(English) Issue No. 2

Ang Santero sa Kaniyang Katha

Reina Adriano

            Luluhod ka sa harap ng estatuwang marmol. Magbabalat 
                        ang mga labi. Dahan-dahan mong bitbit ang katawang 
pinagmasdan sa kahubdan at pagkabuo. Bubuuin mo 
                                                ang templo ng kanilang mga sala. Mga matang 
                                    walang pakundangan. Rituwal ng pagkanulo, 
magtitipak-tipak ang mga kuko. Ganito hinuhulma 
                        itong pagsamba: sa mga espasiyo ng lantarang pagkanulo, 
                                                umaalingawngaw ang pagguho. Nais manatili, nais mamalagi 
            nitong mga sandali— 

Sa sala, pinapaso ng mananahi ang mga tastas sa laylayan, 
                                                pinakikinggan ang parada ng mga makasalanan. Walang 
            nakaaalala sa santerong lumikha sa imaheng kaharap. 
                        Patuloy na kinakanta ang mga hymno ng paglimot, 
                                    ang sagot ng siyudad sa ating pagkalimot. 
Para sa kanila, ang pagkalas ay siya ring pagkawala. 
                        Ano nga bang pinagkaiba ng pamahiin sa pananalig, 
                                                            ng penitensiya sa panata. Magkatumbas 
            ang halaga ng katahimikan at mga salita. Hindi maaaring 
                                                                        magsalit-salitan ang alinlangan at pag-aalay. 

                        Hagayhay na panakas—ikaý manonood, mahigpit 
ang kapit sa rosaryong alam ang kanilang lungkot. Silang ugnay 
                                                            sa ating mga pasakit: pilak, insenso, ginto, tanso. 
            Puntod ng mga sinukuan. Bubuo tayo ng bagyo sa disyerto. 
                                    Bibilangin ang ating mga marka sa kalendaryong hindi pa rin 
                                                nauubusan ng mga araw. Itong pagkauhaw ng mga sinukuan. 
                                                                        Ngunit ang umaga—
                                    ano ba’t senyales ng kawalan. 

            Ihihimlay mo ang ang susunod katha sa alpombra at hihintayin 
                                    ang panalangin sa panibagong umaga. 

Nagtapos si Reina Adriano ng BS Applied Mathematics at BFA Creative Writing sa Pamantasang Ateneo de Manila. Kasalukuyang siyang nakatira sa New Hampshire, USA. Mababasa ang iba pang mga akda niya sa Heights, Plural Prose Journal, Silver Birch Press, Yellow Chair, at Rising Phoenix Review.

Read more >

Paglimot

Romalyn Ante

At kahit isumpa mo ang bulkan sa hilaga
hindi ko pa rin maaalala ang iyong mukha.
At kahit hanguin mo ang mga bituing itinapon
ng mapanghimagsik na ulap ng kahapon,
hindi ko pa rin mababakas ang amoy
ng kapeng barako na iyong pinapakuluan
sa kalawanging kalan t’wing bukang-liwayway.
Palagi ka na lang abot-tanaw, sinusuyo
ang langit na kulay ube at makopa,
hinihintay ang papel na magdadala sa ’yo
sa kabilang bayang nagsisiksikan sa kislap.

Hindi mo ba alam? Nalimot na rin kita—
at duon sa dampa ng pangako at pagbibiro
kung saan pinabayaan kong tangayin ng hangin
ang burdado kong panyo, aking napagtanto
ang pagkakaiba ng kabutihan sa pagsuyo.
Ang mga dahon ng bayabas na nakapagpagasgas
sa bango ng iyong tinig ay pinagsisilaban ko na.
At ang bangko sa kanlungan ng kamatchile
kung saan mo ginigiling ang mga butong-kape
ay naaagnas na. Pawang mga ipot ng ibon at manok
na lang ang nagpapaningning sa kawayang marupok.

Romalyn Ante is a Filipino-British, Wolverhampton-based, poet, essayist, and editor. She is the author of the debut collection Antiemetic for Homesickness (Chatto & Windus, 2020). She was recently awarded the Jerwood Compton Poetry Fellowship.

Read more >

The Happiness Index

Regine Cabato

The weight of adulthood has hounded me ever since
my first period, as though growing up meant subscribing

to a monthly pain plan. See how low I scale on the happiness
index: how I zombie through my commute, how I blend

into a crowd. Maybe I’m not cut out to be a breadwinner;
maybe I want to be some kind of performance artist or acrobat.

Maybe I should move to Norway or Denmark, the happiest places
in the world, next to Disneyland. Would I rather be miserable

with all my friends, or all alone and secure? There is nothing my country
can do for me now. The economy unrewarding to the project

of emotions. We’ll take less than minimum wage for scrubbing
the Internet of beheadings. We would walk right past the pieta

of a wailing woman. We would keep someone suicidal
in a cage. Resilience, the excuse for all that our taxes

cannot deliver us from. So I switch on my GPS so God knows
I’m here: my mind’s traffic jam is just as sticky as what’s expired

in my refrigerator. I hate to admit how much I’ve become
like my mother—I’ll stuff a whole chicken for the guests,

slap on a smile, and subtext a sentence: Please accept my hospitality,
or I’ll scream. Don’t ask if I’m married. Allow me the small justice of saving

face. Filipinos are a happy people. Peel off this mask,
and you’d find another, and another. We’d wheel the carapace

of a karaoke machine across a stormland. If you pushed a coin
into its slot, we would sing so loudly you wouldn’t hear the static.

Regine Cabato is a journalist based in Manila. She has won a Carlos Palanca Memorial Award for Literature and a Loyola Schools Award for the Arts for her poetry. Her work has been published in Cha: As Asian Literary Journal, Kritika Kultura, and Quarterly Literary Review Singapore.

