Issue No. 1

Do not fear the sunset

Junelie Anthony Velonta

for the darkness that it brings,
or sail away eastward
tacking on the nameless wind
to outrun the setting sun
and sink beyond the horizon,
past the passing mountain ranges
to the open ocean beyond.
For no matter how wide the sail
or how well-rigged the boat
or, like a fine knife through flesh,
the hull parts the waves two-fold,
the night catches on
faster than the wind can blow—
distant mountains disappear in the darkness.
The voice of the sea becomes your own
in this darkness where
there is none but you and the wind,
whispering its dark will into your ear
with visions and sounds to remind
that you are alone,
that when the winds whip harshly
and when the boat is upturned,
that your screams out on the open sea
will turn to mist and dissipate
into the blowing wind and rising waves
until the farthest boatman hears no scream
but fears the faint whispers in his ear.
Though, in the dark, the waves shine
silver-white under the moonlit night
and with their motion you look up to see
the stars dotting the endless darkened sky.
As if a guide and by design of the teachings
when you sailed at night
accompanied by someone wise
who knows of ways to read the sky, 
you remember that the stars have names
and like the sun, they rise up East
and slowly sail towards the West
to slumber there, beneath the sea.
Now, there from the East begins to rise
the Seven Birds which in their flight
ride on up the nameless wind
until they reach the other side.
By then, you remember
that the Seven Birds do not fly every night
for when the will of the wind blows otherwise
there is no western route that the Birds can fly.
As the Seven Birds have a name
so too does the only wind that carries them,
and thus, the nameless wind was then named
by the ancients who have passed: Amihan.
And by facing Amihan that blows
a cold wind passing by both of your ears,
you hear no whispers of dark wishes,
instead it is the sail that you hear,
catching the wind and gliding
like a great wide wing of cloth,
facing Amihan as you are and whispering
that you are facing North
for Amihanan lies before your eyes
behind your blindness in the night
for that is where the wind blows from
and where the stars lie still in the sky.
Thus, by sailing East, you know West,
and by listening you find North,
and as the stars see to your safety
that you do not yield to your fears,
the dark whispers fade into the wind,
replaced by the voice of your sail
which speaks where you are and where you face,
and you find that the night is silent
and in the darkness the stars shine,
when you see no evil in the shadows
and do not cast your fear into the night,
and by braving the night, you learn the way
whether it be back or forward,
towards the sun or into the night,
in flight of fear or to face it,
over the sea and under the sky.

Junelie Anthony Velonta was born  in Dumaguete City. He graduated from Philippine Science High School—Central Visayas Campus in 2015 and is now pursuing a Physics degree in Silliman University. To this day, he aims to unite his passion for language and the sciences while wondering if sharing Rizal's date of birth is a sign of what he can be.

Read more >

Manoy

Victor Barnuevo Velasco

Once again I searched your name
in a map I kept in my wallet
for years.
            I evened out creases with my palm
            and calculated your distance
            with my fingers.

Yesterday, I thought I heard your voice
complaining about the heat,
but it was only I realizing
            I was much older now
            than the day you died.
            How much longer before the monsoon?

Remember how winds emptied
in Caramoran? Remember how typhoons
are named? Remember
            how we tracked the numbers
            as the weight of air matched
            the barometer of our reticence?

We practiced the signals early and often,
orphans before our fathers died.
Number one and we weighed down
            roofs. Number two and we prayed
            to saints. Number three
            and we huddled in silence.

We signed our last confession
at dawn when the roof was blown
into the sky, but in the morning
            the house remained a splinter
            from where we waved at neighbors
            sorting wreckage for home.

Manoy, how much of memory is sorting,
how much is bidding away time,
and how much is dreading the rain?

After a typhoon we swelled to the river.
You plunged right into your mark,
I aimed at murky water,
            trailing as I have always trailed
            your footsteps for six years,
            only to hit surface gravels.

Blood flowered on mud like tendrils
exquisite and terrifying.
You snapped a guava branch,
            chewed the leaves into paste
            and balmed my peeled skin
            without reprimand or appeasement.

Manoy, every now and then I searched
your name in maps. Yesterday
I evened out the scars on my knees,
            the ones you mutely tended, indelible
            as the mark of your absence. As the love
            that you could only sign in silence.

Victor Barnuevo Velasco reads a lot, writes a little, joins visual art exhibits when invited, and curates art shows every now and then. His prose and poetry have been featured in print and online journals such as Ani, Bicol Journal of Literature, Graphic Reader, Impossible Archetype, The Kuwento Book, An Anthology of Filipino Stories+Poems, Migozine, Mollyhouse, Philippines Graphic, Santelmo, and softblow. An exhibit of vintage photographs on Philippine martial law which he organized is currently touring the U.S. He is a founding member of Albay Arts Foundation.

Read more >

Dalawang tula

Tresia Siplante Traqueña

Sugat

Sa sandaling masugat
Ay huwag kang mababahala.
Huwag nang mag-abalang
Kumuha ng kahit ano
Para takpan at pigilin
Ang pagdurugo.
Kabisado ko
Ang bawat bahagi
Ng akin.
Hayaan mong umagos
Ang sariling dugo
Sa gilid
Para kusang
Maghilom.
 
 

Salamin

Sa salamin,
Sinasalat ng titig
Ang parteng tinitingnan
Ng lahat.
Para paulit-ulit
Na may hanapin.

Malinaw sa akin
Ang hindi makita ng iba.
Ngunit masigasig sila
Sa paghahanap
Ng mga bagay
Na hindi ko makuha.
  

