Melismata
MANILA — Kailangan ng mahigit
1.17 bilyong piso para ayusin
ang mga paaralang sinira ng…
Pamulinawen, pusok indengam man
Toy umas-asug agrayod’ta sadiam
Panunotem man
….Bagyong Karding, ayon sa
Kagawaran ng Edukasyon.
Sa isang press conference ngayong
Biyernes, sinabi ni DepEd
spokesperson Atty. Michael Poa na
umabot sa 165 paaralan ang
nadamay at…
Wo ai Beijing Tiananmen
Tiananmen shang taiyang sheng
Weida lingxiu
…386 silid-aralan ang kailangang
ayusin.
Ginamit ang 561 paaralan bilang
evacuation sites…
Hey Jude, don’t make it bad.
Take a sad song and make it better.
…nang manalasa ang Bagyong
Karding sa Luzon noong Linggo ng
gabi…
Fei shang, gao shing, chi, shishyang,
Chonghu, Guaja, Jushi, Xijingpin
…na kumitil ng 11 buhay.
Pagkawasak
1. Isang linggo pagkatapos, ang palay na pinadapa ng bagyo
ay mangangamoy-alipunga kung hindi gagapasin.
2. Hindi pa siya nakakakita ng bigas na nagdikit-dikit at inaamag.
3. Marunong siyang magpinakbet pero hindi niya bet
magsaing, ni maghugas ng bigas.
4. Pero nagsasalita siya na para bang siyentistang
nakapagpadoble ng mga butil ng ginto sa mga uhay,
nakapagpalit ng turnilyo ng traktora, natuklasan ang sagot
sa climate change.
Balanoy
Tumubo ka
sa bungo ng jowa ni Isabella.
Lumago ka sa dilig
ng kaniyang pagtangis.
Buhok ka ni Tulsi,
Avatar ni Lakshmi.
Namimilipit si Krishna
Kapag binali ang iyong sanga.
Bulaklak mo’y de-WiFi
Na cardiac monitor ni Kudaman.
Pampawi ng ligalig
Ng kaniyang mga misis.
Duklay mo’y nakapakete,
Hinarvat ko sa grocery.
Panahog ko sa pasta
Kapag purga na sa de-lata.
Mabuti na lang at itinanim.
Ayuda’y tikatik kung dumating.