ala-ala sa nasulat
Pabating namaalam ang gabi, sumisilip sa
dahan-dahang pagpapaliwanag ng langit. May pagka-
daldal ang katahimikan na himong, Ping!
handang magpahiwatig ang talulot ng damdamin.
Kinamusta. Ting. May smiley-heart-hug. Ting!
Tanong? Ting! Tanong? Ting! Tanong? Ting! Ting! TIIIII-
NG! Bago pa Ring! bumango- Ring! Ring! Ring! -n.
Lila nang lila sa nagniningning na screen. RING!
Labis man, Ding!, lanta- Ding! -d.
… Ding! Nabasa na ang mga akda sa dingding.
Sa dami ng pinamulaklak, na-mani pa. Ding.
Nakalimutan kong pumapagitan ang dingding.
Nawala na ang mga nagsusulputang lila
nayaring niyari rin ang sandali na
isang sandaling lumipat na
sintagal lang ng wala.
Pang-ilang pagliwanag pa ba? Imik!
Mag-lo-low bat na, may uusbong pa ba? Klik.
Litrato lang.
‘la.