ulod
ang lawas. Ini, wala kuno sang ulod. 
apang mahimo nga balayan sang ulod
ang mga unod nga iya sini mahugpaan. 

Mas kululbaan sangsa mga talimbabatang
nga ang siling sang mga tigulang,
ang ila pagpanglugayaw ang nagapatimaan
nga malapit na ang ulan, kaangay man
sang kukok nga ang tingog ang patimaan
sang paglinagatik sang ulan.

Mas makahalalit sangsa mga maya
nga nagautis sa amon mga tanom nga humay
nga balik-balik nga nagasigpot
sang mga pinasi sa amon mga alanihon
kag matalupangdan na lamang kon wala na sing bili. 

Kag indi kaangay sang dapay
nga makahibalo magpili sang iya ginadagit,
nga ang iya mapintas nga mga kuko
ang makahibalo sang dagway sang mga piso
sangsa mga talin nga manok,
ining ilahas nga pispis ang wala sing pili
sa tion nga ini ang maglupad sa imo ugsaran
kag magtibusok agud dagiton ang bisan sin-o
nga magpatunga sa iya banas. 

Tuman ka ilahas sining pispis,
indi makalilingaw ang huni sini,
kundi isa ka tagring nga nagasinda
sa buhi nga nagapangabuhi sang linong
sa ila ugsaran.

Orland Agustin Solis writes poems and short stories in his mother tongue, Hiligaynon.

Read more >

Dalawang tula

Roda Tajon

Bakâ

 
Bakâ naman may puwang.
May kiliti sa tamis
ng sorbetes, lalo kung dadampi
sa dila. Hindi lagkit kundi ngiti
ang dulot ng natutunaw na krema sa daliri.
Masarap ipareha ang tinapay na mainit-init
sa ‘sang tasa ng may tamis-pait
na kakaw. Pumapawi sa panunuya
ng maghapong alinsangan.

Bakâ mamangha sa mga bubὀt
ng rosas sa katabing hardin. O maudlot
ang nagbabadyang kulimlim at ulan
kung may kasalong hindi natitiim.
Bakâ nga sumisipol ang hangin,
hindi lamang umiihip
Bakâ naman talagang inuugoy ang mga punò,
at sumasayaw sa saliw ng sipol.
Bakâ may nagsasalimbayang kulay
matitingkad at mapupusyaw, mga balangaw,
hindi nagmimintis ang silip-langit
sa kapirasong pisi ng langit na alay
kung magkahawak-kamay.
o susubuking maghawak ng kamay.

Bakâ naman panaginip
sa idlip ng pagkainip
kayâ naglulubid
ng mga bakâ habang
nakatunghay sa inaalikabok na salamin
ng antigong bintana
dahil walang ibang mapagpilian
kundi magtistis sa gurlis
ng pananabik.
 
 

Isang Gabi, Dating Site

 
Tanggap ko ang bawat mukha, bawat katawan 
na parang kilalang-kilala ko na sila’t
Madalas makasalubong sa madawag na daan.
Walang alinglangan, paglalaanan
Ng espasyo at oras ang kanilang panandaliang
Tingin, mga pahaging, at maging pangungutya
Sa mga tulad kong ang tinig ay tumitinis
At ang mga daliri’y pumipilantik,
banayad na gawing itinatanggi 
Ng mga umaasang sa bawat gabi
Ay may mabibingwit sa makitid
Na sapa ng pag-ibig. 
Heto ako’t naghuhubad ngunit balot na balot
May tinig na nabubusalan
May dunong na tinatalupan ng ibang wika.
Bawat hibla, gaspang ng balat, handang 
Punasin. Marahil, nagbubukas ako
Sa gahiblang haplos
Sa isang dampi ng halik
At sa saglit na pansin
Pagkat mapanglaw na ang ilaw sa silid
Sa apat na sulok kung saan sumisirit
Ang lamig ng walang pakundangang ulan. 

Nakatitig ako sa screen, naghihintay ng apoy 
O anomang ‘sang salita. Alas dos na’t 
napundi na ang bumbilya. 
Nadarama ko na 
ang ginaw ng madaling-araw.

Roda Tajon teaches gender studies, multimedia theory, and popular culture at UP Open University.

Read more >

Tatlong tula

Brixter Tino

Tauhan

 
ISKO 1—kabababa lang sa jeep,
               nananghalian ng kwekkwek.

GUARD 1—tanungan ng nawawalang gamit.

PROFESSOR 1—umiinom ng kape sa tasa
                            na may logo ng unibersidad.

ISKO 2—nakatingin sa bintana, bagot
               sa lecture tungkol sa postmodernism.

DEAN—kalbo, ang tanging nakapagpapaiyak
              kay PROFESSOR 1.

PULIS—sisilip-silip sa gate, gagampanan
              ng parehong aktor na gaganap
              bilang ADMINISTRADOR.

ISKO 3—moreno.

PROFESSOR 2—nagbibisikleta papuntang
                           campus, papalitan ng A.I
                           na kawali sa gitna ng palabas.

GUARD 2—kumukurap-kurap.

ADMINISTRADOR—walang kaalam-alam
                                     hanggang sa huli na ang lahat.
 
 

Tagpo

 
DIREKSYON NG ILAW: Ang araw ay isang butas sa himpapawid
                                           kung saan tumatagas ang langit.

DIREKSYON NG TUNOG: Musika ng mga dila
                                                na masyadong idiniin sa bubong ng bunganga

i.