Si Tresia Siplante Traqueña ay kasalukuyang guro sa Senior High School. Naging miyembro ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) taong 2019. Ang ilan sa kaniyang mga tula ay nailathala sa Aklas (The Torch Publications), Ani 41, Baga: Mga Piling Tula mula sa LIRA Fellows 2018, Balaraw: Mga Tula at Dagli sa Panahon ng Pandemya at Pasismo ng SWF UP Diliman, Philippines Graphic, at The Sunday Times. Ang kaniyang kauna-unahang koleksyon na Lansangan at iba pang tula ay nailathala noong 2023 ng PUP SPMF- IPR-Copyright, Editing, at Produksyong Pampanitikan.

Read more >

Duwang tula

Andres Tapales Traqueña

Lugad

Binikol hali sa gibo ni Tresia Siplante Traqueña
 
Sa apurang malugad
Ay dai ka mahagas.
Dai na pagproblemahong
Nagku-a maski ano
Para itago buda papunduhun
Ang pag-ilig kan dugo.
Maaram ko
Ang mga parte
Kan sakoya.
Bayaan mong mag-ilig
Ang sadiring dugo
Sa gilid
Para kusang
Magrahay.
 

Tokador

Binikol hali sa gibo ni Tresia Siplante Traqueña
 
Sa panalmingan,
Binabati kan butos
An parte na minamaanan
Kan gabos.
Para balik-balikan
Na may hanapon.

Malinaw sako
An dai mahiling kan iba.
Pero pursigido sinda
Sa paghahanap
Kan mga bagay
Na dai makua.

Si Andres Tapales Traqueña ay ang mabuting ama nina Tresia at Audle tubong Virac, Catanduanes. Nagtapos siya sa Catanduanes State Colleges na ngayon ay Catanduanes State University sa kursong Electrical Technology.

Read more >

Ayon

M.J. Cagumbay Tumamac

Alikabok

ayon sa isang “Hinakop nga Haiku” ni Generoso Opulencia
Yab-ok kag udto,
Daw dinasok sa plastik
Sang manogputo.

1.
Sumisiksik sa mga singit at sulok ang yab-ok
ni Opulencia. Mananatiling alikabok
ang alikabok kanino mang mata
ang mapuwing, at pinakamatalab
kapag nakatutok ang araw sa mata
ng sugat na nagnanaknak.
 
2.
ginháwa. [Cebuano, Hiligaynon] hininga

Inilulan sa barko ang mga taga-Luzon at Visayas,
baon ang pangako ng ginhawa:
ang hulagway ng Mindanao—mga bungang
bumabagsak sa lupa at dagat ng mga isda.
Bumungad sa kanila
ang parang ng matitinik na halaman
at ang lambong ng pinong-pinong alikabok.
Sinubok kaya nilang ipasok ang ulo
sa supot? Paparam ang ginhawa.
 
3.
Pagpawi sa lamig ng magdamag
ang inilalako ng magpuputo.
Sa umaga, ginhawa ang hiningang
ipinapawis ng mga puto sa supot.
Noong bata, natural na naising
naisisilid sana sa supot ang sandali
nang mapakawalan sa magdamag.
        
 
 

Lisan

     
1.

Sa isang awit, ipinagpalit ni Tudbulul ang kapatid sa mga sandata ni Datu Busaw, mapigil lamang ang pagkawasak ng Lemlunay. Hinilom ng kapatid ang halimaw sa loob ni Datu Busaw, na muling nabuhay bilang Tegingkan. Umanib si Tegingkan upang labanan si Datu Lókó Tegedung. Nadampot ang kanilang mga kapatid. Tinutunton nila ang tumakas sa isang mahabang paglalakbay. Sa huli, nagapi si Datu Lókó Tegedung at umuwi si Tudbulul sa isang pagdiriwang.

      
2.

Ayon sa mga iskolar, marahil kailangang lisanin ng bayani ang bayan nang mahanap ang sarili.

      
3.

Mga walong taon ako nang unang nagtangkang lumisan at hindi nagbalak na bumalik. Ang layo mula sa tarangkahan ng bahay: isang tawid sa kalye. Wala akong dala. Nagwawala. Hindi ko na matiyak ang dahilan. Hindi na marahil kailangan. Ang mahalaga, nananatili sa alaalang umuwi akong wala na ang sarili.

       
     

Michael

Mayroong mga panahong kailangang kumatha
ang alaala ng mga akala. Walang malay noon si Lolo,
sa isang bersiyon ng isa kong alaala, na hindi lahat
saging ang karga niyang sako pauwi; may limang taong
ako, na nagpakita lamang nang tuluyan nang nakalayo
ang pampasaherong van, kaya kinailangang kandungin
ako at isiksik sa ilalim ang saging, tulad ng ginagawa
sa mga dala-dalahan at walang malay na paslit (ako,
ngayon: bakit nagdala si Lolo ng mga saging at paanong
hindi niya nabatid ang aking bigat?). Kinailangang
ipabatid ni Lolo sa Dadiangas na walang nawawala.

Iniwan ako sa paanan ng bundok at doon nakilala
ang malalapit at malalayong pinsan, anti at angkol,
at ang unang kaibigan, ang katukayong si Michael;
at ganito lamang ang alaala naming dalawa: kinakagat
namin ang tubóng ibinigay ni Lolo pagkatapos dalawin
sa payag nito sa itaas. Sabi nito: kailangang makababa
bago magdilim nang hindi mailigaw ng mga hindi katulad
natin, kahit nagpapanggap silang mga katulad natin.
Habang sinisipsip ang tamis at iniluluwa ang tabang,
hinigop ang paa ko ng putik ng palayan kaya kinailangang
hatakin. Agyamanak, ako. Siempre, si Michael, gayyemka.

