Ina Barrameda, Antipolo City, Rizal Ina Barrameda earned a degree in Broadcast Communication from the University of the Philippines Diliman and currently works in communications for tech and finance.



Abo


Continue reading › ‹ Collapse

A note from the author: This poem deals with sexual violence, an all-too-common reality for many women in the Philippines and throughout the world. While it is an issue that certainly requires more attention, I acknowledge that this content could be emotionally upsetting, and even triggering, for some readers.

           
           
           
           
           
           
           
           

Abo

           
Naaalala mo pa ba ’yung unang beses ka
na sinabihang, tiisin mo na lang?
Ngumiti ka naman. Huwag kang aayaw.
 
Pigilan-mo-ganda.
Sanayan-lang-yan-ganda.
Pagpasensyahan-mo-na-ganda.
 
Paano kung sumabog ang bulkan?
Mga batong nagsisihulog, mundong lumiliyab,
Amoy mo ang sulpuriko sa balat niya.
 
Huwag kang aayaw.
Isa sa tatlong babae ang napapasailalim
Habang iniipit ka niya
Sa pisikal o sekswal na karahasan
Dumadaloy ang lahar
Mula sa isang matalik na kapareha o
Ang mga kamay na humahawak
Sekswal na karahasan mula sa hindi matalik na kapareha
Ay putik na kumukulo at umaapaw.
 
Ang alaala ay ulap, maitim at mainit
Kaya pakitodo ang aircon sa biyahe pauwi.
Hanggang dito, kaya pa ba?
 
Hindi-tayo-nagkaintindihan-ganda.
Iniisip-mo-lang-yun-ganda.
Ginusto-mo naman-ganda.
 
Anong gagawin ko sa libo-libong
Gandang naipon sa kapipiga ng tiis
Kung sa abo lang rin pala lahat mauuwi?
 
Mahigpit akong kumakapit
Sa bawat alaala kahit humupa na
Ang usok, hindi ako ngingiti.
 
Ang lupain ay patag at tahimik
Ngunit dala-dala ko ang natitirang baga,
Ang balat ko ay mainit-init pa rin.
           
           
*
           
           

The italicized lines are excerpted from “Devastatingly pervasive: 1 in 3 women globally experience violence,” World Health Organization, March 9, 2021, https://www.who.int/news/item/09-03-2021-devastatingly-pervasive-1-in-3-women-globally-experience-violence/.