Read more >

Dalawang Tula

Nicko Reginio Caluya

Mga Nagpapahinga /

Bodies at Rest /

静止している物体

            
I. Tag-araw / Summer / 夏

ang hanging-dagat                                    the breeze from the sea
pinahihimbing ako                                    invites me to fall asleep—
ng ‘yong paghinga                                    your gentle breathing

海の風                                                       umi no kaze
眠気を誘うー                                            nemuki wo sasouー
君の息                                                       kimi no iki
            
II. Taglagas / Fall / 秋 pilikmata mo’y eyelashes flutter pilapil, hinahangin— just like silvergrass it must bagyo, marahil be a typhoon gust 目のそばに me no soba ni 薄棚引く susuki tanabiku 野分かな nowaki kana
            
III. Taglamig / Winter / 冬 bundok ay kumot on mountain’s surface ng hamog ng taglamig— the winter fog vanishes palad ihawi with palms of the hands 山肌に yama hada ni 冬霧晴らす fuyugiri harasu 掌 tanagokoro
            
IV. Tagsibol / Spring / 春 In early mo(u)rning mata'y (u)maga tears pouring from eyes like dew ang luha'y pumapatak- of cherry blossoms patak, bulaklak 朝ぼらけ asaborake 目に垂るるや me ni shidaruru ya 花の露 hana no tsuyu
            
            

Pagkilatis kay Derek

            
hinatak, lagapak!
hiyaw! laglag, tapak

pagbitiw ng plastik
ang tindi ng talsik

kamatis nagkalat
laman din naglatak

ang baril nag-taktak!
ang pawis tagaktak

wala ka nang lakas
wala ka nang takas

Kasalukuyang tinatapos ni Nicko R. Caluya ang kaniyang doktorado sa inhenyeriya, sa Nara Institute of Science and Technology sa bansang Hapon. Nagtapos siya ng Batsilyer sa Agham noong 2013 sa Pamantasang Ateneo de Manila. Sa Ateneo din siya ginantimpalaan ng Loyola Schools Awards for the Arts sa larang ng tula. Inilimbag noong 2020 ang chapbook niya na pinamagatang Nasa Loob ang Kulo, isang koleksyon ng mga haikai mula 2013–2019.

Read more >

Parapamatbat

Aileen Atienza Dacut

            “Gamitin ninyo ang lahat ng kagamitan at sandatang pandigma
            na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana
            ng diyablo. Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao,
            kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, at sa mga
            tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito—ang mga
            hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.” —Efeso 6:11-18

Alapaap nang matupad ang pangarap
Marso 29, bumagsak ang eroplano
Lulan ang pasyente sa gitna ng pagkalat
ng mahiwagang sakit na walang lunas
Higit sa tisis ng pulmonya
Naglililo ang hustisya
Sanlibong hukbo ni San Lucas
Inupos ng mga sugo ni Pontio Pilato
Sa mga pangakong hindi kailanman matutupad.

Marso 11, dalit ng isang anak: malayo sa ina ng saklolo
Sa amang hinahalimhim ang naghihingalong pulso
Buksan ang bintana sa pag-asang kapag umusal ng dasal,
Makikinig ang langit
Mistulang puhon sa poot
Ang dulog sa poon
Tangis.

Sa bawat pisil sa butil ng misteryo’y
Nagdudulas sa luha at pawis
Rosario sa passion sa atong Ginoong Jesucristo
Huminga ka nang malalim at hihinga na rin ako nang malalim
Sanggang dikit
Sobrang lapit
Walang araw na patid
Hanggang mawalan ng pintig
Saan dudulog?
Nagsara ang mga pasilyo ng templo
Isang dipang distansya sa panginoon
Bawal ang pahalik sa dayong talampakan
Sa nalagutan ng buhay
Sa biktima ng opresyon
Sa mga kalag sa purgatoryo
Sa pagbangon at pagtulog kayhirap
Imulagat ang mga mata
Puputok ang bulkan, sasabog ang dibdib.

Walang kasiguruhan ang kinis ng bukas
Huling tabon ng lupa at tapon ng luha
Sa yungib ni Lazaro
Sunóg na labí at usok sa bukana ng mistulang pugon
Dinig ang lagatok at lutong ng mga buto
May tinapay din kaya ang patay gaya sa tinapay ng buhay?

Darating ang panahong pataba na lamang sa lupa
Sa makatwiran o makatarungang pamamaraan
Ninais na mamaalam
Ngunit hindi sa pinangarap mong katapusan
Hindi kalilimutan ang mga pangalan
Sila na mga pumanaw sa labang
Sumalakay ay kaaway na hindi masilayan
Sa paglisan, sila’y pag-uusapan
Ng mga tahanang tinakasan ng pag-asa
Para ibuhos ang pananangis
Sa abang pintakasi

Totoo ba ang langit?

Sa panaginip,
Suot ang mga puting baluti
Panangga sa panlabas,
Sa kaluluwa at diwa ng katotohanan
Itinuro sa banal na kasulatan
Saka tinatakan ang bukay na kalatas
Nakikita mo na ba ang bulaos ng buhay na walang hanggan?

Si Aileen Atienza Dacut ay dating patnugot ng pamahayagang Ang Parola ng Quezon City High School. Nagtapos siya ng kursong BSED Filipino sa PUP Sta. Mesa, Maynila. Nakapagturo na siya ng Filipino (Applied at Core) sa University of the East, Maynila. Sa kasalukuyan, pinalalago niya ang kaniyang kalinangang pampropesyunal sa ilalim ng mga programang Master ng Edukasyon sa Pagtuturo ng/sa Filipino at Sertipiko ng Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa PUP.

Read more >

Padre de Pamilya

Ton L. Daposala

Nag-sermon na pod ang padre de pamilya
diri sa kan-anan, human nagbanha ang TV
sa mga pahitabo sa katilingban. Iyang tono
nga halos sinipra sa tikasang wangtigol
nga nagtamudmod og pamulong ngadto
sa mga kritiko. Matag balikas nga kinutlo

gikan sa bahong baba sa komander-in-tsip,
daw nagpasidungog og homilya. Giunsa niya
og sumpay ang suliran nga nasodnon
ngadto sa kalisod nga nasinatian sa iyang
mga anak? Ambot. Nagbalikbalik lang
ang giyawyaw nga “busa”, “dapat”

ug “mao na” samtang galingkod
sa trono sa kan-anan. Pakapinan dayon
og sangyaw bahin sa pag-disiplina sa kaugalingon
nga among gipasagdan. Gikan sa panapaw
sa kinamaguwang bayi ngadto sa pag-adik-adik
sa ikaupat nga anak ug wala ko mahibulong

nga nilusot na usab ang iyang pangluod
nga way nisunod niya sa serbisyo. “Tan-awa ko,
pensyonado. Unsaon nalang mo inigka-tiguwang?
Wala moy maambag, bisag loyalti sa inangbayan,
wala.” Mitugaw siya daw naa pa akong mga igsuon
diri sa balay. Mga way ayo kuno: way kalainan

sa mga dinakpan ug uban pang salot sa nasod.
Mopadungog-dungog unta ko sa gisugilon niya
tong usa ka adlaw: bahin sa korsong iyang gi-cross enrol,
diin gihangyoan ang professor nga ipapasar siya
aron mahimong tenyente. Unya puyde sad ilakip
ang mga kagabhion nga gasunod siya sa sinitsit

sa mga ada nga gaagda sa suok-suok sa siyudad
niadtong medyor pa siya. Apan hilom lang ko—
ma-red tag pa lang. Gidayanan na og kunot
ang iyang dagway apan ang hinapay mao gihapon
niadtong aktib pa sa kampo—hinlo pa sa konsensya.
Mibarog siya, ug milagro, nanguros.

