1. Inaaral pa lang ng dila’t bibig ang hugis ng “Mama” at “Papa” 2. Pink na kapote sa paanan ng retrato at altar 3. Pangalang tinik sa lalamunan 4. Di maburang krayola sa sahig 5. Naghihintay ang santan ng mga daliring pipitas ng bulaklak 6. Walang hanggang tagu-taguan 7. Binurang pangalan sa class list 8. Nagbabahay-bahayang mga magulang 9. Tinuldukang parirala 10. Nagkukulang ang mga kuwitis na maghahangad sa kalawakan 11. Alipatong tinangay ng hangin 12. Maiiwang nag-iipon ng alikabok ang tinagong liham ng pag-amin 13. Katitikim pa lang ng pakla ng beer 14. Kapit-hinga sa unang halik at huling pagpikit 15. Bagong sinagtala sa uniberso ng iilang saksi 16. Kotilyong di na masasayaw 17. “Takbo.” 18.