Pagsulat ng Tula sa Panahon ng Brownout
Tayong mga aninong nabibigatan
sa paghukay ng ginto sa takipsilim.
Ako sa pagsulat ng tula at ikaw
sa paghahanap ng mga kasagutan
sa maraming katanungan. Nagkataon
lang na magkatugma ang sinasabi mo
at isinusulat ko sa pahinang nagkukulay
panaginip na sa naghihingalong solar light.
Tinatanong mo kung natutuwa ako dahil
may honor ka sa eskwelahan na hindi ko
nasagot kaagad nang maayos dahil hindi pa
natatapos ang pangungusap na naisulat ko na,
hinahabol ang linya na sana’y huwag maudlot
dahil kung nagkataon, aagawin ito ng dilim
at hindi na naman ako dadalawin ng antok
sa kakaisip sa mga huling letrang pinakawalan ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog ka na pala
sa kahihintay sa aking kasagutan
Pero nang pumasok ako iyong panaginip
nasagot ko ang mga tanong mo. Doon, naging
magaling akong lola, binabasahan kita ng kwento
ng prinsesa, nagdodrowing ng mama at daddy mo at ikaw
sa gitna, nagkukulay tayo ng mga ibon at mga bahay
pero nakatingin ka lang sa akin. Nakalimutan ko nga pala.
Nasa elementarya ka na at mas type mo na si Moana
Babu At the House
It’s the colors first
Purple warp snatching
the ivory of the weft
all throughout
the queen-sized buri mat
she laid smack on our terrace
along with soft brooms,
pandan fans and salakot
grown on her head and arms
We haggled, our best for the mat
“Very pretty,” she beamed,
the only one left. Kalatagan is far,
five kids in elementary
And their father? I dared
There are four of us wives, Ma’am
Each to her own
It wasn’t the wares
but the stories shared
I exchanged
for creased bills
salakot for their food
buri mat for kids’ school
the fan for papers and pens
broom for the fare home
Her head and arms
again bloomed anew
much lighter now
as she walked
down the street
in the midday heat