Nagkagangkagang og lakaw pabalik
sa kuwarto. Mipadayon kog higop
sa sabaw sa tinuwang manok. Si Mama
nga naa sa hugasan, naghilom-hilom
sa tibuok homilya. Naghugas
sa mga luwag ug kalaha

samtang nagpaabot sa throwback
teledrama nilang Echo, Yen,
Sam, ug Yam. Hisgotan unta nako
si Mama bahin sa nasaksihang milagro,
apan sa wala pa moabli akong baba,
naglanog ang palibot

sa giugot niyang bagutbot:
“Loyalti sa imong kagaral!
Wa ka sukad ma-loyal
sa imong asawa,
inangbayan pa kaha?”

Ton L. Daposala is the author of Basâ-basa (Xavier University Press, 2018). His work has been anthologized in Brown Child: The Best of the Faigao Poetry and Fiction ‪1984-2012‬, The Best of Dagmay 2, and Mindanao Harvest 4. His poetry has also been featured in Sun*Star Superbalita, Dagmay, Kabisdak, and Bisaya Magasin. Daposala was a fellow at the 57th UP National Writers Workshop.

Read more >

Two Poems

Rodrigo Dela Peña, Jr.

After Anita Magsaysay-Ho’s Women with Baskets and Mangoes

            
Trinity of grace,
they are the fruits swiveled
from the branch, stillness

and still life of summer’s
inflorescence. They are the baskets
they carry like a fretwork

of memory, weaved story
by story, morning after mourning.
Their skin is the color of dried

tobacco. Their headscarves are haloes.
They are quiet as their labor
of cleaning, mending, washing,

mothering. They are echoes
of each other’s gestures, and of the women
before them, and of the first

hand that plucked a fruit,
achingly sweet and forbidden.
They are harvesting.
            
            

After BenCab’s 32 Variations on Sabel

            
Your shadow meanders down the street where I seek you, silhouette volatile as water.
            
I think of you, a cipher contained in your cellophane dress, barefoot and bedraggled, seeding the air with your spells and gospels.
            
Our Lady of Detritus, you gather all that can be found, aware that the mouth wants more and more and more.
            
What are plastic bags and cardboard boxes if not artifacts?
            
You wear no mask, porous to the world. A storm runs its full course across your face.
            
Once, you were someone else: a daughter with a name, a mother, a wife, another life long ago.
            
Unfixed, you become as various as Hokusai’s views of Mount Fuji.
            
Say cleave, salvage, weather. Sabel, tell me about the dangers of language, how some words can shift meaning from one breath to the next.
            
All of your attention is distilled into a question: what can be fashioned out of an archive of loss?
            
O scavenger, wildling, nomad from heart to heart, you pass through each hour as if it were the last hour.

Rodrigo Dela Peña, Jr. (he/him) is the author of Tangere (University of the Philippines Press, 2021) and Aria and Trumpet Flourish (Math Paper Press, 2018). He is the also the editor of A/PART: An Anthology of Queer Southeast Asian Poetry in the Pandemic. His poems have been published in Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature, Rattle, Kritika Kultura, and Hayden's Ferry Review. He has received prizes from the Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Kokoy F. Guevara Poetry Competition, and the British Council. Born in the Philippines, he has been based in Singapore since 2011. (Author photo by Imma Lopez)

Read more >

Kural ang Daigdig

Anthony Diaz

Bilang lamang sa mga daliri ang kilala kong mga kalapati.
Ang pagkakaalam ko sa kanila, mga ibong ang tanging alam na salita
Ay ang palakpak ng aking mga palad.
Habang patuloy ako sa palakpak
Walang patid silang pasirko-sirko lamang
Sa alapaap.
At habang nakasilong ang araw sa mga ulap,
Gayun din ang aking pagtanga sa itaas
Upang mapanood silang lumalangoy
Sa gaan ng hangin.
Hindi kailanman na inialis itong mga mata sa kanila,
Kahit pa laksang silaw, o kahit pa sa mga araw na kulimlim.
Nakaabang lamang sa nag-uunahang ampyas.
Tinatahak ng paningin ang hangganan ng mga kinakatagpo nilang silungan.
Ang kumpas ng aking mga kamay ang hudyat sa mga tahanang darapuan.
Habang malawak nga ang langit, maiksi naman itong mga palad.
Kung ano lamang ang sukat nito, iyon naman ang lawak ng kanilang lipad.
Nang sila’y magsilaki na, noong mga pakpak ay bumabagwis-bagwis na,
Nagtarak ako ng kawayan sa lalim ng putik.
Habang sa kabilang dulo ang bandila
Galing pa sa luma kong kamiseta.
Mantakin mong kahit walang palakpak, walang signus na sila’y magsibalik,
Itong bandila ang pumapatnubay. Subalit, mayroong mga gabing
Humuhuni sila na parang mga mang-aawit ng punebre.
Patuloy ang pintig sa aking dibdib dahil tulad din nila,
Ako’y kaluluwang walang laya.

Si Anthony Diaz ay tumatayong pangulo ng Pagsirang Inc., isang grupo ng mga manunulat mula sa Bicol. Naging fellow siya ng 3rd Cavite Young Writers Workshop. Ginawaran siya ng Kabulig First Book Grant para sa kaniyang nobelang Sa Ika-tolong Aldaw, at naging finalist naman sa 2019 Premyo Valledor for Best Novel ang kaniyang nobelang An mga Hawak sa Panganuron. Nailathala na ang kaniyang mga akda sa Longos, ANI, Liwayway, Katastropiya, at Takatak: Mga Haraliputunon na Usipon. Sa kasalukuyan, naglilingkod siya bilang isang school registrar sa isang pampublikong paaralan.

Read more >

Mirror Image

Krysta Lee Frost

The gaze tells me if nothing else
I am worth a gawk.

Glittering the bodice with sequins, what possibilities
do I erect as the city sharpens

the night sky into a dreaded opacity.
I reset my angles, my allowances

/

adapted. I borrow a body to make myself real,
palming the palm bloody proof.