Di na muling na(gpa)kita si Michael. Maaaring wala na sa malay
ni Lolo o mga kamag-anak nang tinanong sila. Natagpuan ko
na lamang ang sariling umiiyak dahil Lunes at kailangang
ibalik sa Dadiangas upang pumasok sa klase kahit wala
akong kaibigan doon. Hindi ko na natiyak ang alaala
ni Michael kahit ilang ulit binalik-balikan ang Maitum,
lalo na sa mga panahong mag-isa na lamang at mayroong
sarili nang upuan sa van. Mayroon ngang mga panahong
kailangang kumatha ang alaala ng mga akala at piliing hindi
alalahanin ang mga itinuturing nating katotohanan.

M.J. Cagumbay Tumamac is a writer and reading advocate from southern Mindanao.

Read more >

Duha ka binalaybay

Orland Agustin Solis

Agua De Mayo

Nagtubod ang kalangitan nga abo
naghaplak sa nagabagtik nga litik sang duta
ginsuyop, ginhigop sang nagapanagitlon
ba-il nga gina-uhaw.

Naglagtik, nag-agsik sa nagabaga-baga nga bato.
Nag-aso, nagbugnaw, nabanhaw
ang kayami nga nagapamukaw
sa mga sapat-sapat nga nagapanago sa iya buho.

Naghawan ang kalangitan,
naghupa ang nagadaba-daba nga kainit;
nabanhaw ang urok sang mga paka
nga nagapaliwa-liwa sa talamnan.

Nagdu-aw na ang nahauna nga ulan sang Mayo.
Nag-ilig na sa mga dahon ang mapagros nga tinulo
kag nadagdag sa kinahon sang humayan.
Buas, magabaliskad ang mga ba-il

kag magatubo ang bulong sang mga gutom.
     
     

Panghayhay Lamang

Panghayhay ang sabat
sang maluya nga mamumugon
samtang nagahawá-hawá ang pagginhawa
agud ang agalon makakaon.

Panghayhay ang pagbato
sa mga pasalig sang agalon
nga matam-is pa sa duga
sang ginapas-an nga tubo.

Panghayhay ang balos
sa nagarinagu-ok nga tiyan
samtang ginabayaw ang garab
pakadto sa anihan.

Orland Agustin Solis is currently pursuing a BA in Literature at the University of the Philippines Visayas. His writing has appeared in Nonrequired Reading in the Time of COVID-19 (Volumes 2 and 3) from Kasingkasing Press and in Talinghaga ng Lupa: Mga Tula from Gantala Press.

Read more >

Pag-lila

Elaine Valerie Ramos

ala-ala sa nasulat
Pabating namaalam ang gabi, sumisilip sa
dahan-dahang pagpapaliwanag ng langit. May pagka-
daldal ang katahimikan na himong, Ping!
handang magpahiwatig ang talulot ng damdamin.

Kinamusta. Ting. May smiley-heart-hug. Ting!
Tanong? Ting! Tanong? Ting! Tanong? Ting! Ting! TIIIII-
NG! Bago pa Ring! bumango- Ring! Ring! Ring! -n.
Lila nang lila sa nagniningning na screen. RING!

Labis man, Ding!, lanta- Ding! -d.
… Ding! Nabasa na ang mga akda sa dingding.
Sa dami ng pinamulaklak, na-mani pa. Ding.
Nakalimutan kong pumapagitan ang dingding.

Nawala na ang mga nagsusulputang lila
nayaring niyari rin ang sandali na
isang sandaling lumipat na
sintagal lang ng wala.

Pang-ilang pagliwanag pa ba? Imik!
Mag-lo-low bat na, may uusbong pa ba? Klik.
Litrato lang.
‘la.

Elaine Ramos is the poet behind “Pag-lila.” When she is not crocheting, knitting, taking care of her plants, or spending way too much time on her computer, she writes poems to help her organize her thoughts and experiences. She lives in Marikina City with her parents and sibling.

Read more >

Gabriel

Renzo Quima Prino

Makailang ulit mo nang hinawi ang mga agiw
ng pangungulila na napagkit sa mumunting silid
sa aking pagkatao. Sa tuwing kakatok ka,
numinipis o tuluyang naaalis ang sinsin ng alabok
ng pag-iisa. May sinag na nakalalagos sa siwang
ng aking pintuang ni minsan ay di ko binuksan.

Marahang-marahan kang lumalakad sa loob
ng aking bahay na panay patay ang mga kulay;
at sa tuwing hahakbang ka'y sabay na nagkakabuhay
paisa-isa ang mga ilaw na may sari-saring kulay at hugis.
Nasisilaw ka ma'y naaaninaw ko pa rin ang ngisngis

sa iyong mga labi. Sa ganitong tagpo, lumiliwanag
nang lumiliwanag ang mumunting silid sa aking pagkatao.
Nais kupkupin kahit balangkas ng iyong anino.

Sapagkat ikaw ang tahanan maging sa aking pananaginip:
sa aking tabi, pinagmamasdan kita habang naghihilik.
Bago pumikit, isang halik sa noo mo ang aking dinampi.

Si Renzo Quima Prino ay nagtapos ng kursong AB Filipinolohiya sa Polytechnic University of the Philippines Manila at kasalukuyang chat support sa isang BPO company. Naniniwala siyang nakapagliligtas ng buhay ang tatlong bagay na ito: aklat, pelikula, at jigsaw puzzle.

Read more >

Yutang Kabilin

Mark Andy Pedere

Para sa Sitio Tangan-Tangan, Tarlac
Dumadagundong!
Ang mga yabag na taliwas sa amoy ng kanayunan, 
Estranghero sa mata ng mga hayop at halaman.
Pati ang síkat ng araw na kaylalim tumusok ay lumamya,
Umurong nang bahagya — nagtago sa ulap na nagsilbing manipis at kupás na kumot
Subalit sumisilip pa rin, paunti-unti
Sa kung paano dahan-dahang nilalamon ng higante ang katutubong lupa na para sa amin.

