Hannah Adtoon Leceña, UP Centennial Dorm, Residences/Mt. Makiling Los Banos, Laguna/Tambilil Kiamba Sarangani Province Si Hannah Leceña ay guro ng Malikhaing Pagsulat sa Philippine High School for the Arts at nag-aaral ng PhD in Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman. Siya ang awtor ng nobelang Sebwano na Jonas. Siya ay isang spoken word artist mula sa Tambilil, Kiamba, Sarangani Province. Nagkamit siya ng Ikalawang Gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards sa kategoryang Maikling Kuwento. Naging Fellow ng mga palihan kabilang na ang UP National Writers Workshop 2024.



Fireworks


Issue No.11
Naalimungawan ka 
Sa pagkadungog sa dagkong buto sa gawas.
Gisilip nimo ang langit, 
Didto mibusikad ang nagkadaiyang kulay, 
Unya naglanug-lanog ang siyagit sa mga tawo.
Sa huna-huna nimo, 
Adunay nagcelebrar og pasko
Sa Krus na Ligas,
Niining siyudad nga hubog 
Ug pulaw.
Imoha dayong gisirad-an ang bintana, 
Kusog kaayo ang pitik sa imohang dughan
Nahinumdom ka 
Kadtong bata pa ka,
Gigakos dayon ka sa imohang mama
Kadtong nagsugod og paka-paka
Ang mga bala sa armalayt
Duol sa checkpoint
Didto sa inyuhang banwa,
Nga nangurog 
Ug nagtukaw.
 
 

Fireworks

salin sa Filipino
Naalimpungatan ka
Nang marinig ang mga putok mula sa labas
Sinilip mo ang langit,
Doon nagkalat ang iba’t ibang kulay
Sumasabog ang hiyawan ng mga tao.
Sa isip mo,
May nagdiriwang ng pasko
Sa Krus na Ligas
Nitong lungsod na laging lasing
At puyat.
Agad mong isinara ang bintana,
Malakas ang pitik ng iyong dibdib,
Naalala mo
Noong bata ka pa,
Niyakap ka agad ng iyong mama
Nang magsimulang umalingawngaw
Ang mga putok mula sa punglo ng armalayt
Malapit sa checkpoint
Doon sa inyong baryo
Na nanginginig
At dilat.

Piniliay 2022 / Halalan 2022


Piniliay 2022

      
Nangita og biodata si Nanay
Ug duha ka 2x2 picture
Aha daw mapalit ang ingon ato
Nangutana ko kon ngano,
Tubag niya, nangayo
Ang usa ka higala,
Baylo ang sinimanang kuwarta.
Ang kinahanglan lang mangitag lugar
Arun sab-itan 
Ug nawung
Sa anak
Sa usa ka
Diktador.
      
      

Halalan 2022

      
Naghahanap ng biodata si Nanay
At dalawang 2x2 picture
Saan daw may mabibiling ganoon.
Tinanong ko siya kung para saan
Ang sabi ay hinihingi ng isang 
Kaibigan
Kapalit ay lingguhang sahod.
Ang kailangan lang ay maghanap ng lugar
Para kabitan at sabitan 
Ng mukha
Ng isang anak
Ng diktador.