It fits real nice: my becoming
against an unfastening neglect

rejecting any advance unrehearsed.
I am

a modest technology. I do what I’m told
to get attention

/

and keep it. I shimmy out of the dress
and shade away my boundaries

when touch comes and the eye
swallows my image. Can I continue—

/

does this feel good—incentive to accept the incendiary
glance. To upend intention into identity

/

woven into its many forms: a dress
on the floor, a moon forlorn

in its retelling. What energy is required
to ordain

presentation in its present tense
disowning itself

as it confuses one thing for another,
the bodice for the body, the glitter

for the sheen of skin, the eye for its hunger
to discern

/

disfigurement, recovering
from the haze of a breath on the surface

of an excuse to be seen. Beauty remains
contained in the room, confined to touch

-ing its projection, its makeshift stand-in
for an unnamed, unmanned need—

/

Dawn resists my machinations.

Krysta Lee Frost is a mixed race Filipino American poet who halves her life between the Philippines and the United States. Her work has appeared or is forthcoming in Berkeley Poetry Review, The Journal, Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature, The Margins, Nashville Review, and elsewhere. She currently lives in Pasay City.

Read more >

Duha ka Balak

Jessrel Escaran Gilbuena

Buwad

            
            “As ocean heat waves proliferate, problems will 
            mount for people who depend on fishing and fish farming.”
            —Gretchen Hofman, Department of Ecology, 
            Evolution and Marine Biology, University of California

Makalipay sa tigbuwad ang sakit
nga init sa adlaw. Ang gibuwad
ganinang alas-otso, mamahimo
nang mabaligya inig ka udto.

Ang pinikas nga lawas sa isda
murag katag sa ngisi sa tag-iya,
malaumon, malipayon. Busa kon
adunay mas nakasabot sa kon unsa

ang kainit nga dulot sa unod,
ang buwad ang makasulti niini.
Ug sa padayon nga pagsilaob
sa kalibotan, bisan ang panit sa dagat

dili na takos sa pagpanalipod
sa iyang unod. Sa pagpadayon nga
paghampak sa kayo ug kamangtas
sa langit ngadto sa panit sa yuta,

makapaso ang kausaban. Kon
nakabantay ta, ato nang hinayhinay
nabatyag ang unsay naandan sa
usa ka buwad. Basin unya, sa tigbuwad,

bisan pa maabot ang kahaponon,
bisan pa tukma ug hamtong ang kainit,
mamahimong wala nay buwad nga
mabuklas, ang panit ug unod di na makita

sa padayon nga pagkaging sa panahon.
            
            

Sa nabanlas

            
            “High tides may permanently rise above land that is 
            home to 150 million people. This is due to sea level rise, 
            which is a result of heat-trapping pollution from human activities, 
            which causes ice sheets and glaciers to melt, increasing the 
            volume of water in the oceans.” —Climate Central

Sa pagtaob sa katuigan, gibanlas ka
ug ang imong pamilya ngadtos
mas taas nga bahin sa kalibotan.

Ang ingon pa sa mga eskperto, dili na luwas
ang pagpuyo daplin sa baybayon.
Tingali, kay hinayhinay nang gikutkot

sa mga balod ang nawong sa baybayon
ang kanhi bus-ok niyang aping, kalabera
na nga nagsibya sa mga hugaw sa atong kagahapon.

ang mga balod, usahay, yano nang modugmok-pino
og pangaliya ug paningkamot. Sama kapino
sa mga balas sa iyang baybayon.

Kahibawo kong suhito na kas wanang sa kadagatan,
nasubay mo na ang badlis sa mga bitoon ug
gikabagat mo na ang kalisod sa lawod apil

ang usahay mangtas nga panit sa tubig
nga magtay-og sa imong baruto.
Busa karon, mas lisod ang pagsubay sa dalan

nga wala mo pa naagian. Diri sa lugar kon asa
wala ang kasikas sa balod ug kaparat sa huyohoy.
Kay ingon sa mga eksperto dili na luwas

ang pagpuyo daplin sa baybayon tungod
sa nagkataas nga lebel sa tubig, nadagsa ka
sa laing lawod nga walay gasang ug balod.

Nakadumdom ka sa kabug-at sa mga hapon
nga tabangan kas imong kamaguwangang lalaki
sa pagsaog sa baruto ngadto sa dagat,
napalid usab sa imong hunahuna ang matag

kimba sa katig inig bira nimos pukot. Busa,
karon, sa imong paghinuktok sa may banggera,
imong nasuta nga kato silang tanan,

walay bili ang timbang tandi sa kabug-at
kon alsahon ang kahaw-ang sa bugasan
ug ang pipila na kahigayon sa lamisa

nga basiyo ang kaldero.

Jessrel Escaran Gilbuena writes poems and stories in Cebuano and Bantayanon. He is also the editor of KINHAS: Mga sinwat sa sinultihan sa Santa Fe, isla sang Bantayan (Kasingkasing Press, 2020). He currently teaches at Cebu Normal University - Medellin Campus.

Read more >

Pagpipinta ng Bulaklak

Tocz Laurenio

may mga araw na ako'y nakakahinga nang malalim. ngunit paminsan-minsan, napipilitan akong magpinta ng mga bulaklak sa aking katawan. mumunting amarilyo sa kaliwang palad: iilang minuto't nawasak ko ang hugis ng tangkay nito sa mga mahihigpit na ungol at labis na pagkikislot ng mga mata. upang pagtakpan ang mga depektong ito, betadine na itinago sa aparador ang ipinangkulay ko sa mga talulot nito. dahlia sa bisig: napagtanto kong malapít-lapít ang bughaw na kulay nito sa lilang tingkad ng pasâ sa braso. subalit, mahahaharap ang angking dami ng mga talulot na kakailanganing mailarawan. nakaubos ako ng tatlong oras sa pagpipinta. dama de noche sa hita: ako'y huminga lámang at ang hugis niya'y namuo. tatlong araw upang iukit ito gámit ang kanang kamay, at binigyan ko ang bulaklak ng anim pang mga kasama.
            
minsa'y nais ko nang huminto. may maliit na boses sa utak ko na nagdidisenyo pa ng mga bulaklak. may mas maliit pang boses na nagtatangkang magtanim ng mirasol sa aking leeg.

Si Tocz Laurenio ay kasalukuyang mag-aaral sa University of the Philippines Manila. Makikita ang iba niyang mga akda sa Novice Magazine (2022) at UP Likhaan Life UPdates (2022).

