It’s been a tough year. But, never mind, we are Filipinos, we always stand up. – PBBM at the Annual Malacañan Christmas Tree Lighting Ang naririto’y putik, mga larawan, banlik, mga katawan, malalamig na halik, ang paboritong laruan ng nawawala, nilipad na yero’t pawid, marahil pangarap, pangalan. Sisikat ang araw, matutuyo ang lahat subalit huwag mo kaming utusang maghanap ng sariwang olibong mapipitas.