M.J. Cagumbay Tumamac, Southern Mindanao M.J. Cagumbay Tumamac is a writer and reading advocate from southern Mindanao.



Suno/Sumala


Issue No.7

Iloy, sa imo ulihi nga adlaw, gintilawan mo nga sunugon ang tanan

 
nga ginpanipon nga dahon, bulak, kag sanga sa aton pamulakan. Ikaw: mayad 
magsilhig kon nagatunod na ang adlaw kag wala sing katupong ang kainit 

sa Dadiangas ayhan dasig mauga ang tanan. Ang tanan sa Dadiangas. Ay, indi bala hapos 
sunugon ang mga tam-an ka uga? Kaina, ang imo mga lapak ginapanas ang mga nabilin

nga mga badlit sang pagsilhig sa duta. Sa tuman ka yab-ok nga duta. Ikaw: indi manami 
kon bag-o ang silhig bangud huyang pa. Ayhan, Iloy, sa imo ulihi nga adlaw,

gin-utdan mo dayon ang bag-o. Ikaw: wala na sing panahon agud maghulat
nga amat-amat magkarabali ang mga punta sa matag-adlaw nga pagpanilhig

sang mga dahon, bulak, kag sanga nga adlaw-adlaw nagakarahulog. Isa ka kamatuoran,
suno sa imo iloy: nagakaralaya ang mga tanom agud may ara kita silhigon kag sunugon

sa aton ulihi nga mga adlaw. Apang, Iloy, indi bala indi magkatulad ang duta
sa Iloilo sang imo iloy kag diri sa Dadiangas? Indi mahibaluan. Ang matuod lang:

Iloy, sa imo ulihi nga adlaw, gintilawan mo nga sunugon ang tanan 
bisan kinahanglan nga may mabilin agud may dulaon ang hangin sa kagab-ihon.
 
 

Wara nagainusara ang uran

 
maski usahay
hinay-hinay, paisa-isa magnaog,
o dili lang makit-an sa mga matang
pikot. Natabunan
sa kagal-uman isa ka hapon
ang bangka sa kabakhawan, ikog
ang bagrut nga sa sugod mas kusog
hasta nagbunok.
Sadto ko lang napamatian nga lain
ang kabug-at sa tagak
sa toldang atop sa tubig sa dagat
o sa mga tiil
nga daw damang sa pundok sa kadahunan.
Akon gintilawan nga ilubad
ang nabatyagan apan nalubag
ang dila. Kamatuorang dili mahangop 
ang tanan ug taod-taod magsugod mangitag
mga sisi ang mga inahan ug ilang bata
aron may matilawan ang dila
sa matag panyapon.
 
 

Ang ulahing saysay sa pagkawala

ni Lo Tasyo, gipugos niya ang mga anak ug apo nga mobalik og bukid. Siya, iniglugsong sa lungsod, ang bukid gihapon ang anaa sa hunahuna. Sumala sa mga kakita, kadlawon siya nihawa, dala ang binangon ug kalo, nisaka. Duha ka semana ayha nakabalik. Nibalik. Dili sama sa asawa nga gilabyog ang baroto gikan Iloilo padulong Cotabato. Si Lo Tasyo, tingali, usahay usa ka tiki sa lungsod, tabili sa bukid. Ako, sa usa ka higayong giila ang lasang, namalandong inigbundak sa ulan. Duha ka semana nga nipiyong. Inigmata, anaa na sa lungsod, gapamati sa mga ulahing saysay sa pagkawala.

Ayon


Issue No.1

Alikabok

ayon sa isang “Hinakop nga Haiku” ni Generoso Opulencia
Yab-ok kag udto,
Daw dinasok sa plastik
Sang manogputo.

1.
Sumisiksik sa mga singit at sulok ang yab-ok
ni Opulencia. Mananatiling alikabok
ang alikabok kanino mang mata
ang mapuwing, at pinakamatalab
kapag nakatutok ang araw sa mata
ng sugat na nagnanaknak.
 