Read more >

Tatlóng salin

Kabel Mishka Ligot

Nostos

            
            “Ayon sa mga opisyál sa Afghanistan, may isáng malakíng libingang 
            natagpuán sa isáng kulungan na nadiskubre sa ilalim ng lupà sa mga dakò 
            ng Kabul, na maaring itinayô noóng panahón ng mga Soviet.” —BBC News, 2007

Kailán lamang, nagugulumihanan akó
sa kalagayan ng mga kalansáy noóng natagpuán silá: bungong may mga telang
piríng, mga butó ng pulsóng nakagapos—
milagrong nahaplusán (anó kayáng kulay?
anóng materyál?) ng tela,
nasaksihán ang paghihirap
ng dalawáng libong kalalakihang nakatayóng hubád
nakatakíp ang matá at ginahasà
bago silá binaríl. Pinaghihinalaan namin na kasama sa kanilá
ang mga labí ng aking lolo sa tuhod
at ng bunsóng kapatíd ng aking nanay.
Bakit kamí naiinsulto—kamíng mapag-aksayáng
mga nakaligtás—sa paggunitâ ng mga nawalâ? Walâ
akóng naramdamán noóng pinasláng ko ang mga Haji,
sulat ng isá kong mag-aarál, na isáng dating sundalo.
Nápakadalî ngang patumbahín siláng mga Bárbaró, para bang mga gusalì
sa Mazar-e-Sharif. Anó pa ba ang maaarì kong
sabihin doón? Pinurì ko ang pagpilit ng paksâ,
ang kaniyáng angkóp na paghahalintulad. Sana maunawaan niyó: kung tumutol ‘man akó
walâ itóng makakalap. Ganitó akó hinubog:
buóng-buhay handáng mawalâ. Napanaginipan ko
ang aking mag-aarál noóng gabíng iyón, ang kaniyáng boses
gumigitgít sa marupók na balangkás ng alaala, sumisipol:
Kalansáy, Kalansáy, Kalansáy. Sintá, bakit kayâ
sa Inglés, ang katawán ay parehong patáy
at buháy? Alám ko na ang kirót ng pag-ulilà
ay may pusò, at kaya nitóng magmahál at matutò at sa gayón
matutong masuklám—gusto kong maniwalà
na sumalangit siyáng matiwasáy. Dalawampú’t-isáng taón gulang pa siyá noón,
noóng dinakíp siyá’t kinwestiyón.
Ang aking tito. Huwág ka nang bumalík! hiyáw ng aking nanay
habang tulóg. Huwág
kang bumalík. Luntian ang kaniyáng mga matá.
           
           

Ang Tanging Taxi Service ng Farmington, Maine

            
Pinatabí niyá akó sa kaniyá, kayâ napatanóng akó—nagbabasakalì
na ang kaniyáng kamalayan sa sarili niyáng kahinaan
ay magsilbíng kalaság sa sarilì kong kahinaan—
tungkól sa kaniyáng pagkabatà. Sa Cape Cod, gunitâ niyá,

kung saán nalumbáy siyá sa waláng-hangganang bugháw
tuwíng tag-lamíg, at nagnais na maglakbáy, kayâ napasali
sa mga Marino. At naglakbáy nga akó, birò niyá,
hanggáng Afghanistan pa. Pagsabi ko sa kaniyá

na tagá-doón akó, nadurog ang kaniyáng tawa—
at ikinalungkót ko ang sarili kong kabá,
o ang kaniyáng kabá, hindí ko matukoy. Nahíhiyáng
humaráp sa kaniyá, minasdán ko ang mga natumbáng punò

at malalabong bulaklák na balót sa yelo. Mabubuti namán
ang mga Afghan, biglâ siyáng naghunos-dilì. At jusko,
‘yung pagkain... Pero kinasusuklamán ko ang aking lahing Afghan,
lalo na dito, napapaligiran ng mga punong punô ng niyebe

at mga bahay na itsurang biskuwít. Alám mo, niligtás nilá,
ang kaniyáng mga salitâ tilà bang mantikilya, ang aking buhay—
pinakain nilá akó ng tinapay, kinupkóp. Hindí nilá kinailangan
gawín ‘yon. Maraming masamang nangyarì. Nápakaraming

kasamaán. Hindí pa rin matiwasáy ngayón: sa Kabul
kinaluluksaan pa rin nilá ang kaniláng kontaminadong tubig,
ang mga suicide bomber. Hindí ko dapat
‘tong sabihin sa ‘yo, pero, ubó niyá—Nami-miss ko siyá

paminsan-minsan. Ang iinit sa mga probinsiyá—
para ka bang nasa ibáng planeta. Kailanmá’y hindí akó
magiging kalmado dito, sa kalagitnaan ng mga malalamíg na buról,
mga gas station na nagbebenta ng Nescafé at Dove.

Pero pagkalipas ng walóng taon sa himpilan, ang kaniyáng boses
singklaro ng kamaó, gigising ka, kinamumuhian
ang taong nasa salamín. Ngayón, ang aking buóng buhay
ay hinggíl sa pagkalimot. Pribilehiyo ba ang mga alaala?

Noóng dumatíng akó sa Amériká, walâ
akóng maalalang kahit isáng barrio. Kasalanan ba,
kung gayón, na mainggít na ang tsupér ko’y nagkaroón
ng tahanan sa aking tahanan—diláw na alikabók sa mahahabà

at bulubunduking daán, kung saán dalawapú’t-dalawáng sibilyán
ay namatáy sa pang-apat na paglusób nitóng buwán—na mas tumagál pa
sa naranasan ko? Sa pakiramdám ko’y lalo pa niyá akó inilayô.
Alám mo, ang kaniyáng mabigát at Amerikanong boses

untî-untíng nababasag, heladong sapang natapakan ng usá, mabutí rin
at nakabalík akó. Namuó sa pagitan naming dalawâ ang hindí masabi-sabi,
malamíg na karagatáng punô ng pagkahiyâ, at pareho kamíng napatangáy
sa agos, hindí ‘man lang nalaman ang pangalan ng isá’t isá.
           