Unang tagpo: paghahanda

‘Nay! ‘Tay!
Nakakita po ako ng higante sa ating bakuran:
Balót ng damit na kulay dilaw, 
May matatalas na ngipin, walang tumutulong laway o umaalingasaw na baho
Subalit damang-dama ng kayumanggi kong balat ang pagtindig ng balahibong tila 
sundalong takót;
Ang halos luwáng buto ng tuhod ay nangangatog,
Sinasabayan ng pabalik-balik na tilamsik
Ng diwang walang-muwang, nagtatanong:
Bakit may bumisita sa amin nang biglaan?

Ikalawang tagpo: pagkain

Niyugyog!
Ng umagang balót na balót ng naghahabulang hamog ang aking katawan, 
Tila nagnanais na ipáko ang aking mga paa habang sinasaksihan ang walang 
      humpay na pagkalaykay;
Ginugutay-gutay ang mga halaman at púnong tumubo mula sa pag-inom ng tubig-ulan. 
Tinataga ang mga hitik at sariwang bunga, 
Hinuhukay ang mga bundok, sinasaksak ang pahingáhan
Na para bang katumbas ng 
Pagtusok ng daan-daang karayom sa aking ánit, 
Pagsabunot sa kulot kong buhok, 
Pag-untog at pagbasag sa aking bungo.

Ikatlong tagpo: pag-inom

Dinig ng pudpod kong talampakan ang pagkabasag ng rabaw ng sapa. 
At ang napipintong serye ng araw-araw na pagtampisaw sa ilalim ng bughaw na 
      kalangitan, pinalilibutan ng berdeng kapaligiran, 
Mawawala! 
Sinimot ang tubig na pumapawi sa uhaw na tribo, 
Bundat na bisita, nilagok lahat — walang itinira.

At ang mga sumunod pang tagpo:

Nanganak ang higante!
Nagpatuloy sa pagkain, pag-inom, at paglamon
Na para bang hindi kami tumulong sa paghabi ng kahapon. 
Walang tigil
Walang tigil
Tinaboy kami na parang aligagang mga langaw na paikot-ikot sa kanilang hapág. 
At sa sandaling dumapo sa kanilang itinuturing na kanin at ulam:
Mapipitik, mapipisat, malulunod sa sariling dugo,
Pagtutumpukan — lalangawin din.

Nagugulumihanan!
Kultura ang aming yaman, lupa ang hingáhan
Subalit kinikiliti ako ng bukang-liwayway:
Nakatira ba kami sa isang malaking pinggan?
Kung gayundin naman, nawa’y sa susunod na pagdighay ng mga bisitang gutom 
      na higante sa aming bayan ay matiyak ko na:
Busog na kaya sila?

Si Mark Andy Pedere ay isang 18-taong-gulang mula sa NCR. Dahil sa kaniyang hilig sa pagsusulat, naging bahagi siya ng pahayagang pangkampus noong elementarya at hayskul at naluklok bilang Patnugot ng Lathalain. Nagwagi na rin siya ng gantimpala sa kategoryang Kabataan Sanaysay sa taunang Don Carlos Palanca Memorial Awards. Sa kasalukuyan, isa siyang first year college student sa University of the Philippines Diliman na kumukuha ng Associate in Arts sa Malikhaing Pagsulat sa Filipino.

Read more >

Sa Mga Puwang ng Pag-alala sa Pag-aabala

Dorothy Parungao

            nagising ako sa isang mundong nakatila.
Sa TV, gumuguhit ang mga grapo ng stock market
            na parang kidlat—ang matematika ng paghuhula.
Sa radyo, sabi ng mga eksperto sa panahon, 
            asahan ko na may pag-ambon sa
hapon. Kayâ naman, dalî-dalî, ang boses sa
            kusina, 'yung mga sinampay, magdidilig pa man 
din ako ng mga kuwan! Hindi ba, ang pagguho
            ay isang sandali—ang ekonomiyang, parang
singaw ng lupang mainit bago ang pagbuhos ng 
            ulan, parang halumigmig. Ngunit dito lamang,
tulóy ang pagtili ng takure at pag-ugong
            ng washing machine. At ito nga, sa parehong
hápon, ayon sa mga eksperto sa salapi, nasa
            resesyon na ang mundo, ngunit tulóy pa rin ang 
pamumulaklak ng gumamela sa labas na
           matiyagang naghihintay ng dilig. Kung may bayad 
lamang ang mga gawaing 'to, rugo, matagal
           na akong baón sa utang.

Kinalakhan ni Dor ang mga kuwento ng pagbaba ni Sinukwan mula sa Bundok Arayat. Hanggang ngayon, ninanais niyang huwag siyang mawalan ng mga salita para sa karagatan, mitolohiya, espasyo, at pagkababae. Kung dumating man ‘yong araw na ‘yon, baka kailangan niya ng paalala na makinig pa nang mas maiigi. Makikita ang iba pa niyang akda sa Heights, at para sa mga iba niyang gawa: tinyletter.com/sandali.