2.
ginháwa. [Cebuano, Hiligaynon] hininga

Inilulan sa barko ang mga taga-Luzon at Visayas,
baon ang pangako ng ginhawa:
ang hulagway ng Mindanao—mga bungang
bumabagsak sa lupa at dagat ng mga isda.
Bumungad sa kanila
ang parang ng matitinik na halaman
at ang lambong ng pinong-pinong alikabok.
Sinubok kaya nilang ipasok ang ulo
sa supot? Paparam ang ginhawa.
 
3.
Pagpawi sa lamig ng magdamag
ang inilalako ng magpuputo.
Sa umaga, ginhawa ang hiningang
ipinapawis ng mga puto sa supot.
Noong bata, natural na naising
naisisilid sana sa supot ang sandali
nang mapakawalan sa magdamag.
        
 
 

Lisan

     
1.

Sa isang awit, ipinagpalit ni Tudbulul ang kapatid sa mga sandata ni Datu Busaw, mapigil lamang ang pagkawasak ng Lemlunay. Hinilom ng kapatid ang halimaw sa loob ni Datu Busaw, na muling nabuhay bilang Tegingkan. Umanib si Tegingkan upang labanan si Datu Lókó Tegedung. Nadampot ang kanilang mga kapatid. Tinutunton nila ang tumakas sa isang mahabang paglalakbay. Sa huli, nagapi si Datu Lókó Tegedung at umuwi si Tudbulul sa isang pagdiriwang.

      
2.

Ayon sa mga iskolar, marahil kailangang lisanin ng bayani ang bayan nang mahanap ang sarili.

      
3.

Mga walong taon ako nang unang nagtangkang lumisan at hindi nagbalak na bumalik. Ang layo mula sa tarangkahan ng bahay: isang tawid sa kalye. Wala akong dala. Nagwawala. Hindi ko na matiyak ang dahilan. Hindi na marahil kailangan. Ang mahalaga, nananatili sa alaalang umuwi akong wala na ang sarili.

       
     

Michael

Mayroong mga panahong kailangang kumatha
ang alaala ng mga akala. Walang malay noon si Lolo,
sa isang bersiyon ng isa kong alaala, na hindi lahat
saging ang karga niyang sako pauwi; may limang taong
ako, na nagpakita lamang nang tuluyan nang nakalayo
ang pampasaherong van, kaya kinailangang kandungin
ako at isiksik sa ilalim ang saging, tulad ng ginagawa
sa mga dala-dalahan at walang malay na paslit (ako,
ngayon: bakit nagdala si Lolo ng mga saging at paanong
hindi niya nabatid ang aking bigat?). Kinailangang
ipabatid ni Lolo sa Dadiangas na walang nawawala.

Iniwan ako sa paanan ng bundok at doon nakilala
ang malalapit at malalayong pinsan, anti at angkol,
at ang unang kaibigan, ang katukayong si Michael;
at ganito lamang ang alaala naming dalawa: kinakagat
namin ang tubóng ibinigay ni Lolo pagkatapos dalawin
sa payag nito sa itaas. Sabi nito: kailangang makababa
bago magdilim nang hindi mailigaw ng mga hindi katulad
natin, kahit nagpapanggap silang mga katulad natin.
Habang sinisipsip ang tamis at iniluluwa ang tabang,
hinigop ang paa ko ng putik ng palayan kaya kinailangang
hatakin. Agyamanak, ako. Siempre, si Michael, gayyemka.

Di na muling na(gpa)kita si Michael. Maaaring wala na sa malay
ni Lolo o mga kamag-anak nang tinanong sila. Natagpuan ko
na lamang ang sariling umiiyak dahil Lunes at kailangang
ibalik sa Dadiangas upang pumasok sa klase kahit wala
akong kaibigan doon. Hindi ko na natiyak ang alaala
ni Michael kahit ilang ulit binalik-balikan ang Maitum,
lalo na sa mga panahong mag-isa na lamang at mayroong
sarili nang upuan sa van. Mayroon ngang mga panahong
kailangang kumatha ang alaala ng mga akala at piliing hindi
alalahanin ang mga itinuturing nating katotohanan.