           

Lamay sa Paris

            
Tumatagay ng Malbec ang mga tita dito,
pinaparada ang kaniláng píghatî, mga masangsáng
at mahál na pabangóng bumúbulóng
sa mga elevator at pasilyo.
Bawat naturál na paglipas ay tumutukoy
sa hindí naturál: bawat tita ay may anák
na nahulog, o anák na nakitago sa natumbáng gusalì
nang dalawáng taon, hanggáng dumatíng ang katók ng mga opisyál,
bitbít ang bag na may lamán na bestida
at labí. Pero anó namán ang alám ko doón?
Nagpapa-pedicure akó, kumakain ng croissant
habang nagbábasá ng Swann’s Way. Noóng sinabi ko
sa isáng tita na gustó kong bumalík,
humiyáw siyáng walâ kang karapatang gustuhín ‘yon.
O itó, pahiran mo ng keso, sabi namán ng isá.
Hay, isáng kababalaghán ang mabuhay at makità
ang bakás ng paá ng aking tatay sa hardín ng kaniyáng kapatíd.
Galít niyáng itinatabas ang mga hasinto,
sumasagót ng palagi ‘pag napapatawag ang mananaliksík at nagtátanóng,
gaano kadalás mong naiisip na ang buhay mo
ay isáng pagkakámalî? Sa prusisiyón, nangangatal ang mga hiyáw ng mga tita:
mga alambreng dinadapuan ng mga uwák sa mabugsóng hangin.
Ayaw na ayaw ko ang bawat pinagplanong minuto. Inimbento ng Diyôs
ang lahát mulâ sa pagkawalâ, ngunit nangingibabaw pa rin
itóng pagkawalâ, sulat ni Paul Valéry. Ni minsan akóng namighanì sa Paris,
pero noóng tinanóng akó ng isáng estranghero
kung mabahò ba sa Afghanistan, sobra akóng nabiglâ
na niyakap ko siyá. At hinayaan niyá akó, ang kaniyáng mga bintí
pansamantaláng sumasagì sa akin.
           
           
*
           
           
“Nostos” first appeared in The Yale Review; “The Only Cab Service of Farmington, Maine” first appeared in Sundog Lit 15; and “Funeral in Paris” first appeared in The New Yorker as “Afghan Funeral in Paris.” From Hard Damage (University of Nebraska Press, 2019) by Aria Aber. Used with the permission of the author.
           
Si Aria Aber ay kasalukyang base sa Oakland, California, kung saán siyá ay isáng Stegner Fellow sa Unibersidád ng Stanford. Ang kaniyáng mga tulâ ay nalathalà sa The New Yorker, Poetry, Kenyon Review, at The Poetry Review. Siyá ang may-akdâ ng libróng Hard Damage (University of Nebraska Press, 2019), na nanalo ng mga gantimpalang Prairie Schooner at Whiting.

Si Kabel Mishka Ligot ay kasalukuyang nag-aaral, nananaliksik, at nagtuturo sa Unibersidad ng Illinois sa Chicago. Mayroon rin siyang MFA at MLIS mula sa Unibersidad ng Wisconsin sa Madison. Ang kaniyang mga tula sa wikang Ingles ay nalathala sa Cordite Poetry Review, Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature, POETRY, RHINO, at iba pang mga literary journal. Nakatanggap si Mishka ng mga gantimpala at karangalan mula sa Poetry Foundation, Unibersidad ng Indiana sa Bloomington, Tin House Summer Workshop, at Dalton School. Tubong Quezon City at Pasig, kasalukuyan siyang naninirahan sa tradisyonal na lupa ng mga katutubong Ojibwe, Odawa, at Potawatomi sa rehiyong Midwest ng Estados Unidos.

Read more >

Dalawang Tula

Mirick Paala

Laberinto

 
 
 
 

Daan

Sa loob, walang-hanggang gabi. Lumalagos sa bintana ang sinag ng nag-iisang ilaw-poste sa gilid ng daan, puting-puti na tila may anghel na mananaog sa kalangitan at magdadala ng mabuting balita o ng kamatayan— haharurot ang isang motor sa daan tila nagbabadya. Parang awa niyo, huwag ngayon. Iisipin kung paano tatakas kung sakali. Tutuntunin ang nag-iisang lagusan palabas habang inaalala kung ano ang ipantatakip sa mukha, kung ano ang sasabihin saka-sakaling maisiwalat ang nagnanaknak na sugat, ang hindi mapatid-patid na pagnanasang maging normal, magmahal nang walang laberinto, walang pulis samantalang magbubukas ang pinto sa harapan, ang kanina pang hinihintay na paanyaya, ang kamay na aahon sa dilim at magpapatahimik sa gabi.

 
 
 
 
*
 
 
 
 

Sa labas, nakabantay ang pulis. Salit-salitan ang pagtama sa mukha ng pula at asul na ilaw na parang binabasa, binabalasa, hinahanapan ng masama. Wala kang ginagawang masama. Tinutulak ka ng lungsod na magdasal saka umiwas ng tingin, manatili sa gilid ng daan dahil wala kang maibibigay kahit pangalan. Minsan, ikwinento ng kinakasamang estranghero ang nakita niyang sisne sa papawirin at kung paano nito binuklat ang malawak na dipa ng pakpak bago pumailanlang. Hindi ka sigurado kung ano ang ibong iyon pero nagtiwala ka sa gaan ng kaniyang paglipad na parang kumakawala sa mundo o wala-sa-mundo. Doon mo unang matututunang mangulila sa mga bagay na hindi lubos na nauunawaan, nakikita. Hanggang pagtanda, babalik-balikan ang eksenang ito kahit lagi’t lagi mabibigo mapipiit sa silid na pinalilibutan ng salamin at ng hubad niyong katawan.

 
 
 
 
*
 
 
 
 

Sa kaibuturan, ang halimaw. Bagaman wala pang nakakakita. Naroon ang bakas: dugo, bala, kalansay. Hinding-hindi makapaghahanda. Hindi malaman kung iisa o marami. Kung mala-diyos, maka-diyos, o diyos. Kung anino o multo o tao. Kaya laging mapapalingon, lagi’t lagi magdadalawang-isip, lagi’t laging titingnan ang sarili sa salamin, babantayan ang sinasabi samantalang tinutuldukan ng pag-uwi ang bawat araw, binabakuran ng mga gusali ang kalangitan. Bawat gabi lilinisin ang sarili hindi maaaring ito ang aking mga kamay bagaman alam mo, sa loob-loob mo, may dumi kang hindi matunton, hinding-hindi mabura-bura, ang maliit na silid na kay daling malunod sa mistulang pagmamahal ang dingding na sinasabing hindi ko dudungisan ang bata mong mukha—pilit kang pipikit magpaparaos bago mo pa ibaling sa sarili ang sisi.