Read more >

Basin Ako Makalimot

Raissa Avery Derder Marfa

Ipagawas ang Lily's Peanut Butter
Hiwaon ang mansanas sang walo ka piraso
Papason ang mga kuriskuris sa pader

Ibulingon ang puti nga towalya nga may buwak nga burda
Andamon ang puwa nga biyong ig alas singko-kinse
Ablihan ang radyo para sa balita ig alas sais sang aga

Gyot-gyuton ang patatas nga gipabukalan sang kinse minutos
Ihuwad ang arinola dapit sang kulo nga kahoy
Pangitaon ang Pau D'Arco na panghapyas

Itago ang nahabilin nga putos sang Marie nga biskwit
Hipuson ang mga hampangan ni Shasha
Ilabay ang gingamag nga sopas nga may dyutay nga kibit

Kuhaon sa China cabinet ang ika-singkwentay sais nga pahina sang Bisaya
Isyod sa sobre ang titulo sini nga biyai
Silhigon ang mga balhibo ni Shasha sa sopa

Basin may makalimtan pa ako
Nipalapit na ako sa iya
Mintras nagliso-liso siya
Sang singsing sa iya tudlo
"Molakat na kita?"

Ang akon tubag -
Tam-is nga ngisi para sa iya
Nga adlaw-adlaw nakon
Dili makalimtan ihatag
     
     

I Might Forget

translation by author
Bring out Lily's Peanut Butter
Slice an apple into eight pieces
Remove the scribbles on the wall

Put the white towel with an embroidered flower in the laundry
Prepare the red medicine at five thirty
Turn on the radio for the six a.m. news

Chop the potato that was boiled for fifteen minutes
Pour out the chamber pot near the breadfruit tree
Look for the Pau D'Arco liniment

Keep the remaining pack of Marie biscuit
Arrange Shasha's toys
Dispose the moldy bread with a small bite

Get the 56th page of Bisaya from the China cabinet
Keep this house's title in an envelope
Sweep Shasha's hair off the sofa

I might forget something
I approach her
While she is twisting
The ring on her finger
"Are we already going?"

My answer -
A sweet smile for her
Which every day
I never forget to give

Raissa Avery Derder Marfa graduated with a degree in Economics from De La Salle University. She constantly explores writing in Bantayanon, her mother tongue, and has been a fellow for the 1st Cebu Writers’ Workshop. She was born and raised in Cebu.

Read more >

Dalawang tula

Mahika Realismo

Asin

Ang sabi ni Nanang, bawat butil ng asin na natatapon at nasasayang ng isang tao'y kailangan niyang pulutin pagsapit niya sa purgatoryo. Ngunit tiyak ko rin sa lasa pa lamang ng aking luha, pawis, at dugo, magpupulot ako ng asin. Sa pagpapagal ko, siguradong sa kabuuan ng aking buhay, ang aking malilikom sa aking luhang iniluha, pawis na ipinawis, dugong idinugo'y sapat na asin upang magdanggit at daing ng isdang makakain sa pansamantalang pananatili sa purgatoryo.

Ngunit paano silang nagpadugo't naghasik ng dugo? Silang dahil sa pawis ng iba'y hindi kinailangang pawisan? Silang nagpaluha nang nagpaluha sa danggit lang ang mauulam? Sila'y sa purgatoryo na mabuburo! Walang puknat na magpupulot ng asin sa ilalim ng tirik na araw na magpapatagaktak ng pawis, magpapaluha ng mga mata't magpapadugo sa mga hiwang latay sa kanilang likod. Lahat ng mga pagpatak na ito'y muling magdadagdag ng butil sa kanilang pupulutin. Sakaling matapos ma'y guguho ang kinatatayuan nila dahil sa bigat ng asin at saka bubulusok pababa. Bubulwak muli ang asin na kanilang kailangang pulutin.

     
     

Huling Hapunan

Pinagputol-putol at ibinigay niya
sa labindalawa. Sinabi niya: Kunin niyo,
kainin niyo. Ito ay aking katawan.

Kinuha niya ang baso at ibinigay
sa labindalawa. Sinabi niya: Uminom kayong lahat.
Ito ay ang aking dugo.

Nakasara ang lahat ng pinto't bintana,
ang tanging liwanag mula sa gasera'y
aandap-andap sabay sa panginginig
ng labindalawang batang nakayakap
sa ina. Napaupo ang lahat sa parisukat
na papag nilang mesa, salas, at higaan.
Chop-chop na ama ang nakahapag.

Mahika Realismo ang sagisag-panulat ng isang alagad ng agham na nagtatangkang magsulat sa genre ng tula at dagli. Lumabas ang ilan sa kanyang mga gawa sa Katitikan: Literary Journal of the Philippine South at maaaring makita ang kanyang mga tula, dagli, at patutsada sa @MahikaRealismo sa Twitter.

Read more >

Nursery Rhyme

Christine Marie Lim Magpile

Bibe Marumi

sa tono ng "Tatlong Bibe"
May tatlong bibe akong nakita.
Puro putik, marurusing sila.
Sa kanilang pakpak,
Plastik ay nakadikit.
Sabay-sabay nagsabing,
“Yuck, yuck, yuck.”

Tayo na sa ilog dahil marumi.
Pero bibe’y nakatapak ng bote.
Sambit ng mga bibe’y, “Kwak, kwak, kwak.”
Pahiwatig nito ay pag-iyak.
Mga kawawang duck.
     
     

Maliit na Gagamba

sa tono ng "Itsy Bitsy Spider"
Maliit na gagamba,
Bakit di masaya?
Nagkalat ang basura
Saan na titira?
Ang sapot sa sanga,
Bakit kulay pula?
Maliit na gagamba,
Puno ng pangamba.

Christine Marie Lim Magpile graduated Cum Laude from the University of Santo Tomas and finished a Bachelor of Science in Secondary Education (BSEd) major in History and minor in Religious Education and School Guidance. She has finished her academic requirements for MA in Counseling at De La Salle University. She is currently finishing her MA in Araling Pilipino from the University of the Philippines, Diliman. In 2018, she was a fellow at the 6th Angono Writers’ Summer Workshop as well as a writer’s fellow of KATAGA (Quezon City Chapter). In 2019, Magpile became a fellow for La Salle Kritika National Workshop on Art and Cultural Criticism. She was also a fellow for Filipino creative nonfiction in the 2008 UST National Writers’ Workshop. Aside from teaching Social Studies and Filipino, Magpile is also textbook author, creative writer, editor, and translator.

