Cris R. Lanzaderas, Bocaue, Bulacan Si Cris R. Lanzaderas ay isang guro sa UP Rural High School at kasalukuyang gradwadong mag-aaral sa De La Salle University - Manila. Nagtuturo siya ng wika at panitikan sa Junior High at research at creative writing naman sa Senior High. Mababasa ang ilan sa kaniyang mga akda sa mga publikasyon ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman, Likhaan: UP Institute of Creative Writing, Cultural Center of the Philippines, PUP Center for Creative Writing, at Lampara Books. Kasalukuyang pangulo ng All UP Academic Employees Union – Balangay ng Los Baños.



Pagkatapos nina Kristine et al.


Issue No.10
            It’s been a tough year. But, never mind, we are Filipinos, we always stand up.
                                    – PBBM at the Annual Malacañan Christmas Tree Lighting

Ang naririto’y putik, mga larawan, 
banlik, mga katawan, malalamig 
na halik, ang paboritong laruan 
ng nawawala, nilipad na yero’t pawid,
marahil pangarap, pangalan.
 
Sisikat ang araw, matutuyo ang lahat
subalit huwag mo kaming utusang maghanap
ng sariwang olibong mapipitas.