1. Sa Tagalog, buto ang salita para sa seed at bone. Sa huli, pareho silang nakabaon sa lupa, ngunit isa lang sa kanila ang tumutubo.
2. Ang kaluluwa ng mga tuyong bangkay ay nagsabi sa akin na ang mga pampulitikang pagpatay ay hindi lang nangyayari sa isang panahon. Pagkatapos sila ay sumingaw.
3. Sa bawat checkpoint na nadaanan ko, sinasabi ng mga opisyal ay wala daw digmaan at ang amoy ng pulbura sa hangin ay galing sa mga paputok para sa bagong taon.
4. "Wala akong alam dyan," ang sabi ng Heneral na nag-utos ng masaker sa dalawang dosenang lalaki, babae, at bata.
5. Sinabi ko sa kanya na ang dugo ng isang magsasaka ay natuyo sa ibabaw ng mga tuyong dahon. Natural na namamatay ang mga pananim sa panahong ito. Sinabi ko sa kanya na magdasal na sana ay dumating ang ulan.
6. Sa mga palayan, walang sapat na tubig, ngunit ang mga ahas ay hindi nagrereklamo.
7. May adik dati sa barangay ko na nagsasabing kaya niyang baguhin ang panahon sa pamamagitan ng pag-awit sa langit. Walang naniwala sa kanya noon. Matapos siyang barilin ng mga pulis, nakaranas ng tagtuyot ang probinsya namin sa buong taon.
8. Kapag may nangyaring trahedya sa pamilya, lumipad ako sa isang airport na ipinangalan kay Ninoy Aquino mula sa isang airport sa Houston na ipinangalan kay George H.W. Bush na humanga kay Marcos sa kanyang "pagsunod sa mga demokratikong prinsipyo at sa demokratikong proseso."
9. Pagkatapos kong mailibing at magbigay galang sa aking kamag-anak, pumunta ako sa ibang sementeryo.
10. Sinabi ko sa mga bagong hari at reyna at diyos ng bansa na makipagkita sa akin sa kamposanto, para masabi ko sa kanila, “Narito ang bagong lupain ng iyong kaharian. Itanim nyo ang mga buto. Magdasal kayo na dumating ang ulan."