Read more >

A Letter From Your Doomed Sister

Andy Lopez

            Listen: one daughter to another. Pith of my pith.
We've suckled the same marrow. So what if these horns catch on your hair
and you chew on all my good shoes? In the end, it’s you I want
when they take everything      but my name. This loose          tooth.

They call it the great forgetting            how all girls
            on the cusp of womanhood      lose their faculty
for anger.            Dumplings unravelling in the broth
a pot just on the edge of bubbling. You’ll never hear it          sigh.
Once      we asked mother why she mimes shadows      smiles
at the scorpion’s tail      when it strikes true. The body doomed
before it can write its own name. The sourer the broth
            the giddier the soul, she says
stirring her pot as something desperate
clangs            in her belly.

            Look      already i am willing to make amends            circumvent
the tangle that has brought us here. If a fish forgives its captor
is it no longer lunch? What is a girl anyway but a shape to be beaten into.
Magic bread. I’ll tuck my mold          deep inside          crunch my arrowheads
into a million matchsticks.        When i hear your war-trill
i will aim                                   at my own heart.

            See? There is a window            where my hunger used to be. Tomorrow
they’ll open me down the center          steal my percussion      buff
            my tools          so i can no longer carve footholds         for the devil.
I’ll be pearled              once dirt-tongued        ocean floor stink
now safe-keeper of claws        and ugly things. Yes,
            I swallow.
I just need to          find where my mouth is.

Are you listening? What i’m saying is            when they take the seeds,
do not fold back into the earth            in grief. Train your ears to mime hands
that catch secrets. Even the hiss of oil jumping in the pan

                                                                                                is a message
                                                                                                is a signal fire

to take this recipe and run        to the first tree            with the first wound
thumping with sap        where all women lie              soft-scabbed, planting crops
in each cosmic hurt              and all women hurt        All women        braid
memory as lifelines              have much too many teeth        to eat
so eat              won’t you? This pot blistering
with mother’s good knives.
            Won’t you lick the bowl clean?

Andy Lopez is a writer and advocacy communications manager from the Philippines. Her work has been published in CHEAP POP, Non.Plus Lit, and other magazines and anthologies. Find her on Twitter at @andylopezwrites.

Read more >

Dalawang tula

Ivan Emil A. Labayne

Panatang You Know

Under the tutelage of da amerikans
Nabingi ako sa dami ng tutuli.
Na-lost ako sa eypol at hanesti,
Feeling ko ‘di na ko
Naging tapat sa sarili

But really, oks lang din naman
‘pag wala na akong time magluto ng dinner
At least may happy meal delivery.
Berigud nga raw ako sabi ni ti-cher,
dahil alam kong “went”
ang past ng “go” at hindi “goed.”
Game na game na ‘kong makakuha ng papel
certifying that I am excellent in English.
Excited na akong maging BPO worker—
kahit ‘di na grumaduate—
as a booming call center agent.

E kung marami lang trabaho
at nakakabuhay ang pay
Sana nag-art na lang ako,
or reflexology.
Kaso ang mahal ng rent
chaka ng mabagal na Internet.
Kaya heto, tiyaga-tiyaga muna
sa graveyard shift.
Humina man ang resistensya ko
At least may bagong smartphone model
to avail.

Labyu amerikans.
‘di nyo kami pinakawalan.
Sana magtayo pa kayo ng maraming
bridges, sementadong daan o hightowers.
Sanay naman kaming tumingala
At gaya nga ng turo sa amin simula bata
Ano na nga ba ‘yun?
Para sa inyo ang lahat ng panata
Sa isip, sa salita, at sa ngawa.
     
     

Morning dinner, fresh

Everything I cook, I burn
It’s 10:47 and we are preparing breakfast
Leftover tofu from last night
Maybe as dismal as dinner from ages ago
Maski yung tofu, looking unexcited to be eaten
I put on the stove, fire hurrying too
Like me, staring at a known deadline
            —work, work, work,
            woke up like an alarm clock,
            blaring but lifeless.
Work, work, I woke with weakness
The fire, the fire! I forgot to hire
Someone to remind me—
Pang-gising lang ba ang alarm clock?
‘di ba pwedeng pang-remind na rin?
Huy, may sinalang ka sa kalan!—
remind me, the fire is burning,
my stomach where I’ll soon put 
last night’s tofu leftover, grumbling.

Everything I cook, I burn
This tofu, tonight’s lunch,
Yesterday’s dinner
Kelan pa ba ako matututo
What I have learnt…
Unti pa lang, so far
Ang oras, umaandar.
Later I’ll toast sandwiches
Mayonnaise, mozzarella, and butter
Siguro kamatis din, unting lettuce
para healthier.
Babantayan ko ang oven
Ayokong everything I cook, I will burn
I will count the stars, the orions,
The bulalakaws and saturns.
Hihintayin ko ang sandwich
na hindi amoy-sunog.
Magiging malinamnam ‘to.
Tulad ng feeling after sumingha
ng makapal na uhog.

Ivan Emil A. Labayne is part of Pedantic Pedestrians and Ibong Adorno. He is a freelance writer and researcher, maintaining columns in local weeklies Baguio Chronicle and Northern Dispatch. He received an MA in Language and Literature from University of the Philippines Baguio and is pursuing a PhD in Philippine Studies at the University of the Philippines Diliman. His creative and critical works have been published in Cha: An Asian Literary Journal, The Cordillera Review, Jacket2, Katipunan, Kritika Kultura, and New Mandala. He blogs here.

