Sa sikot ng Sumulong bumulong ang kampana ng bundok. Ang pook, pinanahanan ng mga gusaling animo’y ulap sa pananaw ng ilang ibayong siyudad. Sa tarik ng landas, bakas ang pagsubok tungong Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje. Ilang libong hakbang pa kaya hanggang huling hingalong hininga upang masumpungan ang pagpapala sa paanan ng simbahan sa rurok ng kalupaan? Antanda, antanda... Ganito pala kalayo ang lapit ng Poon Sa pusod ng lungsod ng Antipolo.