Ang TLDTD ay isang biannual na publikasyon para sa mga tulang Filipino at makatang Filipino.
Kung may tanong, maaaring ipadala sa hellopo@tldtd.org
The Editors
Si Nikay Paredes ang may-akda ng mga chapbook na Reclamations (Vagabond Press, 2017) at We Will See the Scatter (dancing girl press, 2014).Nakatanggap na siya ng Loyola Schools Awards for the Arts at Maninging Miclat Poetry Prize, at naging fellow na rin sa Ateneo Heights Writers Workshop, Iligan National Writers Workshop, at Silliman University National Writers Workshop. Ipinanganak at lumaki sa siyudad ng Cebu, dumayo siya sa Amerika noong 2016 at kasalukuyang naninirahan sa Queens, New York
Si Paolo Tiausas ang may-akda ng Lahat ng Nag-aangas ay Inaagnas (2020) at Tuwing Nag-iisa sa Mapa ng Buntong-hininga (UP Press, 2021). Nailathala na ang ilan sa kaniyang mga tula sa Cha: An Asian Literary Journal, Kritika Kultura, Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature, The Philippines Free Press, UBOD, at 聲韻詩刊 Voice & Verse Poetry Magazine. Napabilang na rin ang mga tula at pagtatanghal niya sa online art gallery na Curare Art Space. Naninirahan siya sa siyudad ng Pasig.