Nicko Reginio Caluya, San Pedro, Laguna / Nara, Japan Kasalukuyang tinatapos ni Nicko R. Caluya ang kaniyang doktorado sa inhenyeriya, sa Nara Institute of Science and Technology sa bansang Hapon. Nagtapos siya ng Batsilyer sa Agham noong 2013 sa Pamantasang Ateneo de Manila. Sa Ateneo din siya ginantimpalaan ng Loyola Schools Awards for the Arts sa larang ng tula. Inilimbag noong 2020 ang chapbook niya na pinamagatang Nasa Loob ang Kulo, isang koleksyon ng mga haikai mula 2013–2019.



Dalawang Tula


Issue No.2

Mga Nagpapahinga /

Bodies at Rest /

静止している物体

            
I. Tag-araw / Summer / 夏

ang hanging-dagat                                    the breeze from the sea
pinahihimbing ako                                    invites me to fall asleep—
ng ‘yong paghinga                                    your gentle breathing

海の風                                                       umi no kaze
眠気を誘うー                                            nemuki wo sasouー
君の息                                                       kimi no iki
            
II. Taglagas / Fall / 秋 pilikmata mo’y eyelashes flutter pilapil, hinahangin— just like silvergrass it must bagyo, marahil be a typhoon gust 目のそばに me no soba ni 薄棚引く susuki tanabiku 野分かな nowaki kana
            
III. Taglamig / Winter / 冬 bundok ay kumot on mountain’s surface ng hamog ng taglamig— the winter fog vanishes palad ihawi with palms of the hands 山肌に yama hada ni 冬霧晴らす fuyugiri harasu 掌 tanagokoro
            
IV. Tagsibol / Spring / 春 In early mo(u)rning mata'y (u)maga tears pouring from eyes like dew ang luha'y pumapatak- of cherry blossoms patak, bulaklak 朝ぼらけ asaborake 目に垂るるや me ni shidaruru ya 花の露 hana no tsuyu
            
            

Pagkilatis kay Derek

            
hinatak, lagapak!
hiyaw! laglag, tapak

pagbitiw ng plastik
ang tindi ng talsik

kamatis nagkalat
laman din naglatak

ang baril nag-taktak!
ang pawis tagaktak

wala ka nang lakas
wala ka nang takas