 
 
 
 
*
 
 
 
 

Sa ilalim, ang ipinagmamalaking proyekto ng departamento, ang tren na babagtasin ang gulugod ng lungsod. Lalagos ito sa mga higanteng butas sa ilalim ng lupa, kakalahatiin ang tagal ng paglalakbay sa magkabilang-dulo habang pinabibilis ang takbo ng ekonomiya, oras. Dadaan ang tren sa Langit Road patungong Bahay Toro patungong Daang Hari. Sinasabing hindi kailangang mangamba, walang makapapansin sa pagdaan ng tren kahit tumatakbo ito ng isang daang kilometro kada-oras, samantalang hanggang pagtulog hindi mapatahan ang mekanikal na ugong at pagyanig ng lupa na parang kinukuyog ginagalugad ng mga sundalo ang iyong katawan. Gumagapang ang lungsod tungo kanayunan.

 
 
 
 
*
 
 
 
 

Sa looban, makikipot na eskinita. Walang makikita ni anino ng aso maliban sa mga pulis na binubulabog ang katahimikan ng kanilang paghinga. Hinahanap nila ang katawang ihahalili sa kanilang gawa-gawang pangalan sa kanilang gawa-gawang listahan. Sinusundan natin sila ng tingin, ang asul nilang balat-kayo, sinusundan natin sila hanggang sila ay mapagod, hanggang sa parangalan nila ang isa’t isa dahil natupad ang kanilang pangako ng kaligtasan, disiplina, pinagmamasdan natin ang kanilang mga kamay na walang takot, malinis na malinis, tangan-tangan ang baril, pinapanood natin ang kanilang labi na humahalik sa pisngi ng asawa, ng anak, ng paanan ng santo, ang bibig na kayang humingi ng pang-unawa dahil sila lang ang nakauunawa, sinusundan natin sila hanggang pagtulog, hanggang panaginip, kahit sa ating mga panaginip, tayo ay mabubuting mamamayan, nakabantay sa likod ng itim na kurtina, nagmamasid, pinipigil ang hininga na parang may baril na nakatutok sa bibig.

 
 
 
 
*
 
 
 
 

Sa ibabaw, ang poon na nagpupuyos sa galit sa mga pagtatangka ng paglipad. Biyaya niya ang sako-sakong bukbok at sako-sakong pinatay. Tulad ng pangakong tataba ang isda, tumaba ang mga isda sa dalampasigan. Luwang-luwa ang mata na parang piping saksi na anumang sandali ay sasabog ang tiyan.

 
 
 
 
*
 
 
 
 

Sa ibayo, ang buong maghapon. Sa maliit nating mundo, tayo ay mga batang naglalaro ng holen, walang muwang at wala pang hinagap sa bukas. Isang araw, humagulgol ka nang walang dahilan. Hindi mo matunton kung saan nagmula o kailan nagsimula ang sakit. Sa bigat ng iyong kalungkutan, iipunin mo ang mga kristal na globo na nagkalat sa silid. Pupulutin mo isa-isa. Nang sapo-sapo mo ang lahat-lahat, tatayo sa gitna ng sirkulong iginuhit sa sahig saka haharap sa akin. Titingin nang maigi. Saka isusubo at lulunukin ang bawat isa.

Kasalukuyang tinatapos ni Mirick Paala ang kaniyang MA sa Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Dati na siyang naging fellow sa Ateneo National Writers Workshop at UST National Writers’ Workshop. Lumabas na rin ang kaniyang mga akda sa Revolt Magazine, Heights, High Chair, transit: an online journal, at Katipunan: Journal ng mga Pag-aaral sa Wika, Panitikan, Sining at Kulturang Filipino.

Read more >

Ostrich in Quezon City

Jose Luis Pablo

            “A resident of a private subdivision in Quezon City caught
            the moment an ostrich ran down their street, causing a stir in
            their Tuesday morning.” —GMA News Online (August 4, 2020)
            
            “Former Philippine Health Insurance Corp. anti-fraud legal
            officer Thorrsson Keith on Tuesday alleged that executives of
            the state-run agency have stolen P15 billion from its funds.”
            —PhilStar.com (August 4, 2020)

What gilded cage
Opened in momentary neglect
For your escape,

Plumed harbinger,
Whose legs stretched
Into our headlines

& a world
As confused
As it is empty?

The savannah remains a dormant
Memory in your cells while
Your view is bordered by sprawling

Houses & the occasional green
Of manicured lawns.
You, a mascot

For an absurdity of a year,
For all that we have lost &
For all that has been squandered

Without our consent. Bird
Orphaned of a continent
& an expanse of freedom,

Augury outrunning
Heaven & hell to warn earthbound
Beasts that our misery

Is neither God’s design
Nor of His enemy’s, but worse,
By the hands of His own children

that grope, grab, & grasp
For more that they can hold,
Claws that pluck, no, seize & tear

Off our wings & leave us stranded
In the land of our birth,
Captivity, & death.

We should be running with you.

Jose Luis Pablo or "Nico" is a poet and a communications manager for a non-profit. Their poetry has been published in Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature, Cordite Poetry Review, My Gay Eye, Busilak: New LGBTQ+ poetry from the Philippines, and Breakwater Review. They were awarded by the Carlos Palanca Memorial Awards for Literature in 2018 and were a finalist for the 2020 Peseroff Poetry Prize. More of their work can be found at joseluisbpablo.wordpress.com.

Read more >

Tatlo ka Binalaybay

Adrian Medina Pregonir

Ulan

            
ginbun-ag sang kagab-ihon ang pagpamatbat:
nagapalangudog nga nagsungka ang hutik
sang ugsaran nga nagpanaksi sang tuhay
nga tun-og kag ulan, daw pisu nga nagahuroy.

nagabadlak ang bulan sang manipis nga kasanag
sa mga busay padulong sa mga libtong sang Lake Sebu,
nagapusnga ang panganod sa gintaipan sang maalabaab
nga dupoydupoy. Ugaling, nagaulan niyan sa tunga
sang kagab-ihon nga wala sing bungog.

daw sa dungganon nga bisita ang nag-abot, ginbuksan
ko ang bintana kag gintamay sia, apang nagapanagu
sa hutik sang mga tinulo. Nagaulan, sa ugsaran, sa gwa
sang bintana, kon sa diin nakatanom ang akon kasingkasing,
nagapalangudog nga nagatamay
                        sa nagaulan na nga balatyagon.
            
            

Rolly

            
Sa atop nagdinumuganay ang mga kuring
kag ilaga, napun-an sang karos kag gupi
tungod sa nagkadol nga mga kamot, kagat,
kuko. Gindugangan pa sang napulo ka maisog
nga idu, nagapalanginit, samtang ginagurisnay
ang ila balahibo sang makusog nga hangin,
kag sang tuhay nga kaakig sang mga panganod.