Read more >

sounds like/tunog

Christine Imperial

i.
     
utang:              hang / up the ph / one means / i can / not be re / trieved / sieve
                        through / bron / chi tease / s out / toxi / city / plea / se breath / e th / e
                        spir / it / out

ng:                   con / nects ne / ck to ch/ est stran /ge / stai / ns in th / is hou / se
                        fou / nded on grad / ien / cy

loob:                k / nob turn /s left le / ft do / or op /en stran / ger caugh / t me p / eek
                        th / rough / blind / s tri / es a / sk / etch ou / t o / f e / lec / tric / al wi
                        /res a so / ul coils a / ro / und fru / it fall / en dow / n pla /stic tr /ees
     
     
ii.
     
hi-rap:             the i / not like hi / but / hee breathe squeeze the / breathe / ing
                        wraps the lary/ nx like a riddle sphinx the answer / too hard the
                        answer / on / hold / on / or

tu-long:           correct my wrongs / for / too / long / i heard only soft / coughed
                        / out son / nets at / a for / eign pace / patience

lu-pit:              or lu / pit / not ip / it repeat / ed stuck too / hard / on dif / fer /
                        ence de/ fer / ence / physical / ly educate / d kow / tow

ta-o:                not tao / but two syl / lables bounce / ing around / like children
                        sound / ing out vowels to / re / hearse real / words

pa-sen-sya:      na / uncle / when he land/ ed in los / ange / les less confi / dent
                        had to pause / abrupt / make way for / where na/palang/diba /
                        would be / placed / / in ab / sence

si-gaw:             not allowed / to shout / counts back / wards from one / thou /
                        sand to sand down im / pulsing / over some / thing un / named

bu-lol:              lo / la keeps again / st threat of / losing an / other / called out of
                        a cub / icle in L / A long dis / tance call about / mother can’t cry /
                        between err / ands in the car / tongue unknott / ed / / swallows /
                        what calls/ itself feral /wail

da-ram-dam:   what words / can / not grasp can / not re / main must / hollow
                        space / gaps on / to which / fingers fold /

sa-li-ta:            i / mutt / er my noise / an / noys me / turns red / turn / every /
                        thing / in / in / difference i / m / plode

Christine Imperial is an incoming Cultural Studies PhD student and Dean's Distinguished Graduate Fellow at UC Davis. She holds a BFA from Ateneo de Manila University and an MFA from CalArts. Her debut book Mistaken for an Empire will be published with Ohio State University Press's literary imprint Mad Creek Books as the 2021 Gournay Prize Winner.

Read more >

Confessions to Lourdes Libres Rosaroso

Miguel Barretto Garcia

Continue reading › ‹ Collapse
               Sal (n., Spanish) salt.
I.

Here, sa cusina, the sal confesses its sins:
                        Pasayloa ko. They say, a centavo inside
            One’s bulsa has become more of a cliché,

Buslot ang bulsa, but asa ang cuarta
                        But blind, deep in the fishing grounds
            Crowned with coral thorns, and sa gawas,

Ang coral sa among silingan, slinging to
                        Our dinner table an entire bandejado of
            Dirt and coal, apan kuwang ni, the belly

Moans, kuwang ni kay we need more rice,
                        And ang kaha nahupsan na og tubig,
            Pasayloa ko, says the sal, because what

Is left at the very bottom is a bed of
                        Knives, dismembered into heaps of silver,
            Naa ma’y valor, tuod man, apan there is

No bread, there are only heads of men
                        Holding their postures upright like
            A round of fruits for a rotting New Year.

II.

“Bag-ong kinabuhi” is no fortune cookie
                        Ug nibaga na lang ang balloon sa
            Akong baga, and it did not burst,

It collapsed like broken windows, sharded
                        Sa ka-ma’yng laki of men. Kay wa
            Ma’y pan lagi. There is a need for bread,

Because even in the land of the dead,
                        Tuslobun gihapon sa patay ang lapok
            Og pan, dilaon gihapon nila sa bung-

Bong ang nagpabiling paglaum, pahiyom
                        Na lang, at least, there are edible bodies
            Sitting on the table, dancing naked like

Children wanting to play with the monsoon.
                        Kay ang ulan, sulti sa akong Lola, are
            Pods of shrunken angels coming to bathe

The chapped tongues of break back soil.
                        ‘Saon man na ang pan kon wa’y
            Tubig, she would say. Ma-uga ang tutunlan.

III.

And there would be no land to till.
                        Relentless, gahi’g ulo akong Lola—
            Gipuno niya ang planggana until

The plenty softens into a mirror
                        Of ruptured dreams, apan gikan na
            Sa singot, ana siya. No water ripples

Without fingers falling down as
                        Sweat. Learn from the Angels, she
            Said. They are not there by Grace,

But the firmness of wings and
                        The stubbornness of ringlets. Pag-ingon
            Ana if you want the ripple to echo

Your name on galvanized sin,
                        Pasayloa ko, says the sal. But when dry,
            Raindrops scooped by the planggana

Are fallen angels heaped as a column
                        Of sin, because they turned away sa
            Ilang Amahan, to be seasoned sa atong

Inun-unan, to live among the ordinariness
                        Of men, their ordinary troubles, and
            Naordinahan na lang ang Obispo,

Apan ordinario lang gihapon
                        Ang dugo sa copa, the vino lamented.
            Hain na man tawn ang Manluluwas?

IV.

