Tilde Acuña, Metro Manila Tilde (Arbeen R. Acuña) teaches creative writing in Filipino, literature, and Philippine Studies at the Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Unibersidad ng Pilipinas. His work has appeared in Banwa, Dadiangas Review, Kritika Kultura, Pingkian, Bulatlat, and The Literary Apprentice. He is the author of Oroboro at Iba Pang Abiso / Oroboro and Other Notices (UP Press, 2020), illustrator of Melismas by Marlon Hacla (OOMPH! Press, 2020), and co-editor of Destination: SEA 2050 A.D. (Penguin Random House SEA, 2022).



Tatlong Tula


Issue No.10

katipunan

           
instead of a bus window, the door
            -less jeepney doorway
                        invites rumination about this
                                    avenue of struggle, not anymore
                        the conquistadores-versus-indios type,
            but between classes
                        in universities catering
                                    to same different categories
                        of the elite, varying degrees
            and gradients in the spectrum
                        of corporate and trapo, private and public,
                                    car-brain and nepo-diskarte;

here, rather than glass, an absence serves
            as barrier between observer
                        and reality, nostril
                                    and spirit, eardrum
                                                and rhapsody, gaze
                                                            and vision, skin
                                                                        and atmosphere, humachine

                                                            -system

                                                                        clogged less by hailed angkas
                                                and pedestrians along misanthropic sidewalks
                                    than by hired grab and big-shot SUVS; but beyond
                        these abjections, a prognosis amid
            the hour-long traffic jam:
                                                            a silver outline of the pollution cloud,
                                                glimmering like a gnash of lightning,
                                    as if scratched by a copper coin, a nano-
                        moment of pyrrhic euphoria:
                                                                                                a ferrari,
                                                            its wild horse-power neigh
                                                tamed to a peeved whimper,
            lagging behind
                        this yet-to-be-phased-out jeep,
                                    seen from my VIP seat (not from
                                                a bus window but live)
                                                            by the doorless
                                                                        doorway:
           
           

Ingat

           
Maglakad nang nakayuko
Kasi mabuti pang makabangga ng tao

Kaysa matapilok sa tae. Ayon
Sa estadistika, may dalawa't kalahating

Por cientong tsansang ika'y mabubugbog
Ng taong nakabangga, at sa sangkapat
Ng naturang tantos naman, kukuyugin pa

Ng umaatikabong resbak. Samantala,
Siyamnapu't anim sa sandaang pagkakataon,
Itinatakwil ng lahat ang sinumang

Nakatapak. Samakalawa, maipapaalala
Ang kamalasang ininda at magreresulta
Sa asar-talong malas na magkakamit

Ng gulpi-saradong kumpiyansa. Kumbaga,
Darating at darating din sa pagkadurog
alinmang babasaging angas. Mainam nang

Sa susunod na lang pumalag. Ipagpaliban muna
Ang taas-noo kahit kaninong tikas. Huwag
madulas sa sanaw ng takla, ni matisod sa tibi.

Ika nga: Ang naglalakad nang nakatungo,
Walang baling makararating sa patutunguhan.
           
           

Implikasyon

           

Mag-install ng app

bago maka-akses ng freebie

Magbayad ng toll

bago makadalo sa komemorasyon sa Luisita

Magpa-gas

bago makapag-protesta kontra sa mga kartel ng langis

Manamit nang maayos

bago usigin ang mga sweatshop

Mag-aral sa pamantasan

bago kwestyunin ang edukasyong kolonyal

Magsaka

bago kumain
         nang literal na makatindig kontra-pyudalismo

Magkampanyang elektoral

bago problemahin ang bukrata-kapitalismo

Mag-self-care via konsumerismo

bago magkaroon ng sigla at sigasig
         sa pakikibakang anti-imperyalista

Lumahok muna at samantalahin ang diperensya
ng mga estrukturang mapagsamantala

bago makalas ang mga ito, makapanawagan
         laban sa pagsasamantala, at makabuo nawa ng bago