Wala nakapiyong ang amon mata yadto
nga kagab-ihon, naganguyngoy kami samtang
nagalugdang ang amon lawas sa tubi, tungod
gintapan sini ang tanan nga mga panimalay. Kag
sang nagmala ang kaduyogan, kasubong kami
sang kuring nga bag-ong bun-ag, basa, nagapalangurog.
            
            

Humbak

            
Indi lang kalalawran ang maisog kag makamamatay nga puod ang akon nakilal-an, tungod sarang mabuhat sang kagulangan nga mangin dagat ang patag nga puloy-an. Ginhanot sang kilat ang amon mga buli nga magkinarankaran sa pagdalagan padulong sa mga pukatod. Daw tambor ni Piping Daguhob ang daguob nga nagparagaak sang amon nga mga bubong. Makaluluoy ang mga unga nga nagapungko, nagadas-ok sa duha ka butkon agod punggan ang kalamig, nagasiniyagit sang tabang tungod ang atop nga nangin bangka amat-amat nga nagalugdang. Nadalus-os ang paglaom nga makabutwa sa baha sang makangilil-ad nga hitabo samtang ang mga babayi nagapamalikas bitbit ang estatwa sang Santo Nino ang Hesus Nazareno. Nagpanaksi ang mga puod sang ginapalanganinawan, matuod nga tanan napatda sa humbak sang hangin, sa sidu sang pagkabalaka, kasubo.

Isang aktibista at manunulat sa Hiligaynon, Kinaray-a at Filipino si Adrian Medina Pregonir mula sa Banga, South Cotabato. Siya ay tumanggap ng pagkilala mula sa Gawad Bienvenido Lumbera, Don Carlos Palanca Memorial Awards, Gawad Rene O. Villanueva at Bantugan sa Panulatan Kinaray-a. Ang kaniyang mga akda ay lumitaw sa Dx Machina 4, Liwayway, Luna: A Journal of New Filipino Writing, Kabisdak at iba pa. Ipinalabas niya ngayong taon ang kaniyang zine na koleksiyon ng mga tula sa Kinaray-a na Wara it Mas Marahalun sa Pagdumdum, Totoy.

Read more >

BONGGA

Eileen R. Tabios

             “Adding Philippine English words to the OED is about something
             we hear a lot these days—representation. We, in the OED, believe that the
             Philippines, just like this country, is part of the English-speaking world.
             And as such, Philippine culture, Philippine history, the Philippine experience 
             must be represented in this great work of scholarship on the English language.”
             —from “Bongga! What having Philippine English words in the Oxford English
                Dictionary means,” Philippine Star, June 28, 2019
         
            CONSTRAINT: Write a poem featuring
            the following additions to the OED: Pan de sal,
            Gimmick, Kilig, OFW, Kikay kit, Bongga,
            Halo Halo, Pancit, Comfort room, and Trapo

1.
It’s historical, daw
to insert
Filipino

words into this
very proper
Oxford

English Dictionary, this
Book that
more

than defines words
but also
provides

the history that
shaped the
Language—

a language that
colonized us
so

deeply we’ve even
become English
Poets.

Entonces (to quote
another colonizer),
we

make history by
revising history
through

adding to—changing—
the very
language

that subjugated our
words through
erasure.

We give you
“pan de
sal”

without its salt.
We give
you

“halo-halo” without bothering
to explain
how

the Japanese, more
colonizers, introduced
“mongo-ya.”

We give you
“pancit” to
enhance

your turn to
fast food
instead

of more nutritious
thoughts. We
give

you “kikay kit”
with whitening
products

inside its plastic.
We give
you

“kilig” because we
find you
romantic

despite all that
we have
suffered.

We give you
“comfort room”
although,

wait for it,
there’s no
comfort

found in language
which is
fickle

and refuses morality
and other
worthwhile

traits with syllables
like “am,”
“anti,”

“dis,” or “un.”
We give
you…

But we cannot / keep giving / affirmations.

We must also
give you
authenticity.

So we give
you “OFW”
for

the generations created
from centuries
of

“anguish,” “betrayals,” “corruptions,”
“abuses,” “thefts,”
“venalities,”

and so many
more English
words

to lead us
finally to
yet

another gift for
your English
Dictionary:

“trapo,” short for
“traditional politician”
who

is “traditional” for
belonging to
that

ruling class who
you English-speakers
enabled

to ignore then
forget the
ultimate

code for guiding
the responsible
development

of any nation:
“With great
privilege

comes great responsibility.”
Who cares
about

an extra word
here and
there

when “trapos” insist
on lives
beyond

mere words. In
this country
with

17 billionaires, the
poor eat
“pagpag”—

the one word
that your
English

Dictionary should have
included long
ago.

This whole matter
lapses to
gimmickry.

Our people don’t
eat enough
pan

de sal, halo-halo, or
pancit. We can’t
afford

experiences that would
make us
go

kilig with excitement,
joy, or
hope.

The notion of
a “comfort
room”

is laughable when
we all
piss

and shit into
the same
rivers

where we bathe
and drink.
Our

children grow up
without knowing
who

bore them into
their paltry
existences.

Not a single
trapo will
read

this poem whose
existence inappropriately
aspires

to its English
Title—definition:
“impressive”

2.
“Pagpag” is defined
as the
practice

of scavenging through
trash heaps
for

food. Due to
its prevalence
we

most assuredly will
give you
“pagpag”—

how then, my
people, will
we

take pride in
such an
achievement?

Eileen R. Tabios has released over 60 collections of poetry, fiction, essays, and experimental biographies from publishers in 10 countries and cyberspace. Forthcoming in 2023 is the poetry collection Because I Love You, I Become War. Recent books include a first novel DoveLion: A Fairy Tale for Our Times; two French books, PRISES (Double Take) (trans. Fanny Garin) and La Vie erotique de l’art (trans. Samuel Rochery); and a book-length essay Kapwa’s Novels. Her award-winning body of work includes invention of the hay(na)ku, a 21st century diasporic poetic form; the MDR Poetry Generator that can create poems totaling theoretical infinity; the “Flooid” poetry form that’s rooted in a good deed; and a first poetry book, Beyond Life Sentences, which received the Philippines’ National Book Award for Poetry. Translated into 12 languages, she also has edited, co-edited or conceptualized 15 anthologies of poetry, fiction and essays. Her writing and editing works have received recognition through awards, grants and residencies. More information is at http://eileenrtabios.com.

Read more >