The bread had asked, but roses had
                        Wilted after a thousand year wait
            And ang laya had hardened into stone,

Hardened into bone ug giumom sa iro
                        Ang handumanan sa iyang dila, kay
            Dugay na wa sa ere ang kagumkom

Na chismis sa atong silingan. Niagi
                        Ang kahilom, but then came the birds,
            Wasting their talents by the window

Sill. Silian ni silang mga yawa, Lola
                        Yelled, Kuwang-kuwang na gani
            Diri, muhangop pa gyud sa dyutayng

Pagkaon sa atong atubangan,
                        But every day is always an act of
            Facing. The farce begins with

The focusing of the meal until each dish
                        Shivers and ghosts into an evaporating,
            And what we have left is a mirage on

The table, a coping mechanism, a migraine
                        Kay di lalim sa tiyan mudug-ab og hangin,
            Especially if all we have sa cusina for a meal

Is air. Ug paglaum. Kon isuka pa ni,
                        We are empty again. ‘Saon na lang ni,
            Kining stubbornness will to breathe,

To be. Tubig. Tabang, tubig, kay giuhaw
                        Ako. Pasayloa ko, says the sal sa iyang
            Cumpisal. Mao kini, ang akong suliran.

Miguel Barretto García writes poems in English and Cebuano, and has performed in both London and Switzerland. Their poems have appeared or have been accepted in wildness, TLDTD, Poetry Northwest, RHINO, Rattle, The Seventh Wave, The Quarterly Literary Review Singapore, among others. They are currently moving to pursue a postdoc in decision neuroscience at Washington University.

Read more >

[Deep in the capital of the dead…]

Jerome Flor

Deep in the Capital of the Dead there are only flowers. I am sixteen forever. Mama makes me her world-famous-to-me sweet spaghetti for my birthday. No processed cheese clinging to the blade’s so-called miracle edge for today. In low-heat heaven, Mama smells of minced garlic. Brown as antiquated vaudevillian reels. Can-can of tomatoes conga lining to the saucepan. Mama doesn’t dance, but she sings Twist and Shout, and Amazing Grace. I jump to the music, and land on the wings of a yellow onion-skin moth. On her lap, I land on a field of cancer flowers. Sampaguitas and floral slippage blooming in her brain. She fears tears streaming down her already sweaty duster as she chops the noble onion bulbs, but I have pleaded with them not to make her cry this time. My only birthday wish.

Nagtapos si Paul Jerome Flor sa Ateneo de Manila University, at isa siyang kasapi ng LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo). Kasalukuyan siyang freelance writer at researcher, at nakatira siya ngayon (hindi lumalabas) sa kanilang bahay sa Cainta, Rizal. Hinihiling niya ang kaligtasan ng kanyang kapwa, at ang kalayaan ng kanyang Bayan.

Read more >

Ang Kulay ng Panibugho

Agatha Buensalida

Pagkat tila tinatangay ng hangin ang ating tikas,
nagiging mga alipato táyong nililisan ng ningas.
Nalalaglag ang ating bait, nagkakalat sa sahig,
sumiksiksik sa mga siwang gaya ng mga abong tumatalsik
galing sa pinipitik mong tabako uma-umaga.
Ngayong inuuban na ang ‘yong tuktok 
at isinusubsob ka na ng sariling balangkas,
nanghiram ka ng mata sa aso, ng lalamunan—
nandidilim ang paningin mo’t umaalulong ka 
sa bawat aninong makikita mo sa gabi.
Hindi ko matunton ang lalim ng buntonghininga ni Papa
tuwing pilit mong binubuhat ang sarili
upang humakot ng uling para sa iniihaw mong mga paratang.
Saang balon ako sasalok ng tubig o magpapala ng buhangin
para isaboy sa naglulumiyab mong dibdib?
Gayong wala nang kilalang pag-ibig 
ang natutupok at napupulbos mong puso.

Si Agatha Buensalida ay isa sa mga aktibong kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Naging fellow rin siya sa UST National Writers’ Workshop at sa Cavite Young Writers Online Workshop. Napabilang ang kanyang mga tula sa ilang publikasyon, katulad ng Antolohiyang BAGA at LILA: Antolohiya ng mga Babaeng Makata ng LIRA. Kasalukuyan siyang abala sa pagiging copywriter ng mga negosyanteng nakabase sa Estados Unidos.

Read more >

Four poems from AMBIENT MOM

Kimberly Alidio

floral hem pearl from
autochthonous mouth
eighty dialects hang
by industrious hair
fish out mucus
silver tap salt
wave trench
fruiting
     
     
*
     
     
happened all tunneled into one
infant for whom sensation fares feet out
upper limit scrunchie
lower limit kneesock
three sentences of 350 pp iterable
prick up at such length
mere worlds ends
     
     
*
     
     
bicycles stream by
weekenders snap purple green cactus
high sculpture on wheels slows the streetcar
waterbirds and cars sonically go
people dress to drink their water
I cannot take credit for any cruel theater
or secure tables for my lover fast enough
we vision each other
on left blade a green jewel point
eye of a panther resurrected
comfort catacombs
gray-greens open overgrow
haul ass arc of joan
     
     
*
     
     
this folding fan has a monocle lens in
each cloudshell blade this prism
bombsight is pocket sized this field
telescope has manga eyes dilated with
teary dots this sextant comes in
threes this replica lighthouse pauses
concentric rippling (bellow ye wickies for
jeweled beams) this gridiron segments a
specked loafer smack there
in the grass rectangle I could not see
to see by apron floriscope
bullet counter weight leaf
pastry countertop radial

Kimberly Alidio (she/they) is the author of two chapbooks and four books of poetry, including TEETER, an autohistoriography of felt time that arises from subversive hearing practices and the emotional prosody of a mother tongue one does not understand but activates in another poetic language. A winner of the Nightboat Poetry Prize, TEETER will be published in 2023.

Read more >