Hannah Keziah Agustin, Mandaluyong City, PH / New York City, USA Si Hannah Keziah Agustin ay mula sa lungsod ng Mandaluyong at kasalukuyang naninirahan sa New York. Ang kanyang mga tula’y matatagpuan sa Electric Literature, Michigan Quarterly Review, at minnesota review at ang kanyang mga sanaysay naman ay mababasa sa Guernica, North American Review, at The Offing. Siya ay isang PD Soros Fellow.



saritaanmi kenni lolak nga addaan iti dementiana


Issue No.11
inang nangankan,
wen, apay
nagsapa, ania
ti kinnanmo, diak
ammo, apay
agngangalngalka
pay laeng, nabsogkan,
haan, ania ti naganmo,
diak ammo, apay
dimo malagipen,
ay, apo, apay a
dinak malagip,
awanen ti bibiangko,
iti nakemko, apay
agkatkatawaka,
ania met, agkararagka
pay, ay apo,
kayatmo agtugaw
iti sango, napudot,
agkantaka man, agkantaka
no kua, agsalatayo,
diak ammo kadakayo,
apay mababainka,
i love you, inang,
i love you too,
ay-ayatenka, inang,
ay-ayatenka.
 
 

pag-uusap namin ng aking lolang mayroong dementia

salin ni JL Lazaga
 
inang, kumain ka na,
oo, bakit
kay aga, ano
ang kinain mo, di ko 
alam, bakit
ngumunguya ka 
pa rin, busóg ka na,
hindi, ano ang pangalan mo,
di ko alam, bakit
di mo na maalala,
hay, naku, bakit 
di mo ako maalala,
wala na akong pakialam,
sa loob-loob ko, bakit
ka tumawata,
ano ba, nagdarasal ka
pa, hay naku,
gusto mong umupo
sa harap, mainit,
kumanta ka nga, kakanta ka
pag ano, sayaw tayo,
ewan ko sa inyo, 
bakit nahihiya ka,
i love you, inang,
i love you too, 
minamahal kita, inang,
minamahal kita.