Madali kong masasabi na nakarating ako
            nang maagang-maaga at hinabol ako
ng Diyos ng mga Deadline, sakay
            ng kaniyang delivery van habang tinakasan
siya ng aming patok na lumilindol ang radyo,
            bigla-biglang lumiliko, pinagugulong ang aking
mga barya sa sahig. Siyempre, inabutan pa rin
            ako ng Diyos, nag-aabang na siya sa campus.
Sabi ng barker (na misis din ng tsuper), ganito
            daw talaga ito magmaneho gaya noong papunta
sila sa kasal nila. Umikot-ikot pa raw sila sa Cubao,
            kung saan minsan akong naligaw, hanap-hanap
ang ukay-ukay na pinag-uusapan ng lahat. Cubao—
            ang kabisera ng Pilipinas. Hindi ko maiwasang
tumingin sa'yong liwanag, ang pag-amin ni Shanti
            sa kumukulog na bass habang panay ang tanong
nila kung puwedeng umusog pa ako—si tita
            na nakakapit sa kaniyang groceries, si kuya,
na nakakapit sa kaniyang buhay. Sabi ko,
            "Sige po, ate. Sige lang, kuya." Kahit sa totoo lang,
wala na talagang space. Kasi noong huli akong
            nagsabi ng "Wala na," nagpreno ang tsuper
at bumagsak ako sa kandungan ng bigotilyong
            mamà na may tote bag na puno ng tawas.
Ano pa ba ang alam ko tungkol sa pagpapatuloy
            kung ang ruta ko ay Stop & Shop?

ii.

Madali kong masasabi na nakarating ako
            nang maagang-maaga, at ang Diyos
ng mga Deadline ay nabunyag na sa wakas
            na may spreadsheets na mukha, tabingi
ang kurbata, may relos na pumipintig gaya
            ng nadiskaril na granada, Amoy sunog na kape
ang hininga. Maagang-maaga, habang ang iba
            ay tulog pa, nanaginip ng almusal o ng walang
katapusang Linggo. Ang Stop & Shop ay dating
            pamilihan ng mga produktong Amerikano.
Kuwento ito ng Nanay, dahil alam niyang gustong
            -gusto ko ang salitang stop. Magtitipon kami
ng mga kalaro sa sala, isasalang ang CDs
            ng paboritong kanta, sasayaw nang sasayaw
nang sasayaw hanggang may sumigaw
            ng ‘stop!’ at maninigas kami, matitigilan.

iii.

Paano nalalaman kung kailan lilipat
            sa susunod na imahen? At kailan ito hahayaang
magtagal, tulad ng pasaherong naidlip sa biyahe?
 
 

Banghay

 
Sa dula, ang mga salita sa italiko ang laging pinakamahalaga.

Ngunit sa totoong buhay, ang mga salitang nakalimutan

ang pinakamabibigat. Yakapin ang iyong bag. Isa rin itong

instruksiyon para igilid ang katawan palayo sa kapwa mag-aaral

na maaaring kanina mo pa kausap. Ilipat ang bigat ng katawan

sa isang paa, gaya ng isang kabayo sa karera. Ang iyong sakong

ay nakatirik na sa entrance. Kung walang entrance, pumili ng lugar

kung saan maaaring magtapos ang biyahe at isipin na doon na iyon.

Tatayo ka lang, hindi alam kung saan pupuwesto o paano gagalaw.

Tubong Perez, Quezon, si John Brixter Tino ay nagtapos ng kursong AB in Literary and Cultural Studies sa Polytechnic University of the Philippines. Ginawaran siya ng National Youth Achievement Award for Literary Arts mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Kinilala ang Kaniyang mga tula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Maningning Miclat Prize for Poetry, Premyong LIRA at Gawad Bienvenido Lumbera. Natamo rin niya ang Grand Prize sa pagsulat ng personal na sanaysay ng Gawad Rene O. Villanueva.

Read more >

Manogpanggas

April Guillano Vasquez

Nagsabwag ka sang lamigas sang kaalam 
Agud magtubo ang tagsang’ ikasarang;
Sang matutom ginbunyagan, gin-atipan
Naglambò, tigrulombay sang kabataan. 

Adlaw sa sidlangan, dala mong' kasanag 
Paglaom sa pagtubo imo ‘nahatag;
Sa butkon nga kapoy, abaga nga huyhoy
Dapulay nga angay bilidhon nga Iloy.

Ginpaawas mong’ tibud sang kinaadman
Agud maambit Laurel sang kadalag-an,
Gindulot maayong’ binhi’ng pamatasan
Sa pagpadayon lunhaw nga kalibutan.   

Sa talamnan nga imo ginapanggasan  
Agyan man sang tig-ilinit ukon bagyuhan,
‘Gaugat, ‘gagapa sa utok kag dughan
‘Gabunga’ng kadalag-an kag kaayohan.

Ikaw ginatangla, ginakahamut-an
Anghel sang Langit sa sining kadutaan,
Bilidhong’ manog-ubay sang bag-ong usbong
Manogtipig sang bag-o nga henerasyon!

Bugay sang Diwa, ikaw nga manogpanggas,
Manunodlong’ hiyas sa imong’ patubas!

April Guillano Vasquez hails from the city of Iloilo. Her binalaybay (poem) and/or prose works were featured in Yuhum Magazine, Hiligaynon Magazine of Manila Bulletin Publishing, Blossoms Journal by ME Publications, five books under Ukiyoto Publishing, Owamat Vol. 3 by Pasyon Komiks, Agwat Hilom anthology book by NCCA & NCLA, Sumakwelan Zines, and in various digital platforms. She is a registered writer in the National Book Development Board. Despite her physical and health hurdles, she moves forward, armed with pen and faith, while advocating the pursuits of Sumakwelan Iloilo, Inc., an organization of Hiligaynon writers and poets. 

Read more >